59.

7458 Words

CHAPTER FIFTY-NINE SUNDAY; 6:00PM. "Nano, paalis palang ako ng bahay. Hintayin mo ko diyan. Susunduin kita *10 smile emoticons*" message sent. Tinaas ko ngayon ang ayos ng buhok ko. Bakit? Wala lang. Gusto ko lang. Bago ako lumabas ng kwarto ko, kumindat muna ako sa harap ng salamin. "Aalis na ko ate" paalam ko pagkababa ko. "Hindi ka ba muna kakain?" tanong ni ate pagkababa ko. Lumapit siya sakin ng naka-kunot ang noo. "Bakit?" takang tanong ko. "May pag-taas ka pa ng buhok ha? Pa-cute ka din eh noh?" aniya at tumawa pa ng malakas. "Anong pa-cute? Cute talaga ako! Sige na ate, aalis na ko. Hindi na ko kakain" maglalakad na sana ako paalis nang harangin ako bigla ni ate. "Bakit hindi ka kakain? May laro kayo kaya kailangan may laman yang tiyan mo ng hindi ka lalamya-lamya mamaya!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD