CHAPTER SIXTY-NINE Mag-isa lang ako akong naglalakad dito sa hallway nang maka-salubong ko siya—sila. Magka-sabay silang dalawa ni Dianne. Pinilit kong idiretso lang ang tingin ko sa harapan pero natatanaw ko pa din sila gamit ang peripheral vision ko. "What do you want to eat?" saktong pagtanong niya nito kay Dianne ay ang pagka-salubong naming tatlo "My treat" iniisip ko tuloy kung sinadya niya ba itong iparinig sakin o ano. 'Lyan, pag pasensyahan mo na ang kapatid ko ah?' matapos sabihin ito ni Sherwin ay hindi ko na nagawang mag salita o sumagot pa. Pag pasensyahan? Hindi ko maintindihan ang gusto niyang iparating. Gustuhin ko mang mag-tanong pero hindi ko alam kung bakit nanatili lang akong tahimik. Bago ako lumiko ng daan ay napa-lingon ako. Pinagmasdan ko na lamang ang kanyang l

