~Sky~
Nandito ako ngayon mall at nasa groceries store nasa mga prutasan ako ngayon para pumili ng dadalhin ko kay Gabby. Habang abala ako sa pamimili ay biglang may nag tamakip ng mga mata ko.
Kinuha ko 'yon at hinarap kung sino. "Hi Love! Nandito ka rin pala, sino kasama mo?" malambing na bati sa 'kin ni Deniece.
Ngumiti na lang ako sa kan'ya kahit hindi ko naman siya inaasahang makita. Kahit nga maalala ay hindi sumagi sa isip ko, tapos heto siya ngayon sa harap ko.
"Ah..oo may binili lang, ikaw anong ginagawa mo dito?" tanong ko naman dahil wala naman akong napansin na kasama niya.
"Ako lang mag-isa, magkikita kami dapat ng mga friends ko pero hindi na natuloy kasi nagka-emergency," tugon niya naman.
'Mukhang hindi pa ako agad nito makakauwi, ah.'
"Gano'n ba! E 'di umuwi ka na lang, wala ka naman nang kasama, eh," sabi ko naman pero sumimangot naman siya.
"Ikaw, hindi ba kita kasama? Okay lang kahit wala sila, basta nandito ka lang," tugon niya naman. Napa buntong-hininga na lang ako.
"Oh, sige. Ihahatid na kita sa inyo bago ako umuwi, tapusin ko lang 'tong pamimili ko," ani ko.
"Okay! Ano ba 'yang pinamimili mo?"
"Ah, ito...inutos lang sa 'kin ni Mommy, wala na kasi kaming stocks," hindi ko na sinabi dahil baka kung ano pa ang isipin niya. Alam ko namang hindi sila close ni Gabby.
Nang matapos akong mag-grocery ay hinatid ko na siya agad sa kanila. Mabuti na lang at hindi niya ako kinulit pa.
Pagdating ko sa bahay ay dinala ko na muna ang dala ko ro'n at nagpakita kay Mommy bago ako pumunta kina Gabby.
"Mom! Nandito na po, ako!" tawag ko dahil hindi ko ito nakita sa sala. Nang wala naman sumagot ay agad na akong pumunta sa kabila dala ko ang pinamili para kay Gab.
"Hello Tita, gising na po ba si, Gabby?" Pumasok na ako dahil nasa labas lang ito nagwawalis.
"Oh, ikaw pala. Tulog pa siya kanina pagbaba ko, akyat ka na lang do'n," ani naman ni Tita Gretta.
"Ah, sige po." Pinuntahan ko na si Gabby sakto naman ang dating dahil gising na ito.
Napatingin naman siya sa 'kin nang pumasok ako, nakabukas lang kasi ang pinto niya. "Mabuti gising ka na, kumusta na ang pakiramdam mo?"
"O-okay lang. Med'yo mabuti naman na," aniya at tila nahihiya siya sa 'kin.
"Dinalhan kita ng mga prutas, anong gusto mong kainin? Ipagbabalat kita." Inilabas ko sa supot ang orange.
"Gusto mo ng, orange?" tanong ko.
"Sige," 'yon lang ang tanging sagot niya sa 'kin. Kaya naisipan ko siyang biruin.
"Kung alam ko lang na yakap ko lang pala ang magpapagaling sa 'yo 'di sana dati ko pa ginawa, kesa naman ang hirap mong painumin ng gamot," seryoso kong sabi sa kan'ya habang binabalatan ang orange.
"Ano? Hoy! Anong yakap-yakap ka d'yan? Gusto mo masapak?" Palihim akong napangiti pero sa isip ko ay humahalakhak na 'ko dahil ang bilis mag-iba ang mood niya. Nagiging amazona na naman siya.
"Mukhang magaling ka nga! Mananapak ka na, eh. Bakit totoo naman 'yon. Hindi mo na ba natatandaan?" pang-aasar ko pa.
"W-wala! At bakit naman kita yayakapin, aber?" naiinis na talaga siya.
"Weh..bakit ka parang nauutal ka? Ayieeeeel! Nahihiya ka sa 'kin, no?" tuluyan na siyang nagalit ang sinamaan ako ng tingin. Kung nakakatunaw lang ang mga titig niya ay kanina pa ako nalusaw.
"Kapal ng mukha mo Sky, ha! Bakit naman kita yayakapin? Ikaw ang mahiya d'yan! Bakit ka ba nandito?" inis niyang sabin.
"Ay! Walang utang na loob, pagkatapos kitang alagaan kanina ginagan'yan mo na 'ko!" pagkukunwari kong nasaktan sa sinabi niya, at natahimik naman siya bigla.
"Pinagsasabi mo?" may inis sa boses niya pero mahina lang ang pagkakasabi.
"Wala! Sige na kumain ka na para may lakas ka nang manapak." Binigay ko sa kan'ya ang orange na tapos ko nang balatan.
Tinanggap niya naman. "Thank you," sabi niya pero hindi ako umimik at pinanood lang siyang kumain.
Maya-maya lang ay siya na ang bumasag ng katahimikan naming dalawa. "S-sky..ahmmn… tutuo ba?" Nauutal na tanong niya.
"Hmmn? Ang alin?"
"Sabi mo niyakap kita!" Napangiti ako dahil nahihiya siya.
"Ah..'yon ba? Wala 'yon...giniginaw ka kasi kanina at sobrang taas ng lagnat mo dahil ayaw mo nga uminom ng gamot. Pinilit pa kitang uminom, tapos no'ng sinabihan kitang 'wag ka na muna magkumot para makasingaw ang init ng katawan mo ay sabi mo,
''Payakap na lang kasi nakakatulong ang body heat.' Kaya ayon niyakap mo 'ko,'' mahabang lintaya ko sa kan'ya.
"Hindi ka man lang tumanggi? Gusto mo rin yata na yakapin kita, eh," sabi niya.
'Aba! bumabanat ka na, ha!'
"Hindi na, alam mo namang mapagbigay ako, eh. Kaya sige lang, gusto mo ba ulit na yakapin pa kita?" pambubuska kong muli sa kan'ya.
"'Tado ka! Hindi no!"
Akmang lalapitan ko siya upang yakapin kunwari nang bigla niya akong pinatigil sa paglapit. "Lumayo ka nga!"
"Wow! Parang hindi mo 'ko brother, ah," ani ko. At napangisi sa kan'ya.
"'Wag mong sabihin sa 'kin na nahihiya ka sa 'kin dahil babae ka na?" nakakaloko kong tanong.
"Aba'y, gago ka!"
Hindi ko na mapigilang humalakhak kaya pinagbabato niya ako ng unan. Hindi pa nakuntento at bigla siyang tumayo, nag-alala naman ako dahil baka mabinat siya at baka hindi pa siya tuluyang magaling.
"Wuwoi! Saglit lang 'wag ka na muna kumilos baka mabinat ka." Pero hinabol niya ako.
"Ikaw, kanina ka pa! Kanina mo pa ako pinagtitripan. 'Pag nahuli kita patay ka sa 'kin."
"Gab! Ano ba! Sinabi nang 'wag ka na munag malikot mabinat ka sabi, eh," saway ko sa kan'ya pero ayaw niya ng tumigil. Kaya ang ginawa ko ay hinuli ko ang bewang niya na napakaliit at mukhang wala siyang bilbil.
'Sexy.'
Niyapos ko siya at sabay bumagsak kami sa kama niya. Todo pa rin siya sa pagpupumiglas ka hunuli ko naman ang mga kamay niya at nilagay ko pataas sa ulunan niya.
"Stop Gabby! Enough!" Natigilan siya sa sigaw ko pareho kaming hinihingal na dalawa, dahil ang hyper niya.
Ayon na naman parang nahi-hypnotized na naman ang sa tuwing napaparitig ako sa mukha niya, maging siya at napatitig na rin sa 'kin. Med'yo nakaawang ang labi niya na parang ina-anyayahan akong halikan ang mapula niyang labi.
Hindi ko na napigilan dahil parang may sariling utak ang labi ko at kusang lumapat sa labi niya. Ang lambot no'n, kusang gumalaw ang labi ko samantalang siya ay natuod lang sa pagkabigla.
Hindi siya tumugon, dahil alam kong hindi naman siya marunong humalik. Naputol lang ang senariyong 'yon nang marinig ko si Tita Gretta na tinawag ako.
"Sky! Kunin mo na lang ang meryenda niyo dito sa baba, nakahanda na!" sigaw ni Tita Gretta.
Bigla niya akong tinulak kung kaya't nahulog ako sa kama. "Anong ginagawa mo?!
"Gab! I-Im s-sorry!" tanging nasambit ko.
's**t! Ang gago mo, Sky! Bakit mo ginawa 'yon? Best friend mo siya at–" naputol ako sa paninermon sa sarili ko dahil sa nainisip ko.
'Siguro naman wala lang sa kan'ya 'yon? Pareho lang naman kaming lalaki ang damdamin, eh.'
'Gago ka Sky! Babae pa rin, siya!' kontra ng isipan ko.
Hindi na ako nagpaalam sa kan'ya at bigla na lang akong umalis nang hindi siya tinitingnan.