CHAPTER FIFTY-FOUR [LYAN's POV] Hindi pa man ako gaanong nakalalayo ay nakaramdam nanaman ako ng matinding pagka-hilo. Habang naglalakad ay na-out of balance ako kaya agad akong napa-hawak ng mahigpit sa bakal para mapigilan ang pag-tumba ko. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko hanggang sa maka-labas ako ng perya. Nabigla ako nang may kumuha ng kanang kamay ko at iakbay ito sa leeg niya. Akmang tatanggalin ko na sana ang kamay ko at kukunin ang kanya para pilipitin ito nang makita ko ang mukha niya. Tss. Aalisin ko na sana ang kamay ko mula sa pagkaka-akbay na ginawa niya nang pigilan niya ko. Ngumisi ito at siya mismo ang nag-tanggal sa kamay ko. Pagka-tanggal niya ng kamay ko ay siya naman ang umakbay sakin. Sinamaan ko siya ng tingin, "tatanggalin mo yang kamay mo diyan o hihintayin

