“AHM – ELI BABY, want to have some dinner at home tonight?”
Napayuko naman na si Ela at naialis ang tingin kay Eli.
“Ahm – maybe on other night, Nhiki.” sagot naman ni Eli na tila sumusulyap pa rin kay Ela na hindi naman na makatingin sa kanya.
“Please? Dad and mom would be pleased. Please? Please?” pangungulit pa ni Nhiki sabay kapit sa braso ni Eli. Alam niyang hindi ito titigil hanggat hindi niya pinagbibigyan kaya napayuko at buntong hininga na lamang siya bago tumingin dito.
“Alright.”
“Yehey! I love you na talaga Eli baby.” halos magbunyi naman si Nhiki at napatingin kay Ela na hindi sila tinitingnan na para bang hindi sila naririnig.
Napatingin rin si Eli kay Ela na halatang iniiwasan na siya ng tingin nito.
MAAGANG nakarating si Ela sa café shop at hindi pa ito bukas. Iniintay na lamang niya si Eli na dumating sa labas ulit ng shop habang nakaupo sa mga tables na naroon. Habang nag-iintay, dinukot ni Ela ang phone niya at minasdan ang mga litrato na kuha niya kahapon. Nangingiti siya kapag nakikita ang mga kuha niya at kuha nila ni King, hanggang sa na-swipe niya kung saan aksidente niyang nakuhanan si Eli ng litrato. Natigil siya noon at minasdan ang picture ni Eli na mukhang candid.
Grabe, kahit stolen shot, bakit ang gwapo mo pa rin?
Nag-swipe ulit siya at nakita rin ang ilang stolen shots niya kina Eli at Nhiki rin. Tila nagbagsak balikat naman siya roon.
“Mas pogi ako dun sa solo.”
Halos mapabalikwas naman si Ela ng marinig ang nagsalita sa likuran niya. Kamuntik na niyang maihulog ang phone niya mabuti’t sa mesa lang niya ito nabitawan.
“Ay sir Eli, wag ka naman pasulpot-sulpoit ng ganun! Aatakihin ako sayo eh!” napahawak pa siya sa dibdib niya dahil sa pagkabigla.
“Magbabawas ka kasi ng kape, Ela.” biro pa nito sa kanya. “But seriously, all your shots are good.”
“Hmm, thanks.”
“Kanina ka pa?” pagbukas naman na ni Eli ng pintuan ng shop.
“Hmm, hindi naman. Pero late ka yata?” tanong pa ni Ela dahil kahit kailan ay hindi ito nali-late.
“Ahm – “
Hindi naman malaman ni Eli kung anong isasagot.
“Good morning!” biglang bati ni Shay na maaga ring nakarating ng shop.
“Good morning, Shay.” – sagot din ni Ela rito.
Naglakad na si Eli diretso sa office niya at si Ela naman ay papasok na rin sa kitchen.
“Kamusta ang double date?” panimula ni Shay na nagsusuot ng apron niya.
“Okay naman. Masaya rin palang kasama sina sir Eli at Nhiki.”
“Talaga? O dahil sa kasama lang si sir Eli kaya ka masaya? Effective ba ang pagpapaselos niyo sa kanya?” biro pa ni Shay at halos panlakihan siya ng mata ni Ela. “Ano ka ba? Halata naman kayo ni sir King. Alam ko na yun.” sabay kindat pa nito kay Ela.
“Ang chismoso mo!” pag-irap pa ni Ela kay Shay at nagsuot na rin siya ng apron niya bago tuluyang pumasok ng kitchen.
“Ano? Siya ba ang nagselos o ikaw?” sigaw pa ni Shay sa kanya.
“Tse!” pasigaw ring sagot lang ni Ela mula sa kitchen.
“I was caught off guard! I have no choice. Anong idadahilan ko di ba? Saka baka lalong makahalata kapag hindi ako pumayag. Ako pa talaga, di ba?” paliwanag pa ni Ela kay King over the phone.
“Kaya nga eh. Alangang sabihin kong hindi pwede talaga kasi makikipag – basta yun na nga! Sasama daw ang kuya mo sa outing natin.”
“Wait? Saan sasama si Eli sa inyo?”
Napatameme naman si Ela ng sumulpot si Nhiki sa gilid niya at mukhang narinig ang sinabi niya.
(Ela? Are you there?)
“Ah, yes. I’ll call you back, King.” at pinatayan na niya ito ng tawag.
Nakapamewang naman si Nhiki na tila nag-iintay ng isasagot ni Ela.
“Ahh -- ano kasi Nhiki –“
“Sasama si Eli sa outing niyo ni King?” takang tanong pa rin nito.
“Ahm – oo.”
“And without telling me this? Ugh?” – Para naman siyang hindi makapaniwala. “Kailangan kasama rin ako noh!” nagmadali itong pumasok ulit ng shop. “Eli, baby!”
Nagkibit balikat na lang si Ela at nangingiti. Malamang ay masayang disaster na naman ang mangyayari sa kanila nito.
“HOW ‘bout this?” pagkuha pa ni Eli ng box ng isang harina at pakita kay Ela.
“Gluten free? Why not? I will try to make some gluten free cookies and brownies.”
“Great.” paglagay na ni Eli sa push cart nila.
Magkasama silang namimili ngayon ng ingredients nila para sa pastries ni Ela. Kung dati ay si Eli lang ang gumagawa nito mag-isa, ngayong narito na si Ela at minsan kasama na niya ito sa pagbili dahil ito ang mas nakakaalam kung ano ba ang pwede pa niyang kailanganin.
Nauunang maglakad si Ela sa aisle habang naghahanap ng mga ingredients na nasa listahang hawak niya. Habang si Eli naman ay nakasunod lang sa kanya at tinutulak ang push cart nila. Nakatingin lang din siya kay Ela at hindi niya maunawaan kung bakit sa ilang beses na nilang nagawa ito ay ngayon mas nae-enjoy na niya ang oras na magkasama silang dalawa lang ni Ela.
“Honey.. Dark chocolates.. Ayun! Caramel syrup!” pagkuha pa ni Ela roon at lagay na sa push cart nila. “Tara doon na tayo sa mga eggs at sugar.” nauna pa rin siya sa paglalakad at nangingiti na lang din si Eli na sinusundan si Ela.
Bigla na naman pumasok sa isip niya ang thought noon na nakikita niya si Ela bilang isang perfect wife material. Hindi niya alam kung bakit kapag sumasagi ngayon ito sa isip niya ay natutuwa na siya hindi gaya noong una na parang naiilang pa siya. Hindi akalain ni Eli na si Ela ang nakikita niyang wife material na makakasama niyang mag-grocery imbes na si Nhiki. Natitigil naman siya sa daydreaming niya kapag sumasagi na rin sa kanya ang realidad na si Nhiki na nga pala ang mapapangasawa niya.
Ang swerte siguro ng mapapangasawa niya..
“Sir Eli?” napabalik ng tingin si Ela kay Eli at ilang segundo pa bago natauhan si Eli sa pagpapantasya niya. “Tara na.” sabay talikod nito ulit at naunang maglakad. Napasunod na lang din si Eli sa kanya at nailing sa sarili.
Matapos nilang mag-grocery ay naglalakad na silang dalawa sa hallway ng mall ng mapalingon si Ela sa gawing kaliwa niya.
“Wait!” napatakbo si Ela doon ng makita ang claw crane sa labas ng arcade.
Napasunod naman ng tingin si Eli kay Ela at tinulak rin papunta doon ang kanilang push cart na puno ng grocery items.