CHAPTER FIFTY-SIX [LYAN's POV] 6:30PM; "Ate!" malakas na sigaw ni Karen. Nandito ako ngayon sa sala, nanonood habang kumakain. "Hmm?" walang ganang sagot ko sa pag-tawag niya. "Ate! Ate!" umupo siya sa tabi ko, "I-drawing mo nga ako ng cartoon character.." hindi pa man ako nakaka-sagot ay ibinigay niya na agad sakin ang isang 1/8 illustration board. "Alam ko namang mabait ka ate eh. Hihihi! Pa-drawing na ko ng cartoon character. Assignment lang namin sa Mapeh. Please ate?" nagpapaawa ang tono ng boses niya at naiirita talaga ako sa pananalita niyang iyan. "Marami akong gagawin" sabi ko at ibinalik ko sa kanya ang illustration board niya. "Sige nanaman ate oh?" "Ayoko" kapag ayoko, ayoko. Wala ako sa mood mag-drawing. At baka kapag pinilit ko ang sarili ko, malamukos ko lang yang i

