CHAPTER FIFTY-SEVEN Pagka-labas ng lalaki ay agad ko siyang hinila palayo. Sinubukan kong hindi gumawa ng kahit anong ingay at nag-tagumpay naman ako roon. Dinala ko siya sa gilid nitong abandunadong bahay at mabilis kong ipinulupot ang braso ko sa leeg niya. "S-Sino ka—" agad itong napa-tigil sa pagsasalita nang higpitan ko ang pagkakasakal ng braso ko sa leeg niya. "Anong kailangan niyo kay Sherwin?" diretsong pagtatanong ko. "A-Anong paki-elam mo—ack!" muli kong idiniin ang pagkakasakal ko sa kanya. "Ngayon pa lang binabalaan na kita. Wag mo ng hintaying mag-dilim ang paningin ko dahil sinisigurado ko sayong hinding-hindi mo magugustuhan ang gagawin ko" gamit ang kaliwang kamay ko, kinuha ko mula sa aking tagiliran ang patalim na palagi kong dala. Itinutok ko sa kanya ang hawak ko

