CHAPTER FIFTY-ONE [Jeno's POV] Kakapikit lang ng mga mata ko at onting-onti nalang tulog na ko kaso bigla akong naka-rinig ng malakas na kalabag na naging dahilan para ang buong diwa ko ay mabuhayan at magising. Anong meron? Oo uminom ako ng alak pero nasa katinuan pa din naman ako. Yakang-yaka ko sarili ko at alam kong hindi ako lasing. Bumangon ako mula sa pagkaka-higa atsaka ko inilibot ang paningin ko. Nakita ko si Rachel na nag-aakyat ng tatlong bangko na magkakapatong-patong. Dahil gentleman ako.. agad akong tumayo at lumapit kay Rachel para tulungan siya. "Gabi na ha? Bakit hindi ka pa matulog?" tanong ko sa kanya pagka-baba ko ng bangko. Maga-ala una na ng madaling araw pero gising pa din siya. Hindi pa ba siya inaantok? "B-Bumaha kasi.." "Bumaha!?" gulat na tanong ko. Tum

