~Sky~ Napakasaya ko, wala pagsidlan dahil sa wakas ay nagkakaintindihan kami ni Gabby. Mahal na mahal ko siya at gagawin ko ang lahat para lang maging matibay ang relatitionship naming dalawa. Gustong-gusto ko palaging makita ang mga ngiti niya, at ang mga paglalambingan naming dalawa. Nagpapasalamat ako dahil naintindihan niya ang tungkol sa 'min ni Deniece, naipalaliwag ko naman na sa kan'ya kung bakit nagkagano'n. Sa bawat araw na nagdaan ay mas lalo ko siyang minamahal. Gustong-gusto ko nang sabihin sa mga pamilya namin ang tungkol sa 'ing dalawa, pero gusto kong tapusin muna ang problema ko kay Deniece. Nangako ako kay Gabby, at gagawin ko 'yon. Ayaw kong nasasaktan siya sa tuwing makikita niya kami ni Deniece katulad ng inamin niya sa 'kin. Pakiramdam ko ay napakasama ko no'n. Na

