~Gabby~ Kinabukasan ay sabay nga kaming pumasok ni Sky. Tulad ng nakasanayan ay magkahawak kamay kaming pumasok, kung dati ay walang malisiya sa 'min 'yon ngayon ay iisa lang ang nararamdaman namin. Nag-iba na rin ako ng pananamit. Kung dati ay mukha akong lalaki sa pananamit ko, ngayon ay talagang pangbabae na. Lahat ng mga mata nila ay nakapukol sa aming dalawa ni Sky. Ngunit heto kami, walang pakialam. "Gosh! Nakita niyo ba ang nakikita ko? Best friend turns to lovers na ba sila?" dinig kong tanong ng isang student sa kasama nito. "Hindi ko alam, pero bagay naman silang dalawa kung sakali." Nagpatuloy lang kami ni Sky, alam kong narinig niya rin 'yon. "Wait lang, hindi niyo ba napansin ang ayos ni Gabby? Hindi na siya mukhang tomboy, oh. Nakapang girl outfit na siya guys...at baga

