CHAPTER SIXTY-EIGHT Mabilis kong kinuha ang baril na inipit ko sa gilid ng aking pantalon. Agad kong hinarap ang nasa likuran ko at walang pagda-dalawang isip na itinutok ang hawak ko sa napaka-bait kong step brother. "Two on one, huh?" aniya habang naka-tutok ang hawak niyang baril sa lalaking dumating, kay Warren. "Masyado yatang napa-aga ang pag-huli ko sayo. Ano sa tingin mo?" tanong ni Warren. May hawak din siyang baril at naka-tutok din ito ng diretso sa step-brother ko "Pinupuri kita. Ang galing mong umarte.." "Sayang ang pag-tutok mo sakin ng baril. Alam ko namang ang pag-patay ay wala sa isip mo" napa-kunot ako ng noo habang naka-tingin sa kanilang dalawa.. "Nagbabago ang isip ng tao. Yung mga bagay na hindi mo gustong gawin noon pwedeng gawin mo na ngayon at sa mga susunod"

