CHAPTER FIFTY-EIGHT "Salamat sa pagkain, Lyan" ani Denisse. Nginitian ko siya atsaka ako tumango "Sige, aalis na kami. Good luck satin next week. Salamat ulit!" halos dalawang oras din ang lumipas bago kami natapos. Hinatid ko lang sila diyan sa gate. Oo sa gate lang. Napa-tingin ako sa gawing kanan ko at nakita ko si Dyuker at Dianne na nag-uusap. Kunutan ang noo ni Dyuker habang may ibinubulong sa kanya si Dianne. Tch. "Lhiyanna.." narinig ko ang pag-tawag sakin ni Sceven kung kaya't inilipat ko ang tingin ko sa kanya. "Bakit?" "May gagawin ka ba bukas?" tanong niya. "Nano!" napa-lingon ako nung marinig ko ang malakas na boses ni Dyuker. Patakbo siyang lumapit sakin. Magka-usap sila ni Dianne ah? "Sabado bukas. May usapan tayo diba? Magkikita tayo. Diba? Diba?" anong usapan? at bak

