Chapter 16

1006 Words

Tapos na kaming kumain ni Rhaine, sa ngayon ang sawa na lang ang kumakain. At siyempre, ayon na naman ang kaartehan niya.. 'Pa bebe ampt…' Nagpaalam muna akong tutungo sa washroom. "Ahmmn..excuse me." "Ako rin. Wait sama ako friend." Sumunod naman si Rhaine sa 'kin. Naghugas lang ako ng kamay at naghilamos, Rhaine ay todo re-touch ng mukha niya. "Gigil talaga ako do'n sa sawang 'yon, eh. Akala mo kung sino. Kung hindi lang ako nakapagpigil kanina okray-okayin ko pa talaga siya." inis na sabi nito. "Sinabi mo pa, sarap dukutin ang mata niya kanina. Inirapan ba naman ako," tugon ko naman. Palabas na sana kaming dalawa ni Rhaine nang bigla naman dumating si Deniece. Maarte itong pumasok at nakataas ang kilay. 'Tss...as if namang tatalab sa 'kin 'yan. Kalbuhin ko 'yang kilay mo, eh.'

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD