~Gabby~ Tahimik lang kami sa biyahe pauwi, may dalang sasakyan si Sky kaya dito na kami sumakay ni Storm. Hindi kumikibo si Storm at gano'n din ako, nagpapakiramdaman lang kaming tatlo. Maya-maya lang ay tumunog ang cellphone ni Sky kaya sinagot niya 'yon. "Hello? Ah...yes po Tita magkasama po kaming tatlo, opo… pauwi na rin po kami at nasa b'yahe na rin po. Gusto niyo po bang kausapin si Gabby? Okay po ibibigay ko," ani ni Sky sa kausap na malamang si Mommy 'yon. "Gusto ka raw kausap ni Tita." Inabot niya sa 'kin ang cellphone niya. "Hello mom?" "Gabby, anong oras na 'di ba bilin sa inyo na 'wag kayong magpapagabi?" Napangiwi ako sa boses ni Mommy t'yak sermon ako nito pag-uwi. "Mom, sorry na! May pasalubong po ako sa inyo," pag-iiba ko ng usapan. "Naku kang bata ka, sige na. Mag-i

