Chapter 19

1079 Words
"NO WAY! I can't do some rowing! It's kinda tiring kaya!" magmamaktol pa ni Nhiki. "Then how will you gonna get in the other island with us?" "Ugh! I'll take the boat! If you want guys to kayak going to that island, go ahead. But you can't make me sakay sakay on that tiny boat! Baka lumubog pa tayo noh!" pagiinarte pa ni Nhiki na sa loob-loob nilang dalawa ay masayang-masaya sila dahil silang dalawa lang ang may gustong mag-kayak papunta sa isa pang isla. "I'll wait you guys there. Magpi-picture picture na lang muna ako doon." Sumakay na si Nhiki sa bangka at nauna na itong umalis. Samantalang pasakay palang sina Eli at Ela sa kayak. "Wear your life jacket." pag-abot naman ni Eli kay Ela ng life jacket. "No need, I can swim." "Kahit na noh." "Ikaw nga ayaw mo din magsuot eh." "Tss. Ikaw bahala." natatawa na lang niyang sagot kay Ela pero sa loob-loob niya ay nae-excite na silang masolo ang isa't isa. Pumuwesto si Eli sa pagsagwan, ayaw pa sana niyang pagsagwanin si Ela pero kumuha pa rin ito.         Malakas ang hangin at matirik ang araw, pero hindi nila alam kung bakit mas enjoy silang mabagal lang sa pagsagwan na para bang walang iniisip na oras o taong pinag-iintay. Parang sa kanila lang yung mundo sa mga oras na yun. "Are you sure King will be fine there alone?" pagbasag ni Eli sa katahimikan nila. "Oo naman. Mukhang puyat lang yun." "Maybe." "Eh sure ka bang okay lang yung si ma’am Nhiki doon mag-isa? Baka nagwawala na yun doon." "Hayaan mo siya. Kukuha lang naman ng mga pictures niya yun eh. Hindi naman nun maa-appreciate yung ganda ng lugar. Unlike us here, we can more enjoy the whole beach and the island. It's a perfect place actually." "I agree." Mula sa gitna ng malinaw na katubigan, makikita sa ilalim nila ang iba't ibang uri at kulay ng isda. May mga corals pa at sea plants na mas nagpapaganda sa ilalim ng dagat. At ang buong karagatan at tanaw pati na rin ang mga islang nakapaligid sa kanila, kitang-kita ang ganda kahit sa malayo palang. "Parang gusto kong puntahan lahat ng isla dito ah." namamanghang saad pa ni Ela. "Now? I can take you to it." dumungaw pa si Eli sa kanya mula sa likuran nito at nagsaludo na para bang pumapayag itong personal na taga sagwan niya mapuntahan lang mga gusto niya. Hindi naman niya maitago ang ngiti at pagba-blush sa sinabi ng binata. Enebe? Nakaka-in love ka na ah.. Teka? Did I say -- in love? No way! Tumigil sa isang maliit at hindi kalayuang isla ang dalawa. Hindi pa ito ang islang pupuntahan dapat nila pero tumigil sila rito para makita ang ganda muna ng lugar. "Woow! Parang solong-solo ang isla na toh ah?" paglibot kaagad ng paningin ni Ela pagkababa niya ng kayak. Kumukuha na siya ng mga litrato habang inaangat pa ni Eli sa pangpang ang kayak nila. "I'll take pictures of you." "Ha? Nako huwag na! Nakakahiya naman po sir, pero pwede doon lang sa taas ng batong iyon oh? Doon lang?" biro pa nito pero gusto niya rin naman. Natatawa na lang si Eli sa kulit ni Ela at imbes na camera ni Ela ang gamitin pang kuha sa kanya ay camera ni Eli ang ginamit niya. Hindi niya akalaing kakausapin na siya ni Ela ng ganito kaya gusto na rin niyang samantalahin ang pagkakataon. "How about on that tree? Maganda yung lightning eh." pagturo pa ni Eli sa isang palm tree. "Dito?" pumuwesto si Ela ng tayo lang doon. "Strike a pose. Sayang yung view oh." biro pa ni Eli na tila ginagawa niyang modelo si Ela sa isang photoshoot. "Paano ba? Ganito?" nag-lean si Ela sa puno at tumingin kay Eli ng diretso. Kinunan naman kaagad siya ni Eli. "Perfect. Oh, doon naman sa buhanginan na yun oh." utos pa ni Eli. Although kumukuha sila ng pictures, nai-enjoy pa rin ng dalawa ang ganda ng view ng bawat islang dinadaanan at hinihintuan nila. Hindi na nila alintana na mayroong nag-iintay pa sa kanila. "Hahaha ayoko nga! Ikaw ang humiga diyan kung gusto mo!" pagtakbo pa ni Ela at hinahabol naman siya ni Eli para kunan ng litrato. "Sige na please? Mas bagay kasi sa'yo eh." pangungumbinsi naman ni Eli kay Ela. "Ayaw!" biglang inagaw ang camera ni Eli. "Ikaw na lang sir Eli dali. Try naman natin!" "Alright, alright. But don't blame me if the picture turns into candid, okay?" pagbibiro pa nito. "Ay yabang. Hala sige na sir! Pwesto ka na dun!" Pagkakahalong saya at kilig ang nararamdaman ng bawat isa pero hindi lang nila pinahahalata. Ngayon na lang ulit sila nakaramdam ng saya simula ng araw na iyon at hindi nila akalaing makakasama pa nila ang isa’t isa lamang. Dumapa si Eli sa buhanginan malapit sa tubig at kinunan siya ni Ela. Ngunit biglang lumakas ang alon at halos natabunan si Eli ng tubig at buhangin pero hindi naman ito natinag sa pagkakadapa. "Hala? Sir Eli? Tinangay na kayo ni ma’am Nhiki papunta sa kanya!" hindi niya alam kung naririnig pa ba siya nito. Humupa ang tubig at alon at nabasa ng tuluyan si Eli at may mga buhangin pa sa buong katawan pati mukha. Tinawanan kaagad siya ni Ela sabay kinunan kaagad ng litrato, pero napatigil si Ela ng makita ang picture ni Eli na messy hair at fierce look sa camera. Para itong umaahon na Greek God!         "Hoy! Patingin nga!" pagbangon na ni Eli "Ah, ahhh. Maganda naman po sir!" "Sus! Patingin." Kinuha ni Eli ang camera at tiningnan ito. "Not bad ah. Magaling ka rin talagang kumuha. Konting train pa, pwede ka na ring maging photographer." saad pa ni Eli. "Bakit sir? Photographer po ba kayo?" "I used to when I haven't had my coffee shop before. But now, I stopped." seryosong saad nito. Ahh, kaya pala may mga ganyang camera at kung makautos na mag-pose ako, parang photoshoot na. "Tara sir? Paunahan tayong lumangoy sa bato na yun oh?" pag-aya naman ni Ela kay Eli at tinuro pa ang batong sinasabi nito. "Are you really challenging me?" "Hmm, maybe. But if you can't, I understand." maatras ng lakad ni Ela at biglang nag-dive sa tubig at lumangoy. Napangiti at iling na lang ng ulo si Eli at kaagad na hinubad ang camera na nakasukbit sa kanya at nanakbo para makalangoy pasunod kay Ela.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD