~Gabby~ Hay salamat natapos rin ang concert ko, 'Hahah' 'yon ang prinactice ko kahapon ang galing talaga ng Mommy ko. Pinag perform ba naman ako sa birthday ko. Pero masaya pa rin naman dahil mukhang natuwa ang mga bisita ko ngayong gabi. Kinapalan ko na talaga ang mukha ko dahil wala nang atrasan, eh. No'ng una ay kabado pa ako, pero no'ng marinig ko silang nagpalakpakan ay unti-unting nawala ang kabang 'yon at nang makita ko si Sky sa kan'ya lang nakatuon ang mga mata ko. Ang guwapo niya lalo mukha siyang Prince charming ko. Ang kaso ay seryoso lang itong nakatingin sa 'kin, hindi ko tuloy alam kung nagustuhan niya ang nakikita niya ngayon o hindi. 'Aysstt...bahala siya! Nagulat ako nang dalawa sila ni Storm ang umakyat sa stage at nagdala ng cake. "Happy birthday Gabby," "Happy

