Chapter 17

1048 Words
"AM I LATE na ba?" medyo humahangos pa dahil nagmamadali na siya. "Okay lang. Sanay naman kaming laging pinaghihintay eh." pagbibiro pa ni Ela kay Nhiki. Ngayon na ang planong outing nila King at Ela para sana mapakilala ni King si Leo kay Ela ngunit nalaman nga ni Eli ang plano nilang pag-travel kaya nagpumilit si Eli na gusto niyang sumama sa dalawa. At noong narinig naman ni Nhiki na sasama si Eli sa kanila ay nagpupumilit din itong sumama. Sa café shop na lang ang kitaan nila at si Nhiki na lang ang iniintay. Rover na si Eli ang ginamit para maraming maikarga. Pero si King ang magmamaneho dahil mas marami itong alam na daan pasikot-sikot, kaya si Ela ang katabi niya at sina Eli at Nhiki sa likod. Bago pa makaalis, nag-final check pa si Eli sa café dahil si Shay lang ang maiiwan dito. Chineck naman ni Ela ang mga non-bake pastries niya na pwede ng i-serve ni Shay. Pabalik na sana sila sa labas ngunit papuntang restroom muna si Ela at si Eli naman ay palabas roon kaya nagkasalubong ang landas nila. Pareho silang medyo nagulat at nagka-ilangan. Simula kasi noong nangyari sa mall, tila iwas si Ela kay Eli at naguusap lamang sila kung tungkol sa trabaho. Hindi nila malaman kung saan sila magdadaan dahil kung kakanan o kaliwa si Ela, doon din napapapunta si Eli. "Wait!" tumigil siya at hinawakan si Eli sa magkabilang braso para huminto. At saka siya naglakad palagpas rito. "Wait!" bago pa tuluyang makalayo si Ela ay nahawakan ni Eli ang isang braso niya at napahinto ito at tumingin sa kanya. "Ahm.." tila biglang nahiya at nabuhol na ang dila. Tiningnan lang siya ni Ela ng may pagtataka at binawi na rin ang braso kay Eli at tuluyang pumasok na ng restroom. Napailing na lang si Eli sa ginawa. Napakatanga mo Eli! Habang si Ela naman ay pagkasara ng pinto at sumandal pa muna siya roon para kalmahin ang sarili dahil kinabahan siya sa ginawa ni Eli na pagpigil pa sa kanya. Ano kayang problema niya? Nako Ela, wala lang yun okay? Buong byaheng tahimik ang lahat. Nagpapatugtog si King at kumakanta kanta pa, si Nhiki ay tulog na tulog habang sina Eli at Ela ay tahimik na ine-enjoy ang view. Nasa likuran lang ni Ela si Eli kaya kung minsan ay nagkakasalubong sila ng tingin sa side mirror pero dedma lang si Ela rito. "Kuya? Palit naman tayo?" pagtawag ng atensyon ni King sa kapatid. "Ah, sige." Tiningnan naman ni Ela si King ng masama at nginingitian naman siya nito na parang nangaasar. Nagpalit sa pagda-drive ang magkapatid at natulog kaagad si King. Hindi pa rin naman matinag ang tulog mantika ni Nhiki. "Enjoy your honeymoon stay sir, mam to our resort!" bati kaagad ng guard nang mapahinto doon si Eli para kumuha ng ticket sa parking. Nagulat naman silang dalawa lalo si Ela. "Nako manong, hindi po kami --" pagsabat pa sana ni Ela. "Salamat po manong!" sagot lang ni Eli pagkakuha ng parking ticket kaya nagtatakang napatingin sa kanya si Ela. "Nakow! Lahat ng bagong kasal na nagha-honeymoon dito, nakakabuo kaagad! Oh siya! Mag-enjoy!" Napanganga na lang si Ela sa kahihiyan at si Eli naman ay tuwang-tuwa. "Hay kulit ni manong noh?" "Unbelievable! Talagang kinunsinti mo naman?" medyo inis namang reklamo ni Ela "Hindi niya siguro nakita yung dalawa sa likod dahil mga nakahiga na." hindi naman mapigilan ni Eli ang mangiti. "Ewan ko sa'yo." pero hindi rin maitago ni Ela ang ngiti sa kanyang mukha. Nakarating na sila sa resort at hindi maiwasang hindi sila mamangha sa ganda nito. "This is a paradise! Don't you think magandang venue ito for the wedding?!" pagsingit pa ni Nhiki. Wala namang sumagot sa kanya at dumiretso na sila sa reception. "Two double size bedroom?" saad ni King sa receptionist. "Woah? Woah? Bakit dalawang kwarto lang?" pagsingit pa ni Eli. "Why? You and Nhiki, me and Ela." paliwanag naman nito. "Woah? Woah? Woah? You and Ela? No bro, I don't think so." pagkontra pa rin ni Eli at pinagtataka naman ito ni King. "Don't tell me ayaw mong kasama pa si Nhiki sa kwarto, eh ikakasal naman na din kayo?" pangaasar pa ni King sa kuya niya. "Shut up bro, baka marinig ka pa. Pero bakit magkasama kayo ni Ela sa kwarto?" tila sumeryoso naman si Eli rito. Medyo na-speechless naman si King dahil malamang iba ang iniisip ng kuya niya pero ang totoo ay para lang silang magbo-bonding ni Ela sa kwarto. "Alangang kami ni Nhiki at kayo ni Ela di ba? Mas awkward." pamimilosopo nito sa kapatid. "Alright, two of us then the girls." "Fine! Let’s make it four single bedrooms!" tila inis namang solusyon na lang ni King. Umakyat na sa kanya-kanyang kwarto ang apat at nagkataong nasa dalawang magkabilang dulo ang mga napili nila. Magkatapat na sa dulo sina Nhiki at Ela, ganoon din ang magkapatid. "Hays ang sarap naman dito sa kama ko!" paghilata kaagad ni Ela sa kama niya pagkapasok sa kwarto. Bungad kaagad sa tabi ng kama niya ang view ng beach resort! Talagang hindi maitatago ang pagkamangha niya sa lugar. Matapos ang ilang oras ng pahinga at pagpapalit ng damit nila ay bumaba na silang lahat para makapagtanghalian sa restaurant ng resort. Parehong naka-khaki short at sando ang magkapatid, si Ela ay naka-maxi dress samantalang naka-two-piece swimsuit kaagad si Nhiki na may manipis lang na panglabas. "Langoy na langoy na? Hipon na hipon talaga oh?" bulong pa ni King kay Ela na nagpipigil naman ng tawa. Samantalang nakikita sila ni Eli na nagtatawanan at masayang magkasama habang nakatayo lang sa counter malapit sa table nila kasama si Nhiki para magpadagdag ng order. Matapos kumain ay nag-aaya kaagad si Nhiki na pumunta na sa beach, umakyat naman na sina Ela para makapagpalit at si King naman daw ay kukunin lang ang camera niya. Naiwan naman sina Eli at Nhiki sa baba. Matapos makapagpalit ni Ela ay pinuntahan niya sa kwarto si King para sana sabay silang bumaba pero pagpasok niya sa kwarto nito ay halos nagulantang siya ng may kayakapang lalaki ito. "Oh-oh?!" Hindi naman nagulat yung dalawa at parang wala lang na naghiwalay at hinarap si Ela. Mabilis na napapakurap si Ela habang nakatitig lang sa mga ito.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD