CHAPTER FORTY-ONE [Warren's POV] 4 DAYS PAST; Martes ngayon at maaga ulit akong gumising para pumunta kanila nano at sunduin siya. Kahapon pa ko magaling, hindi lang talaga ako pinapasok ni ate. Pinagawa niya kasi ako ng mga letter. Pito yung ginawa ko. PITO! Sabi kasi ni ate kailangan ko daw bigyan lahat ang mga teacher ko ng sorry-letter dahil sa pag-absent ko ng limang araw. Nung sinabi kong isa nalang ang gawin ko at magpapa-xerox nalang, pinagalitan lang ako. Nung sinabi ko namang picturan nalang ako habang nasa hospital at ipakita sa lahat ng mga teacher ko, patunay na nagka-sakit talaga ako, sinermunan lang ako. Wala na kong nagawa kundi ang sumunod nalang at mag-sulat sa intermediate pad. Matapos kong mag-sulat, nag-aral na ko para sa darating na exam. Mag-damag akong nag-aral

