CHAPTER FIFTY [Lyan's POV] "Bakit hindi ka nalang pumasok sa loob?" napa-baba ako ng tingin mula dito sa itaas ng puno nung marinig ko iyon. Inalis ko ang tingin ko sa kanya atsaka sumagot, "N-Nagpapahangin lang ako" "Talaga? Bakit kaya pagbabantay ang dating sakin ng pag-upo mo diyan?" "at sino namang babantayan ko dito? Tch." pabulong kong sabi. "Pwedeng tumabi?" tanong niya. Tinginan ko lang siya pero hindi ako sumagot. Umakyat din siya dito sa puno at tumabi nga talaga sakin. "Kitang kita si Warren dito ah.." "Hindi ko siya tinitignan." "Wala akong sinabi na tinitignan mo siya." Wala din naman akong sinabing sabi niya tinitignan ko si askal.Tss. Napa-ikot nalang ako ng mata. "Lyan.." tawag niya sakin. "Hmm?" "O-Okay na ba yang kamay mo?" "Sa tingin mo?" "H-Hindi pa?" nag-

