CHAPTER SIXTY [WARREN'S POV] October 31 2016. At the abandoned house; "Anong plano niyo sa halloween? May gagawin ba kayo?" tanong bigla ni JB. Halloween na nga pala bukas. Ano bang pwedeng gawin? Siguro matutulog nalang ako buong araw. Pwera nalang kung dumating na si nano. Wala kaming pasok hanggang november 7. Dapat masaya ako dahil mahabang pahinga nanaman ito. Nag-sembreak na kami ilang linggo lang ang nakakalipas at dahil papalapit na ang undas, school break nanaman. Pero imbis na mtuwa ako, nalulungkot ako. Tatlong araw ko pa lang siyang hindi nakikita, miss ko na siya. Miss na miss ko siya kahit alam kong hindi niya naman ako miss. Psh! "Bakit?" "Mayroon kasing isinagawa si mama na halloween event sa tabi ng bahay namin. Alam niyo yung gabi ng lagim sa star city? Parang gano

