CHAPTER SEVENTY [JENO's POV] "Class dismissed" tumayo na ko mula sa pagkakaupo. Natapos ang klase ngayon ng normal. Akala ko gagawa na naman ng eksenang itong si Warren pero nagkamali ako. Buong discussion tahimik lang siya. At yung pagka-tahimik niya ang hindi normal. Bibihira yon. "Sumunod kayo sakin" malamig na pagkaka-sambit ni Warren samin. Nagka-tinginan kaming tatlo nila JB at Mir at animo'y naguusap kami gamit ang mga mata. 'May lalabanan na naman kaya kami?' Imbis na mag-tanong ay sumunod nalang kami sa paglalakad niya. Nag-cut ng klase si Sherwin kaya wala siya dito. Tanging last subject lang ang hindi niya pinasukan. Saan naman kaya nag-punta yon? Huminto kami dito sa likod ng highschool building, "Mamayang gabi. 6PM sharp sa Kikeo bar, magkita-kita tayong tatlo" ani Warre

