CHAPTER FORTY-TWO SATURDAY. 3:30 AT CERIN. Usapan namin 3:30PM pero kaninang 3:00 pa ko nandito. Masyado akong excited kaya inagahan ko ang pag-punta. Kanina pa nga ako naka-ngiti eh. Wala. Masaya lang ako. Inagahan ko din kasi hindi pwedeng pinaghihintay ang mga babae. Lumapad ang ngiti ko nung matanaw ko na si nano. "Nano!" malakas na tawag ko sa kanya. Nung napansin niya ko, inirapan niya ko. Black v-neck shirt. Black pants. Black rubber shoes. Black wrist watch. Ang saya niya sa suot niya! "Star city tayo, sagot na kita." aya ko sa kanya. "Uhm, wag kang magre-reklamo ah? Pasado naman ako sa lahat ng test diba? tapos ako yung panalo sa deal natin. Basta wag kang magre-reklamo.." "Ang dami mong sinasabi.." "Basta ha?" "Ewan ko sayo." sagot niya. Para sakin, oo ang ibig sa

