“ELI, BABY!”
Sabay pa silang natigilan at napatingin kung saan nanggaling ang boses na sumigaw na iyon.
“Gosh! Kayo nga! Kanina ko pa kayo tinatawag pero hindi niyo ko naririnig.” halos hinihingal pang reklamo ni Nhiki ng makalapit kina Ela at Eli.
“Hi!” bati naman ni Ela kay Nhiki.
“Nhiki – hi. What – what are you doing here?” tanong pa ni Eli na hindi rin makapaniwalang narito sa mall si Nhiki.
“Duh? Pumunta akong café kaso wala ka, sabi ni Shay ang-grocery daw kayo nitong ni Ela. So, nagpunta na ko dito.” paliwanag pa nito sa kanila sabay hawi ng buhok niya papuntang likuran.
“You should have waited me in the café, pabalik na rin naman kami.”
“Well then – “ may dinukot na wallet si Nhiki sa hand bag niya at inabot kay Eli.
Kinuha na rin kaagad ni Eli ito. “Thanks. I didn’t notice –“
“Yeah, you left it at home. Kanina ko lang din nakita. Hindi mo na rin siguro napansin kasi nagmamadali kang umalis kaninang umaga eh. I thought you might need it, kaya nagmadali akong ibalik sayo.” paliwanag pa ni Nhiki at tila hindi maipinta ang mukha ni Ela sa pagkabigla.
Tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Nhiki at si Eli naman ay hindi malaman kung ano pang isasagot.
“Thanks. Ahm –“
Naglakad na lang si Ela at iniwan na lang silang dalawa na naroon.
Ano namang pakialam ko dun di ba? Ikakasal naman na sila. Normal na lang siguro mag-sleepover sila sa bahay ng isa’t isa!
Pasaring naman ni Ela sa isip niya ngunit hindi niya isinatinig.
Napasunod lang din tingin si Eli sa kanya na susundan niya sana si Ela ngunit naharang kaagad siya ni Nhiki sa pagkakakapit nito sa braso niya.
“So, let’s go back in the café?” umabrisyente naman si Nhiki at sabay na sila ni Eli naglakad habang tinutulak ni Eli ang push cart nila.
HABANG tahimik lang sa byahe si Ela, sinusulyap-sulyapan naman siya ni Eli sa likurang upuan ng kotse mula sa rear mirror. Nakadungaw lang si Ela sa bintana ng kotse habang nakapayakap pa rin sa dalawang stuff toy na penguin.
“You know what, I’ve contacted Gio Hermosa for the flower arrangement in the venue. I took the most prestigious design package he could offer. I can’t wait to see it on our wedding day.” bulaslas naman ni Nhiki ngunit tila walang nakikinig sa kanya.
Si Eli naman ay hindi makapag-focus sa daan dahil panay sulyap kay Ela sa rear-view mirror kaya hindi nito napansin ang nag-cut na kotse sa kanan nila. Mabuti na lamang ay nakapagpreno rin siya kaagad ng malakas kaya halos humampas sila sa loob.
“Oh gosh! Baby! Watch out naman!” bulyaw ni Nhiki dahil halos sumubsob siya sa harapan kung hindi lang dahil sa seatbelt niya.
Sinadya na ni Eli na tingnan at i-check si Ela sa likuran ng kotse niya.
“I’m sorry.” tila pag-aalala pa ni Eli rito.
Ni hindi siya nilingon ni Ela dahil dinadampot nito ang nahulog na mga stuff toys.
“Are you okay?”
Pag-angat ni Ela ng ulo niya at tumungo lang siya kay Eli bilang sagot ngunit ni hindi siya nilingon nito. Umayos ito ng upo at niyakap ulit ang dalawang stuff toy na hawak bago dumungaw ulit sa bintana ng kotse.
“Ano ba naman kasing mga driver na yan, bat bigla-biglang tatawid?! Nakakaloka!” reklamo pa ni Nhiki na inaayos pa ang buhok niyang mukhang nagulo sa lakas ng pagkakahampas niya.
Nang makabalik silang tatlo ay tumulong na si Ela magbitbit ng isang grocery items nila at diretso na siyang kitchen. Ni hindi siya nagsalita man lang o kumausap kahit na si Shay.
“Kaya pala mapait ang timpla ni Ela eh.” pasaring pa ni Shay habang tumutulong din sa pagkuha ng grocery sa sasakyan ng nilagpasan sila ni Ela. Napasunod lang ng tingin si Eli rito.
Bago pa i-lock ni Eli ang kotse ay chineck niya pa kung may naiwan pa sa loob nito bago pumasok ng café at hindi niya inaasahan ang nakita.
Iniwan ni Ela ang pink penguin na kanina ay binigay niya rito. Tila nalungkot naman si Eli ng makita itong mag-isang nasa loob ng kotse niya. Marahil sinadya ni Ela na iwanan ito roon, mukhang alam na niya ang ibig sabihin nito kaya hinayaan na lamang niya.