~Sky~ Pagkatapos kong kausapin si si Bagyo ay hindi talaga ako mapakali kaya't minabuti kong sumunod kung nasaan sila ngayon. Kung may mangyaring masama kay Gabby ay lulusawin ko talaga si Bagyo. Sa dinami-dami ng pupuntahan nila, bakit do'n pa? Malapit nang gumabi, kapag hindi pa nakauwi si Gabby ay tiyak na hahanapin na ito at mag-aala sina Tita. Nang makarating ako sa farm na sinasabi ni Storm ay hindi na ako nag-aksaya pa ng oras, agad kong pinuntahan ang namamala upang itanong kong nahanap na ba si Gabby. Ang ibang mga tao ay nag-uuwian na kaya pa konti na ang mga tao dito. Nang makakita ako ng taong nakauniform na mukhang staff dito sa farm ay nilapitan ko na ito upang tanungin. "Ahmmn..excuse me! Puwede bang magtanong?" "Hello po sir. Ano po 'yon?" "Ah..may mga kaibigan kasi

