~Sky~ Hindi ako nag-aasume pero parang napansin kong naging malungkot si Gabby nang matapos na silang sumayaw ni Storm. Hindi niya rin ako tinitingnan. Nagpaalam siya kay Tita Gretta kasama si Rhaine mukhang pumunta sila sa kuwarto niya. Napabuntong hininga ako, nagi-guilty ako dahil hindi ko siya naisayaw kanina. Sana hindi 'yon ang rason kung bakit siya malungkot. Babawi na lang ako mamaya, ibibigsay ko ang regalo ko sa kan'ya. Napalingon ako sa hagdan, pababa na pala sila ni Rhaine. Namagha sa looks niya ngayon dahil babaeng-babae talaga siya, maging sa kilos at lakad. Nakasout siya ng pink dress above the knee at ang cute niyang tingnan. Maging ang mga binti niya ay ngayon ko lang nasilayan, nakalugay pa rin ang buhok niya na talagang bumagay sa kan'ya. Walang tulak kabigin napak

