~Sky~ Biglang lumapit si Kuya Giovan sa kan'ya at may ibigay sa kan'ya. Nang binuksan niya 'yon at kinuha ang laman ay isa pala 'yon Violin. 'Sandali. Marunong ba siya? Siya ang tutugtog?' Siya nga ang tumugtog no'n tumugil siya sa pagkanta at itinuloy ang musika gamit ang pagplay niya sa violin. Napailing na lang ako. Andami ko palang hindi pa alam sa kan'ya. Ang tagal na naming magkaibigan pero hindi ko man lang alam ang mga bagay na ginagawa niya ngayon. 'Ano pa ba ang hindi ko alam sa 'yo, Gabby?' "Bakla! Ang galing ni Gabby, Idol ko na siya." "Mee too...napaka talented niya pala." "Grabe kung hindi pa siya nag-debut hindi pa natin malalaman na hindi naman pala siya lesbian." "Naku! I'm sure talaga, trending 'to sa monday." Ayan na naman ang mga bulungan nila. "Ang take note

