Chapter 15

1190 Words
NAKITA NI ELI na naghulog ng barya si Ela sa claw crane at kaagad na sumubok makakuha ng stuff toy. “Ayy!” tila bigo si Ela sa unang pagsubok niya sa pagkuha kaya kaagad siyang dumukot ulit ng barya at inihulog doon. Napasandal naman si Eli sa gilid niya at tila natutuwang masdan si Ela sa ginagawa nito. “Ano ba yan!” Nakakailang subok na si Ela sa pagkuha ng stuff toy mula sa craw ngunit palagi siyang bigo. “Seriously Ela?” natawa namang komento ni Eli. “Huwag kang judgmental sir, sa tanda kong ito, ni hindi pa ko nakakakuha miski isang laruan mula sa kahit anong claw crane!” seryosong saad pa ni Ela na hindi maalis ang tingin sa nilalaro. Natawa naman si Eli rito. Napatingin pa siya ulit sa hindi na naman pagkuha ni Ela ng stuff toy at nailing siya. “Mauubos na ang barya mo, wala ka pang nakukuha. Kung gusto mo pala ng laruan, eh di sana bumili ka na lang.” “You don’t understand, sir Eli. Hindi ka ba ni minsan nag-asam makakuha sa ganito? Syempre iba yung feeling ng achievement mo kapag dito ka nakakuha di ba?” paliwanag pa nito at patuloy pa rin sa paglaro. “Omg! Ayan na!” – Nakakuha ang claw niya ng stuff toy at maidadala na ito sa paghuhulugan. “Oooh… Argh!” buong akala ni Ela na makakakuha na siya sa unang pagkakataon pero bago pa ito maihulog sa butas ay nalaglag na ang stuff toy kaya laking panghihinayang niya rito. “Malapit na eh!” Nakasimangot man na at dismayado, naghulog ulit si Ela ng barya ngunit tinabig siya ni Eli at ito ang pumuwesto doon. “Ako nga.” gumilid naman si Ela at pinanood lang si Eli sa ginagawa. Naka-focus lang din si Ela sa paggalaw ng claw. “Ihh!” na-excite siya ng pagkakapit ng claw ay may nakuha itong laruan at naiangat. Unti-unti siyang mas nae-excite at kinakabahan ng dinadala na ng claw ang laruan para ihulog ito. “Oh my!” Nahulog ni Eli ang laruan sa butas at kinuha niya kaagad ito. “How – how did you do that?” halos hindi makapaniwala si Ela na nagawa ito ni Eli ng isang beses na subok lang. “It takes a good practice.” inabot naman ni Eli kay Ela ang stuff toy at kinuha lang din ito ni Ela na hindi pa rin makapaniwala. “Hala sir Eli! Turuan mo naman ako nun oh? Paano yung technique mo?” halos pagmamakaawa naman ni Ela kay Eli at natatawa lang si Eli sa kanya. “Please? Please?” “Alright, alright! In one condition.” Napatingin naman si Ela kay Eli na tila nagtataka. Pinakunutan naman niya ito ng noo. “Ano yun?” Napatingin rin si Eli kay Ela. “Kasama na ako sa outing niyo ni King ah.” Napatigil si Ela at tila nag-iisip. “Hmm, eh kasi nagpumilit na si ma’am Nhiki na sumama di ba?” Napakibit balikat na lang si Eli sa kanya. “Sige! Deal! Pero kailangan makakuha ako ngayon dito ah?! Or else, pareho kayong hindi kasama!” “Ngayon mismo?” “Oo. Ngayon mismo! Kailangan effective yang technique mo, baka mamaya – may cheat ka lang alam dyan eh.” pagdududa pa ni Ela. Natawa naman si Eli at napakamot ng kilay. “Of course, there is it. King also loves to have some toys from that claw crane, so I practiced myself to master how to do it.” “Daming dada! Tara na, turuan mo na ko.” naghulog ulit si Ela ng barya at hinayaan si Eli na maglaro.   Pumuwesto ulit si Eli sa tapat ng claw crane at sinimulang paandarin ito.   “Oh? Konti pa, usog mo pa.” “Eto na!” Nakailang beses si Ela na sinubukan ang tinuro sa kanya ni Eli at hindi pa rin ito nagtatagumpay. “Dahan-dahan lang Ela..” “Mabagal nga lang oh.” Habang si Ela ang nagmamaniobra ng controller ng claw crane, nasa likuran naman niya si Eli at umaalalay sa kanya. “Oh, dito.” paghawak pa ni Eli sa kanang kamay ni Eli na may hawak sa joy stick at hindi napigilan ni Ela na hindi matigilan at tingnan ito. Hinayaan lang si Ela yun at sinubukang magpigil ng ngiti at nag-focus na lang sa ginagawa. “Oh, oh..” “Yehey!” At sa wakas ay nakahulog si Ela na ng stuff toy. Halos hindi naman maipaliwanag ang saya niya. “Waaah! Nakakuha rin ako!” halos hiyaw nito sa saya at kinuha na ang stuff toy na nahulog niya. “Look, sir Eli, I’ve got this!” hindi naman napigilan ni Ela ang saya kaya napayakap siya kay Eli.  “Thank you!” Tila si Eli naman ang natigilan sa pagyakap saglit ni Ela. Humiwalay din si Ela sa kanya na tila napagtanto na nito ang ginawa niya. “So – sorry sir. But thank you ulit.” pagngiti niya pa rin rito saka nilampasan si Eli. Nauna na itong maglakad at si Eli naman ay napasunod pa muna ng tingin sa kanya. Tila hindi pa rin ito makapaniwala. Habang naglalakad sila ay nakatingin lang si Ela sa stuff toy na penguin na nakuha niya. “Grabe! Hindi ako makapaniwalang nakakuha na ko after so many years of trying!” pagyakap pa ni Ela sa stuff toy niya. “Eh paano naman itong penguin na nakuha ko rin?” pagpapakita pa ni Eli ng stuff toy na penguin. Kulay pink ang nakuha ni Eli, at blue naman kay Ela. Napatingin pa si Ela sa kanya. “Eh di itabi mo sir, ikaw naman nakakuha niyan eh.” Nilapit ni Eli ang hawak niyang pink penguin sa hawak din ni Ela na blue penguin. “Look oh? Malungkot daw kapag mag-isa. Kaya dapat, magkasama sila.” Natigilan naman si Ela ng makitang magkatabi ang mga hawak nilang penguin, mukha ngang couple ito. Napaisip siya at napatingin kay Eli. Bago binalik ang tingin sa mga stuff toys nila. “Hmm..” napahinto si Ela sa paglalakad habang nakatingin sa mga stuff toy na hawak. Napahinto rin si Eli sa tabi niya. “Kunin mo na ko miss beautiful, please?” nagmaliit naman ni boses si Eli na tila yung penguin niyang hawak ang nagsasalita kay Ela. Nangiti naman kaagad si Ela dahil hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Eli. “Please..” “Oo na. Para magkasama na kayo nitong – nitong ni Mr. Penguin ko.” nangingiti na lang ding sagot ni Ela. “Yehey!” sabay pinahalikan pa ni Eli ang hawak na stuff toy sa hawak ni Ela. Kinuha na ni Ela ng stuff toy na hawak ni Eli at pinayakap niyang dala ito. “So, kung si Mr. Penguin yang sayo, eh di – si Mrs. Penguin yung sa akin?” biro pa ni Eli. “Misis agad?” “Why not? Doon rin naman ang punta nila di ba?”   “Eli, baby!”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD