Chapter 18

1034 Words
"BABE, THIS IS Ela. Yung kinukwento ko sa'yong "dini-date" kong gusto ni kuya." pakilala pa ni King kay Ela. "H - hi." sabay ngiti naman ni Ela rito. "I'm Leo." pakikipagkamay pa nito at inabot rin ito ni Ela. Nagkakasenyasan naman sina King at Ela. Dinidilatan ni Ela si King, at si King naman ay kumekeme lang na mauna na si Ela sa kanya. "Ikaw na bahala magdahilan kay kuya." sabay kindat pa ni King kay Ela. "Anong akong bahalang -- hays. Oh sya! Good luck sa inyo!" wala namang nagawa si Ela na kundi bumuntong hininga at umirap. Dahil bukod sa pagtatakpan niya ang kaibigan, eh kailangan makisama pa siya kina Eli at Nhiki. "Huwag mong aalisin si kuya o si Nhiki sa paningin mo ah, alam mo na." "Opo boss. Teka? Sino bang nagpapasahod sa akin dito ha?" pagtataray pa kunwari ni Ela. "Love you sis." nag-flying kiss pa si King kay Ela bago nito tuluyang iwan sila sa kwarto. "Hmm bakla ka ng taon!" umirap lang si Ela kay King at nginitian lang naman siya ng kaibigan. Napabuntong hininga na lang ulit si Ela pagkalabas ng kwarto ni King at pinag-iiisipan na kung papaano niya mababantayan sina Eli na hindi mahuli si King at ang nobyo nitong si Leo. "Pambihira naman oh? Panakip butas na nga, magiging third wheel pa!" Naglakad na siya pabalik kina Eli at Nhiki sa baba pero papasok palang siya ng elevator ay lumabas na doon si Eli at parang nahulog ang puso niya sa kaba, although talagang hulog na ang puso niya sa binata. "Oh shockers!" napahinto siya sa gulat. "Oh? Where's King?" tanong kaagad ni Eli sa dalaga. "Oh?" tila natatameme sa kausap. "Ah, eh. Ano kasi -- sumama yung pakiramdam. Oo! Sumama pakiramdam ng bak - batang iyon." tila gusto niyang kutusan ang sarili. Naka-swimsuit siya pero parang mainit ang pakiramdam pa niya. "Ganun ba? Okay lang ba daw siya? Wait, I'll go check him." pagpupumilit pa ni Eli. Padiretso na sana si Eli sa hallway papuntang kwarto nila ng hinarang siya ni Ela. "Wi wi wi wait! Wait lang sir!" parang hindi siya makalma sa sitwasyon na ito. "Ano po kasi sir Eli, sabi niya tayo na lang daw po ang maglibot at maligo muna. Mamaya na lang daw siya. Matutulog lang daw po siya muna. Hehehe.." pagpapalusot naman ni Ela. "Ganun ba? Check ko na lang din siya at baka --" padiretso na sana ulit ng harangin ulit ni Ela. "Huwag na nga po sabi eh!" hinawakan niya si Eli sa magkabilang braso at sinandal sa pader ng buong lakas niya para mapigilan sa pagpunta kay King. Halos hingalin siya hindi dahil sa napwersa siya kundi sa kaba at takot sa sitwasyon niya. Tila nawindang naman si Eli sa ginawa ni Ela. "Huwag na po sir. Sasama na lang po ako sa inyo ni ma’am Nhiki. Kahit taga kuha ng picture niyo, okay lang!" mariin niyang saad sa binata habang seryosong nakatingin sa mga mata nito. Lingid sa kaalaman ni Ela ay nawindang din niya ang damdamin ng binata sa ginawa. Kinakabahan si Eli dahil sa ginawa ni Ela na kung gaano sila ngayon kalapit sa isa't isa. Noong nakaraan lang ay hindi siya pinapansin nito, ngayo’y kakaiba ang kinikilos nito. Pinipigilan niya ng sarili dahil hindi niya alam kung bakit pumasok sa isip niya mahagkan ng tuluyan ang dalaga. "Ahh, okay." tila hindi naman makaimik ng sagot ni Eli. Saka palang nakahinga ng maluwag si Ela at pinakawalan na si Eli sa pagkakaipit niya rito. Dumiretso na silang elevator na parang wala lang kay Ela dahil ang nasa isip niya pa rin ay sina King at Leo, pero kay Eli ay nag-iwan ng malaking impact ang ginawa niya. Awkward man kay Eli pero si Ela ay parang humahangos pa rin sa kaba habang nasa loob sila ng elevator. May mga pumasok na tao at malapit ng mapuno ang elavator pero parang hindi ito iniintindi ni Ela kaya inakbayan siya ni Eli at hinila mula sa balikat niya papalapit sa kanya. Nakaakbay lang si Eli kay Ela hanggang sa makalabas ng elavator. SABAY-SABAY na silang nagtungo ng beach at doon lang muna si Ela sa buhangin at namumuni-muni, habang kinukulit naman ni Nhiki si Eli na samahan siyang mag-picture taking malapit sa dagat. "Tss, tangayin sana ng alon mga hitad na toh." bulong sa sarili at panay pang irap habang pinagmamasdan ang dalawa. No choice naman si Eli kundi samahan si Nhiki dahil hindi siya tatantanan nito sa pangungulit. Pero tila napapawi ang inis ni Ela kapag nakikita niya si Eli at ang mga mala-pandesal nitong abs na lalong nakikita dahil naka-topless ito at swimming shorts lang ang suot. Para itong humahalina sa kanya na mag-swimming na din. Kinuha niya ang sariling camera at kinuhunan ng palihim si Eli habang nababasa na ito sa dagat. Kinukunan niya ang mga galaw nito at hindi na namamalayang papalapit na pala ito sa pwesto niya. "Done taking pictures?" bungad ni Eli kay Ela pagkalapit dito. "Ha?" biglang tinago ni Ela ang camera niya ng mapagtantong nasa harapan na lang pala niya ang kinukunan niya. "Ahm, ang ganda kasi ng beach." "I know so." ngisi pa nito kay Ela at naupo sa tabi niya. "Bakit mo iniwan si ma’am Nhiki doon?" tanong pa ni Ela. "I'm tired. We're here to relax not to have a photoshoot." water resistant camera ang gamit ni Eli kaya kahit nababasa na sila ay okay lang. Tinitingnan niya ang mga kuha niya kay Nhiki at binubura ang mga hindi magaganda. "Baka maubos yang pictures." sarcastic na saad ni Ela. Natawa na lang si Eli at lingid sa kaalaman ni Ela ay kinukunan din siya ni Eli ng litrato habang nakapikit at tila nakaharap kung saan. "Wanna kayak?" pag-aya naman ni Eli. "Kayak? Saan?" "Papuntang kabilang island." "Tara na!" tumayo na si Ela at nagpagpag ng buhangin sa katawan. Sa hindi malamang kadahilanan, hindi naman nakakibo si Eli at nakatitig lang ito kay Ela. Marahil ay nabibighani siya sa natural na ganda at kaseksihan ng dalaga sa suot na one piece swimsuit. "Tara na? Tawagin mo na si ma’am Nhiki." "Ah, o -- oo."            
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD