"Sandali..." Pigil ni Amir habang tumatangis. Hila-hila ito sa kamay ng isang dalaga at nasa sampo silang kabataan na nakaligtas. Nagkubli sila sa mga puno at ang lahat ay nasaksihan nila.
"Sina Ama at Ina, bababalikan ko lang sila," pagsusumamo nito kay Maya.
"Amir, hindi na puwede. Kapag bumalik pa tayo do'n ay paniguradong hindi rin nila tayo bubuhayin!"
Lahat naman sila ay umiiyak, parehong nawala ng pamilya. Sa musmos na edad ay nawala ng mga magulang, ni hindi nila alam kung saan sila patungo at bast na lamang naglakad sa masukal na kagubatan.
"Ina... Ama..." Lumingon pa'ng muli si Amir na animo'y susundan siya ng mga mga magulang sa kan'yang pagtawag.
"Amir, mga bata, bilisan na natin at baka abutan nila tayo," ani ni Maya. Pareho lamang niya ang mga batang ito na nawalan na ng mga magulang, ngunit kailangan niyang magpakatatag para sa mga kasama. Pinapangako nitong aalagaan ang mga ito lalong-lalo na si Amir, ang nag-iisang anak nina Datu Akbhari at Magayon. Ang kanilang pinuno at naging ama ng lahat.
"Saan po ba tayo pupunta?" tanong ng isang bata na nasa siyam na taong gulang.
"Sa ngayon ay hind ko pa alam, pero ang importante ay makalayo na tayo dito mga bata," mahinahong paliwanag ni Maya sa mga bata.
'Diyos ko! Gabayan niyo po sana kami. Hindi po namin alam kung saan kami pupunta, patnubayan nito po kami lalong-lalo na ang mga batang kasama ko. Kayo rin po ang bahala mga napaslang naming mga ka-tribo.'
Makalipas ang labing anim na taon ngayon ay matagumpay na si Amir, nakapag-aral siya sa isang sikat na unibersidad sa New York at ngayon ay muling magbabalik sa Pilipinas. Noong siya ay labing-isang taong gulang, tanda pa niya nang pinadala siya ni Mr. Delavin upang doon ito mag-aral kasama sina Javar, Maya, at Kano. Ang iba naman sa kanila ay dito na sa pilipinas naiwan ngunit nasa pangangalaga pa rin naman ni Mr. Delavin at katulad sa kanilang tatlo ay pinag-aral niya ang mga ito.
Maagang gumising si Amir upang magtungo upang sa kumpanya dahil marami pa siyang mahalagang tatapusin na hindi natapos kagabi. Wala na muna siyang tatanggaping appointments ngayong araw o kahit na anong tawag maliban sa kan'yang pamilya at sa kan'yang daddy, Si Mr. Octavio Delavin. Hinding-hindi niya malilimutan nang sinabi noon ni Mr. Octavio na gusto siya nitong maging legal na anak, sinabi ito mismo sa kan'yang kaarawan noong sampong taong gulang.
Walang alam noon si Amir kung saan sila pupunta nina Jekjek at Azur basta na lamang umano siya sumunod dahil may hahanapin silang tao utos ni Mr. Delavin kaya sumunod naman siya sa dalawa. Pumasok sila sa isang kainan at mukhang mamahalin pa ito kaya nagtataka pa siyang nagtanong kong bakit doon ang tungo nila.
Saglit siyang tumigil sa pagsunod sa dalawa. "Jek, Azur, sigurado ba talaga kayong diyan tayo papasok?"
"Oo, iyan ang sinabi ni Mr. Delavin. Nandiyan ang ang taong kailangan nating makausap," tugon naman ni Jekjek. Tumango naman si Amir pagsang-ayon at muling naglakad kasabay ng dalawa.
Nang makapasok ay iginala niya ang paningin dahil madilim, noong napadaan siya dito noon ay hindi naman ganito kaya bakit ganito? Tahimik at iilan lang ang mga tao. Naalala pa niya na noong bata pa siya ay gusto niyang magtrabaho sa lugar na ito, dito rin niya nakilala si Mr. Delavin nang tulungan niya ito. Doon nagsimula ang lahat, hindi niya akalaing ito na ang sagot sa kanilang hirap at pakikipag-salapalaran sa kalsada araw-araw.
Pagdating nila sa gitna ay biglang sumindi ang ilaw at nagulat pa siya nang biglang sumingaw ang mga naroon.
"Happy Birthday Amir!" sabay-sabay na bati sa kan'ya. Nakangiting mukha nina Maya, Kano, Javar, Azur, Niana, Jekjek, Yuna, Alas at Lily. Si Amir ay hindi makapaniwala sa lugar na halos kasing layo nang kaniyang inaasam sa kan'yang kaarawan hindi ganito kagara.
Noroon ang lahat ng tauhan at kasambahay ni Mr. Delavin na masayang nakatunghay sa kan'ya na hindi pa rin makapagsalita.
"Ano Kuya Amir? Tatayo ka na lang ba diyan? Nagugutom na kaya ako!" singit na sabat ni Lily kung kaya't nagtawanan ang lahat dahil sa kapilyahan ni Lily. Doon naman ay parang nagising sa pagkatulala si Amir. Lumapit naman si Mr. Delavin kay Amir at mahigpit na niyakap.
"Happy Birthday, Anak. Nagustuhan mo ba?" tanong nito sa kan'ya ngunit ang tinawag sa kan'ya ni Mr. Delavin ang kan'yang muling ikinagulat.
"P-po? A-anak?"
Natawa naman si Mr. Delavin sa kan'yang reaksiyon kaya ginulo nito ang buhok ni Amir. "Oo, gusto kitang maging anak kung papayag ka. Ikaw? Gusto mo ba akong tawaging Daddy?" Namilog bigla ang kan'yang mga mata.
Maging ang kanilang mga kasama ay gano'n din. Dinig na dinig nila ang sinabi ni Mr. Delavin kay Amir.
"Hmmn?" pag-aarok pa ni Mr. Delavin.
"O-opo, s-sige po," nahihiyang sabi pa ni Amir ngunit walang tumbas na saya naman ang naramdaman ni Mr. Delavin sa kan'yang kasagutan.
"Tagala?"
"Opo."
"Kung gano'n ay ano ang itatawag mo sa akin, Anak?"
"D-daddy... Salamat po! Maraming salamat..." Biglang bumuhos ang luha sa mga mata ni Amir at biglang yumakap sa kan'yang Daddy Octavio.
"Walang anuman Anak, para sa iyo! Nagpapasalamat ako dahil pumayag ka na maging anak ko na. Napaka-saya ko ngayon Amir," ani pa nito.
Humarap si Mr. Delavin sa mga kasama. "Kinagagalak ko sabihin at alam kong narinig nin'yong lahat. Si Amir ay magiging anak ko na, legally I adopted him." Nagpalakpakan ang lahat. masaya sila sa nalaman lalo na't birthday nga ni Amir. Isang napakagandang regalo nga naman ito.
Buong gabi silang nagsaya at maging ang mga kababatang kasama ni Amir ay masaya para sa kan'ya. Lahat sila ay inalagaan ni Mr. Delavin na tagalang pinagpasalamat nila ng lubos.
"Good morning, Sir," bati ni Sabrina. Secretary ni Amir.
"Good morning!" tipid na tugon naman nito kay Sabrina. Bago pa man siya pumasok ay nakita na ni Amir ang dalawang kaibigan na papalapit sa kan'ya kaya napahinto siya.
"Good morning, handsome!" malanding bati ni Azur sa kan'ya. Ang-aga ay inaasar na naman siya ng kaibigan.
"Good morning, Ms. Sabrina. Ang guwapo ng boss natin no?" nagulat naman si Sabrina sa tinanong bigla ni Azur. Agad namang nag-init ang kan'yang pisngi kaya bahagya itong napayuko.
"Tss..."
Pumasok na si Amir na tila walang pakialam.
Si Azur ay pangiti-ngiti na lamang pumasok at sumulyap pa muna ito kay Sabrina sabay kindat.
"Ghad... Sabby, kalma lang!" mahinang sambit patungo sa kan'yang table.