Chapter 8 - Palaboy

1440 Words
Nakarating sa siyodad sina Amir, lahat ay pinagtitinginan sila marahil ay nagtataka sa kanilang mga kasuotan. Ngunit wala silang pakialam at basta na lamang sila naglakad. Nakaramdam na rin kasi sila ng gutom at pagkauhaw. "Ate Maya, bagugutom na po kami," daing ng batang si Ali. Kasing-edaran lang din ito ni Amir. "Opo, Aye Maya. Kami nga rin po eh," sigunda pa ng isa. "Mga mga bata, alam ko. Halos lahat naman sa atin ay gutom at uhaw na. 'Wag kayong mag-alala. Hahanap ng paraan si Ate para lang makakain na kayo ha?" pang-aalo ni Maya sa mga bata, ngunit ang totoo ay hindi niya rin alam kung saan at paano sila makakain. "Amir, ayos ka lang ba?" baling nito kay Amir na tahimik lamang sa isang tabi. Malamang na iniisip nito ang mga magulang. Nalulungkot din si Maya lalong-lalo na't nakikita ang mga musmos na nga batang kasama niya. Hindi niya alam kung kakayanin niya ba'ng aalagaan ang mga ito, hindi niya alam kung hanggang kailan sila magiging ganito. "Ayos lang po ako, Ate Maya. 'Wag po kayong mag-alala,'' tugon ni Amir. Lumapit naman si Maya rito at tinabihan sa pag-upo. "Maari ko ba'ng malaman kung ano ang iniisip mo?" tanong nito. Lumingon sa kan'ya si Amir. "Pinagmamasdan ko lamang po ang lugar na ito. ang daming tao at iyang mga umaandar." Turo nito sa mga sasakyan, hindi nga naman alam nga mga ito kung ano ang mayroon sa siyodad dahil tanging mga nakakatanda lamang sa mga ka-tribo ang bumababa ng bundok. Nasasaktan si Gab sa tuwing nakikita niya si Sku ns masaya kasama si Deniece, minsan naiisip niyang kung hindi kaya siya lalaki kung kumilos ay magkakagusto rin kaya sa kan'ya si Sky? "Bakit kasi hindi mo ipakitang babae ka naman talaga? Baguhin mo na kasi 'yang pananamit mo at 'yang kilos mo! Alam mo Gabby maganda ka, eh. Gusto mo ayusan kita?" pangungumbinsi sa kan'ya ni Rhaine. "Nagpapatawa ka ba? Baka mamaya pagtawana pa nila ako sa magigiging itsura ko, eh!" pagtutol niya sa mungkahi ni Rhaine. "Tange! Wala ka bang tiwala sa 'kin? Ako ang bahala sa 'yo, hindi ka ipapahamak ng mga kamay ko." pagmamayabang pa nito kay Gab. "Tss..ewan ko sa 'yo! Halika na nga, balik na tayo." ~Sky~ Nagtaka ako nang bigla na lamang umalis si Gabby at iniwan ako sa cafeteria. Sinamahan ko itong kumain dahil hindi na naman ito nakapag-almusal sa kanila kaninang umaga. "Sige na, Love. Bumalik ka na sa klase niyo. Kita na lang tayo, mamaya," sabi ko kay Deniece dahil balak kong sundan si Gabby. "Okay, see you late." pagkaalis ni Deniece ay agad akong bumalik sa class room namin dahil baka nando'n na si Gabby. Pero pagdating ko do'n ay wala siya. 'Nasaan naman kaya nagpunta 'yon?' "Ah! Excuse me, Aaron. Napansin mo ba si Gabby? Kanina ko pa kasi siya hinahanap, eh," tanong ko rito. "Oo, kanina nandito siya. Pero parang niyaya yata siya ni Rhaine, hindi ko lang alam kung saan sila nagpunta." pagkasabi niya no'n ay pabalik na sana ako sa labas nang makasalubong ko ito. "Oh! Saan ka galing? Bakit umalis ka agad kanina, at iniwan mo 'ko?" subalit nang tumingin ito sa 'kin ay mag nabanaag akong lungkot sa mga mata niya. 'May problema ba siya?' "Ayos ka lang ba, Gab?" ang may pag-aalala kong tanong. "A-h..oo naman, bakit mo naman na tanong? Sorry kanina naiwan kita, ha! Akala ko kasi may chance pa akong mapansin ng gusto ko, eh. 'Yon nga lang hindi pala talaga," aniya sabay iwas ng tingin sa 'kin. 'Sino naman kaya ang tinutukoy nito? 'Di ko alam 'yon, ah!' "I love ka? Bakit hindi mo sinabi sa 'kin? 'Di sana ay tinulungan kita sa kan'ya." Napangiwi naman siya sa sinabi ko. "Ulol ka! Imbis na sa 'kin magkagusto 'yon ay baka sa 'yo, pa!" Natawa ako sa sinabi niya. After two subjects, lunch time na kaya inaya ko na si Gabby na mag-lunch sumabalit tinanggihan niya ako. "Gab, sabay tayo mag-lunch. Tara na!" "Sige lang, sabay na ako kay Rhiane. Inaya niya na ako kanina, eh. Puntahan mo na 'yong girlfriend mo, baks hinihintay ka na no'n." Wala na akong nagawa kun 'di ang umalis na lang. 'Bakit pakiramdam ko umiiwas 'yon?' Pagdating ko sa cafeteria ay andon na si Deniece naghihintay na sa 'kin. No'ng una ay hindi naman ako seryoso talaga dito kay Deniece inisip kong isa lang siya sa mga ka-fling ko lang, pero later on parang nagiging okay na rin naman siya. Maganda, sexy, at sweet siya sa 'kin kaya inaamin kong nagustuhan ko na rin naman Kaya hanggang ngayon ay kami pa rin hanggang ngayon. Siya lang ang tumagal sa mga naging girlfriend ko four months na kami ngayon ni Deniece at wala naman kami naging problema. Minsan nga lang ay nahahalata kong parang ayaw nito kay Gabby sa bestfriend ko. At hindi rin sila close na dalawa, per hinahayaan ko na lang as long as hindi naman sila nag-aaway. Kaya na rin siguro umiiwas si Gabby kapag kasama ko si Deniece. "Hi Love," bati nito agad sa 'kin nang ma matamis na ngiti. Isa ito sa nagustuhan ko sa kan'ya, eh. "Hello, ano gusto mong kainin?" tanong ko rito para makapag-order na ako. "No! Umorder na ako, Love. Gusto ko ako naman ang magtreat sa 'yo," aniya. Napamaang naman ako, hindi ako sanay na babae sng nanlilibre sa 'kin. "Really?" "Yup! It's okay, hindi naman masama 'yon. Oh, ayan na pala, eh. Umupo ka na at kumain na tayo." Agad naman na akong naupo sa tabi niya at kumain na aming dalawa. Samantala nakauo naman sa bandang sulok ng cafeteria,sina Gabby at Rhaine. Tanaw nila 'yong mag-Jowa habang kumakain. "Aysus! Hindi lang gutom ang aabutin mo kakatanaw sa dalawang 'yan. Pati puso mo wasak, friend," pang-aasar na naman ni Rhaine sa kan'ya. "Kumain ka na kaya! 'Wag kang mag-alala, 'di ba malapit ka nang mag-debu?" tanong nito sa kan'ya kaya napabaling ang tingin niya kay Rhaine. "Oh! Eh. Ano naman ngayon?" "E 'di ganap ka nang dalaga, do'n ka na mag-transform friend. From boyish Gabby turns to a beautiful young lady, Gabriella Angeles. Pak! Ganurn!" Napailing naman siya sa naisip ni Rhaine. "Asa! Ayaw ko, nga. Baka mamaya pagtawanan pa nila ako, eh!" tutol naman niya agad. "Tsk! Ewan ko sa 'yo! Ikaw na nga itong tinutulungan d'yan. Basta ako bahala kakausapin ko si Tita para paghandaan ang debu mo, friend." Kuminta pa ito sa kan'ya bago magpatuloy sa pagkain. ~Gabby's Pov~ Sabay kaming pauwi ngayon ni Sky, malapit lang naman ang bahay naming pareho sa school kung kaya't sa hapon ay nilalakad lang namin ito pauwi. "Gab! Malapit na pala ang birthday mo, ah. 'di ba next week na 'yon?" tanong ni Sky habang naglalakad kami pauwi. "Hindi ko alam kina, Mommy. Bakit mo naman na tanong?" Baling ko sa kan'ya. "Wala, naisip ko lang. Ano ang magiging party mo? Kasi 'di ba?" hindi niya masabi ang gustong sabihin, parang nag-aalangan siya. "Kasi ano? Dahil tomboy ako?" bigla naman akong nakaramdam ng inis. Ngumisi lang siya sa 'kin. "So, ano nga? Para alam ko kung ano sa susuotin ko at ireregalo ko sa 'yo. Kung isang box ng panty, or brief ba!" Bigla akong nagulat sa sinabi niya, feeling ko na-iskandalo ako! "Hoy ang bastos ng bunganga mo! Humanda ka sa 'kin 'pag nahuli kita." Tawa naman nang tawa si Sky habanh hinahabol ko siya. "Buwisit ka! Sasapakin talaga kita, Sky!" Sigaw ko sa kan'ya. Hindi ko talaga siya titigilan hanggat hindi ko siya nahuhuli. "Habulin mo! Bilis! Ang bagal mo naman, eh!" "Talaga! Kaya humanda ka na!" Pero tinatawanan lang ako nito. Habang takbo siya nang takbo ay hindi nito napansin na may sasakyan na papaliko sa kalsada kung saan ito malapit. Hindi niya 'yon napansin dshil panay ang lingon niya sa 'kin. "Sky! Sandali tumigil ka!" Sigaw ko sa kan'ya peri hindi niya ako sinusunod, nakita ko naman ang bata na nagba-bike kaya saglit ko itong hiniram. "Bata! Saglit lang pahiram muna ng bike mo, bilis, may hahabulin lang ako, ha." Inagaw ko na agad sa kan'ya 'yon at agad kong sinakyan. Hinagis ko naman ang bag ko sa kan'ya. "Bata hawakan mo muna 'yong bag ko babalikan kita, sandali lang!" Mabilis ko pinad'yakan ang bike hanggang sa makalapit ako kay Sky. Bumusina na ang kotse at malapit na ito kay Sky saglit na lang talaga kaya nagmadali akong bumaba at tinakbo ko na siya at hinila sa braso. "Skkyyyy!" Sabay na kaming natumbang dalawa. "Ano ba! Magpapakamatay ba kayo?! Bulyaw agad ni Mamang driver sa 'ming dalawa ni Sky. At Pagkatapos no'n ay mabilis na itong umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD