~Gabby~ Hindi ko alam kung saang dereksiyon ba ako babalik. Hindi ko na talaga matandaan, kung kanina ay nagniningning ang mga mata ko sa mga puno at bunga ng mangga na hitik na hitik. Ngayon ay wala na akong pakialam. Ang gusto ko na lamang ay ang makauwi na. Naiiyak na ako sa takot dahil nagdilim na ang paligid at wala pa akong ilaw kahit flashlight. Hindi na rin nagpakita pang muli si Dwight na hindi ko alam kung totoo ba talaga siya o baka panaginip lang 'yon kanina. Pero imposible dahil hindi naman ako nakatulog talagang nagkausap kami, prinsesa raw siya. Ipiling ko ang ulo ko dahil hindi ko na alam ang nangyayari talaga baka nag-i-imagine lang talaga ako kanina. Ipinirmi ko na lamang ang aking sarili dito sa ilalim ng puno habang nakaupo't nakasalampak sa damuhan habang tumatangi

