Deniece "Daddy!" "Daddy!" Nagsisigaw na si Deniece pagpasok pa lang ng bahay nila. "Deniece, what happened? Bakit ka sumisigaw?" tanong ng Daddy niya nang lumabas galing sa kitchen nila. "Daddy, kailangan ko ng tulong mo! Hindi puwedeng iwanan ako ni Sky, hindi puwede," ang tila wala sa sarili nitong sabi. "Ano ba ang nangyayari sa 'yo, anak?" nag-aalalang tanong nito sa anak. "Dad, 'yong boyfriend ko iiwan ako! Hindi ako papayag, please...ayaw ko! Mahal ko siya dad...mahal ko siya!" Umiiyak na ito ngayon at nagmamakaawa sa kan'yang ama. "Anak, ininom mo pa ba mga gamot mo? Bakit nagiging gan'yan ka na naman?" May iniinom kasing gamot si Deniece para sa condition niya, meron kasi itong Bipolar disorder. "Ayaw ko ng gamot! Hindi ko iinumin 'yon! Gusto ko si Sky, dad...sabihin mo n

