Pagkatapos naming mag meryenda sa bahay nina Sky kasama sina Storm at Tita Valerie ay nagpaalam na akong umuwi. Pero bago 'yon ay nag-kumustahan at kuwentuhan pa muna kami. Ang saya lang namin pati si Tita Heave ay tawa na rin nang tawa, ang Mommy ni Sky. ~Flashback~ "Maiba pala tayo Gabby, birthday mo na pala sa Friday. Anong ganap?" Nakangiting tanong ni Tita Heaven sa 'kin. "Wow! How old are you na, Gabby?" tanong naman ni Tita Valerie. Nahihiya naman akong sumagot kung ano ba talaga ang ganap dahil hindi ko naman sinabing amagparty sa debut ko. Sabi naman kasi ni Mommy ay siya na ang bahala. Napakamot pa ako ng ulo bago ko sila sinagot. "A-ah...hindi ko po alam kay Mommy, eh. Sabi niya pi kasi siga na ang bahala," 'yon lang ang tanging nasabi ko dahil wala talaga akong ideya. "

