"Anong balita?" Agad niyang tanong kay Azur, umupo na si Amir at matamang tinitigan ang kaibigan.
"Ito naman! Wala ba munang pa-kape diyan? Iyan agad ibubungad mo sa guwapong katulad ko? Oh men! Ang yaman mo pero ang kuripot mo!"
"G*g*!" Binato ni Amir ng sign pen si Azur ngunit agad naman nitong nailagan.
Inis na pinindot ni Amir ang intercom para utusan nito si Sabrina.
"Sabrina... Bring us here two black coffee, please..." nagulat pa si Sabrina nang biglang marinig ang boses ng kaniyang boss.
Naupo naman si Azur sa tapat ni Amir. "Hmmn...dahil ang guwapo ko ngayon ay, sige, kuwento ko sa iyo iyong nangyari sa pinapapuntahan mo sa akin," simula ni Azur.
"Ang ingay do'n magdamag! Iyong mga naglalaro ng baraha, at alam mo kung sino ang nakita ko do'n?" Tumigil pa si Azur sa pagsasalita na upang mabitin si Amir.
"Sino?" Matiim na nakatitig si Amir, ang seryoso nitong mukha ay nagbababalang 'wag siyang bibiruin.
"Sino pa? Hindi man lang ako nahirapan! Nando'n si Don Ignacio. Kung hindi nga lang ako nakapagpigil at nag-iisip ng dapat kong gawin ay do'n pa lang kayang-kaya ko na siyang ihatid kay kamatayan eh!" may diing sabi pa nito. Napakuyom naman ng kan'yang kamao si Amir.
Hinding-hindi niya makakalimutan ang nangyari noong naninirahan pa sila kabundukan ng Cierra Madre. Walang araw na hindi siya nangungulila sa lahat nang angkan nila noon lalong-lalo na sa kan'yang ama at ina na sina Dayang Magayon at ang pinuno sa tribo na si Datu Akbhari.
Kaya nagpapasalamat siya kay Ate Maya niya, noong una ay natuwa siya dahil sa wakas ay babalik na sila ng pilipinas. Ayaw pa kasi siyang pabalikin ng Daddy Octavio niya, hindi niya alam kung bakit. Hindi alam ni Mr. Delavin na ang anak niyang si Amir ay nagtrabaho do'n sa ibang bansa kahit pa nag-aaral ito. Nakiusap siya sa mga kasama na 'wag na itong ipaalam dahil hindi ito papayag. Kahit sa sobra-sobra ang mga binibigay sa kan'ya ni Mr. Delavin ay ayaw niya itong abusuhin at isa pa ay nag-iipon siya para balang araw ay mahanap niya nga ang taong kinasusuklaman, mukhang malapit na silang magkita ni Don Ignacio.
Kahit pa na si Mr. Delavin na ang daddy niya ngayon ay hindi nawala ang kan'yang mga magulang sa kan'yang isipan. Para sa kan'ya ay palagi niya iyong kasa-kasama. Mahal niya rin naman ang kan'yang Daddy Octavio napakabuti nito sa kanilang lahat kaya gagawin niya na ngayon ang lahat para lang mapasaya ang Daddy niya, nag-aral siya nang mabuti kahit na wala itong hinihinging kapalit ay kusa niyang ginagawa ang mga iyon.
Pumasok na si Sabrina dala-dala ang dalawang tasa ng kape. Sinundan naman ito ng tingin ni Azur na nakangiti na parang may sariling mundo. Si Amir naman ay nakatingin lamang sa kan'yang ginagawa at hindi tinitingnan si Sabrina.
"Ito na po ang kape nin'yo, Sir." Nilapag niya ang kape sa table.
"Kung may kailangan pa po kayo ay tawagin nito na lamang po ako sa labas." Paalis na ito nang magsalita si Azur.
"Ms. Sabrina, may boyfriend ka na ba?"
"Huh?" nabigla pa sa tanong ni Azur habang nakangiting nakatingin sa kan'ya at sumulyap pa ito kay Amir na nakayuko pa rin.
"Wala po–"
"You may go, Sabrina," naputol naman ang sasabihin sana ni Sabrina nang magsalita si Amir. Nang makalabas na ito ay tumawa naman si Azur ng nakakaloko.
"Seriously dude! Hindi ka ba nagagandahan kay Ms. Sabrina? Wala raw boy friend ligawan–"
"Tumigil ka nga! Pati secretary ko idadamay mo diyan sa kalokohan mo. Wala akong balak manligaw kahit kanino, kailangan ko magfucos sa mission."
"Tsk! Puwede mo namang pagsabayin ah! Ikaw din, baka maunahan ka pa!"
"Tss..."
Hindi na kumibo si Amir, pinag-usapan na lamang nila ang tungkol sa mga pinapagawa niya kay Azur hanggang sa nagpaalam na itong umalis.
Natuwa si Mr. Delavin dahil maganda ang resulta nang pagpapaaral niya kay Amir pati sa iba pa. Naalala pa noon ni Mr. Delavin noong magkasing edad pa lamang sila ni Amir ay tulad nito ay nagpursige rin siya para gumanda ang kan'yang buhay dahil wala na rin naman siyang ibang maaasahan kun 'di ang sarili. Nagkaroon siya ng karelasiyon noon na si Carina Acosta at may anak ito sa ibang lalaki ngunit tinanggap iyon ni Mr. Delavin.
Ngunit habang tumatagal ay naging masama ang ugali nito sa kan'yang ina na hindi niya nagustuhan at malayo rin ang loob nito sa kan'ya kung kaya't hindi na iyon pinagtuunan ng pansin ni Mr. Delavin. Hinayaan niya ito sa kung ano'ng gustong gawin basta 'wag lang ito sumobra sa kasamaan ng ugali lalo na sa ina nitong si Carina dahil hindi siya magdadalawang isip na turuan ito ng leksiyon. Umaasa pa naman si Carina na magtitino na anak na si Donie, alam niya na ang trabaho ng kan'yang anak at iyon ang nagpapasaya sa kan'ya. Pangalawa, umaasa siya na ang trabaho nito ang paraan upang magtino si Donie at maintindihan kung ano kahalaga ang kumita ng pera, nakapagkatapos ito ng pag-aaral at maaaring guminhawa ang buhay nito balang araw kahit na magkaroon na ito ng sariling pamilya ay hindi na mahihirapan. Lalong natuwa si Carina, halos tuwang-tuwa talaga nang malaman niya na Rios ang pamilyang may-ari ng cabstand, ay nagmula sa parehong bahagi ng Villa kung saan siya ipinanganak. Nakilala si Carina dahil sa paggawa niya ng sarili niyang pasta at ang pagpapakilala sa kan'ya ng mga Rios ay nakatulong upang maging mabenta ang anchovy sauce. Naniniwala pa rin siya sa mga kapangyarihang pangrelihiyon ng ilang mga santo sa kanlurang Sicilian, tulad ni Santa Pantaleone, ang patron saint ng mga sakit ng ngipin. At tulad ng maraming miyembro ng mga grupo ng imigrante. Nadama niya na ang mga taong may kaugnayan sa kan'yang bansa sa anumang paraan ay may kaugnayan sa kan'ya. Ang secret recipe pa nito na nakuha pa niya sa kan'yang ina lamang pala, trabaho ang sagot sa mga panalangin ni Carina.
Ngunit hindi nagtagal ang buhay pag-ibig na iyon ni Mr. Delavin dahil maaga lang din kinuha si Carina sa kan'ya, nagkaroon ito ng malubhang sakit na sanhi ng kinamatay nito. Mula noon ay hindi na muling nag-asawa pa si Mr. Delavin, pakiramdam niya ay hindi na siya magkakaroon ng makakasama habang buhay ngunit bigla nitong nakilala ang mga bagong kaibigan. Sina Micheal at Paul.
Tahimik na umiinom mag-isa si Mr. Delavin noon sa isang beer house nang dumating itong sina Micheal at Paul.
"'Tol! Badtip sa bahay! Ang init na naman ng ulo ni Papa kaya heto, alak na naman ang sumpungan ko."
"Buti nakalabas ka pa," sabi ni Micheal kay Paul na natatawa, "Ipinanganak na galit yata iyang tatay mo 'tol."
Siya naman ay kailangan niyang magtrabaho nang husto para sa mga magulang ngunit napupunta lang sa wala dahil sugarol ang tatay ni Paul. Pareho silang electrician, kahit na mga electrician ng union, ay hindi kumikita nang malaki.
"Ano pa?! Nagalit si Papa dahil sabi ko ay parang ayaw ko na sa trabaho. Batrip naman kasi 'Tol!" giit pa nito. Lalo pa siyang nagalit sa napakaingay ng mga kasama, ang apat nitong kapatid na babae at dalawang kapatid na lalaki ay nagsisigawan.
''They're bums!''
Kanina pa nagsisigawan sina Micheal at Paul dahil sa lakas ng sounds at may nagkakantahan. At maging si Mr. Delavin ay naiingayan na rin sa dalawa pero nagpapanggap na lang itong walang pakialam. Nagpatuloy na lamang siyang uminom mag-isa nang lingunin siya ni Paul at pansinin.