--------
"Kami nalang bibili mga brad" pagboboluntaryo ni Shaun kaya natigilang maglakad sila Sky, napatingin kaming lahat sa kanya kabilang na si Arianne na naka poker face pa.
"Sigurado ka? Mahahawakan mo?" paninigurado sakaniya ni Kate.
"Oo ba, kasama ko naman si Arianne" sabi niya sabay tingin kay Arianne.
"Ako? tol! ba't naman pati ak-"
"Wag ka ng umepal! Sasakmalin kita!" pagbabanta niya kay Arianne kaya walang nagawa tong isa kundi pumayag nalang.
"Libre mo ba?" sarcastic na tanong ni Arianne ng akbayan siya ni Shaun kaya napatingin kami sakaniya.
"A-ahh hehe O-oo na no worries" kamot ulong saad niya kaya napangiti kaming lahat.
"Oh basta bilisan niyo ha? Mamaya, pagdating niyo tunaw na lahat ng Ice Cream na hawak niyo" panloloko naman ni Sky sakanila habang naglalakad na sila papalayo.
"Huy san na? ano na? Saan ba banda?" sunod sunod na tanong ko sakanila ng makalayo na sila Arianne.
"Saan nga ba? Si Kate siya nag suggest" sabi ni Sky at pasimpleng inakbayan si Kate.
"Ulol! bumitaw ka nga!" inis na sabi ni Kate at tinanggal ang pagkakaakbay ni Sky sakaniya.
"Hoy babae, pinapaalala ko lang sayo ha? may atraso ka pa sakin" pagmamalaki ni Sky kaya inirapan naman siya ni Kate.
"Gaaaagoooo" malumanay pero may halong inis na sabi ni Kate kaya napangiti nalang kami ni Dave.
"Oh tara na tara na!" sabi ko at ako na ang nag volunteer na maging tour guide nila papuntang videoke keme, eh mukang matatagalan pa kami kapag nanood pa kami ng sagutan nila Kate.
KATE'S P.O.V
"Wooowww, astig! rinig ba tayo sa labas?" manghang tanong ni Sky ng makapasok na kami sa isang maliit na studio.
"Tanga! sige subukan mong lumabas tapos kapag wala kang narinig umalis ka na!" mataray na sabi ko sabay irap. Tumingin naman ako sa dalawa na kakaupo lang sa isang bench.
"Dave-"
"Yiiiii kadiri kaaaa!" napasigaw nalang ako habang hinahampas ang dibdib ni Sky. Potek! ang bilis ng t***k ng puso ko, naramdaman ko din na nag-init ang pisngi ko sa ginawa niya.
"Kahit sumigaw ka ng sumigaw diyan, hindi ka maririnig sa labas tandaan mo yan, kaya kahit nakawan pa kita ng halik ulet ng ilang beses, hinding hindi nila maririnig ang sigaw mo" malokong sabi ni Sky habang nakahawak sa dalawang braso ko.
"Anong nangyare?" takang tanong ni Dave.
"S-si Sky k-kasi! n-nangnanakaw ng h-halik!" nauutal na sabi ko.
"Potek seryoso? OMG saan ka niya hinalikan?" excited na tanong ni Chloe.
Sampal cyst usto mo?
"S-sa P-pisnge" medyo patanong na sabi ko kaya napangiti si Sky, sumimangot naman ang mukha ni Chloe habang si Dave natatawa na.
Langya tong lalaking to!
Porket nakatalikod ako sakanya, may lakas ng loob na siyang halikan ako sa pisngi.
Alam ko naman na matalino siya.
Pero sana yung talino niya, gamitin niya ng tama diba?!
Ikaw ba naman pumunta sa likod ng babae tapos halikan mo sa pisngi habang hawak hawak yung dalawang braso niya para di makapalag, sa tingin ba niya tama yun ah! tama ba yon?!
"Ghorl! ang OA mo sa pisnge lang naman pala!" nanghihinayang na sabi ni Chloe kaya nagsitawanan na sila sa loob, napangiwi nalang ako sa itsura nila.
"Teka nga asan na ba yung mga- ay shemay!" gulat na sabi ni Chloe ng saktong hihilain na niya ang doorknob ng biglang magbukas.
"Gulat ka noh?" sarcastic na sabi ni Shaun ng makapasok sila sa loob, inabot narin nila yung mga Ice Cream na para saamin kaya umupo muna kaming lahat.
"Sinong unang kakanta?" tanong ko ng matapos na kaming kumain.
"Boba! Ikaw na ah! Ikaw nag-suggest diba?" pagtataray ni Arianne.
"Tanga! si Shaun daw!" balik-sagot ko, dapat ganyan lang HAHAHA.
"Gagi ba't ako? Si Chloe daw" pagtuturo naman ni Shaun.
"Pota ka brad! ba't ako si Sky! diba Sky?" kunot noo namang napatingin samin si Sky.
"s**t wala sa tono boses ko eh, si Dave kaya niya yan!" sabi naman ni Sky habang tinatapik ang balikat ni Dave.
"Tangina mo tol! ba't ako?" nagtatakang tanong ni Dave.
"Ikaw na kid'di dami mong alam!" pangloloko ko naman sakaniya.
"GO DAVE!!" pagchi cheer naman nila Sky sakaniya.
Napatingin naman siya kay Chloe at ng makitang nakangiti rin to ay bigla nalang niyang inirapan at pumunta na sa harapan para maghanap ng kakantahin sa song book, naghiyawan naman kaming lahat.
"Tangina ano bang topic?" inis na sabi ni Dave.
Wow ah! Labag sa loob.
Gaysh, kung di niyo natatanong, singerist po yan si Dave.
Kapag narinig niyo po siyang kumanta, mabubuhay pa po kayo.
Pero kapag si Shaun....
Cheer nalang natin si Dave!
"Topic? ammm...yung mapapaindak ka!" sabi ni Sky kaya napatawa na kaming lahat.
"Mapapaindak pala ha? sige" nakakalokong sabi ni Dave pagkatapos niyang pumindot sa remote habang hawak hawak na ang mic, pagkaupo niya siya namang malapit ng mag-umpisa ang kanta.
"Brad? ano yan?" tanong ni Sky sakaniya.
"Bobo mo naman tol! Kita mong mic hawak ko tatanungin mo pa?" sarcastic na sabi ni Dave kaya binatukan siya ni Sky, tumawa lang naman ang kupal.
"Ay iba den!" komento ni Shaun ng marinig ang kanta.
"Ayy bet!" sabi naman ni Arianne habang gumigiling giling pa.
"Yiee sasayaw na yan!" panloloko ko naman kay Sky ng bigla siyang ngumiti.
"Sing it!" sabi ni Dave sabay bigay kay Chloe yung mic, gulat naman siyang tinignan nito.
"Ba't ako?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Ayaw mo?" nagtatampong tanong sakaniya ni Dave.
Sus tampo tampo potek!
"Sinong may sabing ayaw ko?" sabi niya sabay hablot ng mic at biglang tumabi saakin, gago mukhang iba ata plano neto ih!
"Oh ba't ka nandito?" mataray na tanong ko sakaniya.
"Gaga! obvious ba? Tayo kakanta tapos sila pagsasayawin natin" pabulong niyang sabi sakin kaya bigla akong napangiti.
Agad ko namang tinawag si Arianne at ng makalapit siya ibinulong ko naman sa kanya yung plano nanaman na nabuo ko sa walang kwenta kong utak.
"Apir tayo sumakit ang ulo ko, Sumakit ang beywang ko. Sexbomb, sexbomb, sexbomb.
Apir tayo sumakit ang dibdib ko, Sumakit ang tuhod ko. Sexbomb,sexbomb,sexbomb.
Spaghetting pababa, pababa ng pababa. Spaghetting pataas, pataas ng pataas Spaghetting pababa, pababa ng pababa. Spaghetting pataas, spaghetting pababa At pataas- amputek!" kanta ni Chloe kaya nagsitawanan na kami sa loob, para naman kasing tanga kung kumanta!
"Hoy! hindi pwede yan! ba't naka upo lang kayo diyan? Entertain naman!" sabi ni Arianne habang hinihila silang Tatlo, habang ako tamang video lang at support dito sa putanginang kaibigan ko hayop!
"No thanks" pagtanggi ni Sky habang nakangiti.
"Sige na Pards! tignan mo si Kate oh!" rinig kong sabi ni Arianne, sabay silang napatingin sakin kaya nataranta ako agad.
Tinignan naman ako ni Shaun na parang humihingi ng permiso kaya tumango nalang ako, he's face looks defeated kaya natawa ako.
Bakit kailangan humingi ng permiso aber?!
Tsaka bakit ako pumayag?
Hayst.
"GO BOYSS!" pag cheer ni Chloe habang nakatutok sa mic, boba! sakit sa tenga.
Imbis na murahin ko tong babaeng to napatawa nalang ako ng sobra dahil sa inasta ng mga lalake sa harapan namin, talagang game na game sila! Bigla namang napatayo si Chloe at agad na binigay saakin ang mic.
"Gaga! anong gagawin ko dito?" kinakabahang tanong ko.
"Tanga! ikaw kumanta, sasayaw kami ni Arianne" tumingin naman kaming dalawa sa gawi ni Arianne at halatang may plano nga talaga tong isa.
Bumalik ang tingin niya sakin "Ikaw kung kakainin mo yan" at binigyan ako ng nakakalokang ngiti bago umalis, napalunok tuloy ako ng di-oras.
Luminya kaagad sila sa harapan kaya hindi ko masyadong makita, humarap sila saakin na parang may intermission number, napangiti nalang ako sa mga itsura nila.
"Umalis kayo diyan hindi ko makita" pag-amin ko sakanila.
"Ghorl! epal mo, alam mo kaya lyrics niyan!" natatawang sabi ni Arianne kaya napasimangot nalang ako. Hinanda na nila ang kanilang sarili kaya natawa ako dahil sa mga itsura nila.
"Yung may boses na sexbomb lods ha?!" suggest naman ni Shaun kaya natawa ako.
Akala ko ba ayaw niya?
"Kung gusto nyong sumeksi, Gumanda ang iyong body. Lahat ay sumayaw yan ang aking masasabi. Apir tayo sumakit ang ulo ko, sumakit ang beywang ko. Sexbomb, sexbomb, sexbomb. Apir tayo sumakit ang dibdib ko, sumakit ang tuhod ko. Sexbomb, sexbomb, sexbomb" pagkanta ko, medyo natatawa pa ako dahil sa mga itsura nila lalong lalo na tong mga lalakeng toh!
BARBIE!
"Tama na ayoko na!" natatawang sabi ni Dave habang paupo na, gayundin ang iba.
"Siraulo ka brad! sakit ng tiyan ko sayo" puna ni Sky kay Shaun ng maka-upo na siya sa tabi ko.
"Galing ko noh? ako nalang ang natitirang belly dancer na may saging" pagpapatawa niya kaya natawa kami, tangina mo talaga Shaun!.
CHLOE'S P.O.V
Sobrang sakit ng tiyan ko dahil sa kalokohan namin kanina, mabuti at inibahan na nila ang topic kaya nakahinga na ako, kasalukuyang kumakanta si Arianne ng love song ng maisipan kong icheck ang phone ko, baka nag-text na si Ate.
Yumuko muna ako sandale.
Baka may sumulpot na chismis.
Mahirap na.
Pagka-open ko ng phone ko, hindi ko na namalayan na sa gallery ako napadpad. Pinindot ko ang album na Childhood at nagpakita lahat ng pictures na kasama ko tong mga ugok na to! kabilang narin yung isa.
Napahinto ang sa pag iiscroll ng mapako ang tingin ko sa picture namin ni Rovic, picture namin yun noong 10th Birthday ko, nakaakbay siya sakin habang pinipisil ang isa kong pisngi habang ako, tipid na tipid ang ngiti.
Napalunok nalang ako ng makita ang susunod na litrato. Nakayakap ako sakaniya at nakatingin ng diresto sa mukha niya habang siya, nakayakap din sakin at nakangiting nakahawak ang isang kamay sa ulo ko.
Sobrang sweet pag tinitignan ng iba pero para sakin....sobrang sakit ng nakikita ko sa litartong to.
Bakit?
Kasi yan yung last na litrato namin. Yan yung mga panahon na nasa airport na kami. Sobra sobra ang iyak ko diyan kaya niyakap niya ako para patahanin, naalala ko tuloy yung mga sinabi niya sakin bago siya umalis.
----FLASHBACK----
Pagkatapos niyang magpaalam kila Tita at sa pamilya ko, pati narin sa mga kupal naming kaibigan bumalik ulit siya sa pwesto ko. Tipid na ngiti ang binigay ko sakaniya kahit na nagbabadya ng pumatak ang mga luha sa mata ko.
Ngumiti siya at hinawakan ang kabilang pisngi ko gamit ang kaniyang isang kamay habang ang isa ay nakahawak sa balikat ko.
"I...I will miss y-you...oh shhhh don't cry" sabi niya ng biglang kumawala ang mga luha sa mga mata ko, pinunasan niya ang luha sa pisngi ko gamit ang hinlalaking darili niya.
"A-alis ka na" nanghihinang sabi ko sabay yakap sakaniya, umiyak ako sa dibdib niya dahil sa sobrang sakit.
Naramdaman ko naman ang yakap niya sakin pabalik at napahigpit nalang ako sa pagkakayakap sakaniya ng haplusin niya ang buhok ko.
Ilang taon palang ako pero naranasan ko ng maiwan.
Maiwan ng taong higit pa sa kaibigan ang turing ko.
Maiwan ng taong paborito kong kasama.
Maiwan ng taong....
sabihin na natin na gusto ko.
Kaya sobrang sakit dahil ito ang unang beses na maramdaman kong maiwan ng isang taong importante sa buhay ko.
At sa edad kong ito, hindi ko pa alam kung paano ito i-handle.
"Tandaan mo yung sinabi ko sayo ha?" napatango nalang ako kahit pa nakabaon parin ang mukha ko sa dibdib niya.
Pwede bang hindi nalang siya umalis?
Pwede bang next year nalang?
Next month?
Ihahanda ko lang sarili ko....
Sa pag-alis niya...
"Pwede bang next year nalang? next month? next week? next day? ihahanda ko lang ulit ang-" ramdam kong lumuwag ang pagkaka-yakap niya sakin kaya napatingin ako sakaniya.
Nakangiti lang siya sakin pero nakikita ko na sa mga mata niya na malapit narin siyang maluha. Hinaplos niya ang buhok ko at hinawakan ang isang pisngi ko.
Bigla namang tumulo ang luha ko kaya nagpakawala siya ng hangin.
"I'd love to Chloe, gustong gusto ko, kaso wala akong magagawa, I have to leave even if I don't want to" tumulo ang mga luha sa mga mata ko kaya pinunasan niya yun gamit ang hinlalaking daliri niya.
"Always remember Chloe, kahit na maghiwalay tayo, andito ka parin lagi sa puso ko, don't you dare forget me! papalitan ko pa yang apelyedo mo ng apelyedo ko" malokong sabi niya kaya hinampas ko siya sa dibdib.
May gana pa siyang lokohin ako ah!
Sa sitwayson pa na 'to!
Ano yun? remembrance?!
"Hayop ka talaga! Hihintayin kita, wag kang magtatagal ha." pagpapaalala ko kahit na basag na yung boses ko.
Sobrang sakit pero nakangiti parin ako ng sabihin ko yun, ayaw ko na umalis siya na nag-aalala sakin, besides...
"Babalik ka naman diba?" nakangiting tanong ko, nakatingin parin sakaniya.
"Babalik ako, para sayo. I promise " sabi niya kaya napayakap ulit ako sakaniya, pinigilan ko ang sarili kong maluha at niyakap na siya sa huling sandali.
Alam kong babalik siya.
Kaso hindi ko alam kung kailan.
Ang alam ko lang...
Matagal pa, matagal na panahon pa bago siya bumalik.
Kumawala narin ako sakaniya at nag-paalam narin kami sa pamilya nila, pagkapasok nila saka lang lumabas yung mga luha na kanina ko pa pinipigilan, niyakap naman ako ng mga kupal kong kaibigan kaya napaiyak pa ako lalo.
"Babalik siya Chloe" sabi ni Dave habang nakayakap sakin.
"Oo nga Chloe! Babalik yun" paninigurado naman ni Shaun.
"Tahan na Chloe" sabi naman ni Sky.
"Cyts I feel you, pero sa ngayon tahan na muna" sabi naman ni Kate.
"Ghorl, ok lang yan. Nag promise naman siya sayo eh" sabi naman sakin ni Arianne, tumango nalang ako kahit pa nakatakip ang kamay ko sa mukha ko, kumawala naman na sila sa pagkakayakap sakin kaya pinunasan ko na ang pisngi ko at huminga ng malalim.
----END OF FLASHBACK----
DAVE'S P.O.V
Tawang tawa ako dahil sa pagkanta ni Shaun, napatingin naman ako sa tabi ko dahil wala akong marinig galing sakaniya. Tatapikin ko na sana siya para maagaw ang atensyon niya pero napatingin ako sa tinitignan niya.
Ang atensyon ko ang naagaw dahil sa tinitignan niya.
Biglang kumirot ang puso ko ng makita ang tinitignan niya, aalisin ko na sana ang tingin ko ng biglang may tumulong luha sa screen ng phone niya. May naramdaman akong bigat sa dibdib ko kaya kahit ayaw kong aminin, alam kong nasasaktan ako.
Hindi ko pa sana siya tatapikin kaso nasasaktan na ako para sakaniya kaya wala akong nagawa kundi tapikin siya, agad naman akong ngumiti para hindi niya mapansin yung nararamdaman ko, nagulat siya sa ginawa ko at biglang pinunasan ang pisngi niya.
"Ang lalim ng iniisip mo ah" bigla naman niyang pinatay ang phone niya at tumingin saakin.
"Ah hehe a-ano w-wala k-kasi amm-"
"Dave kanta ka na!" napatingin naman kaming dalawa kay Arianne ng tawagin niya ako.
"Ako? nanaman?" gulat na tanong ko sakaniya, mukhang sinusulit talaga nila ako dito ah.
"Sige na boy!" nagmamakaawang sabi ni Shaun.
"Ano bang topic?" tanong ko habang naghahanap ng kakantahin.
"Am...yung nakakasakit naman na" sabi naman ni Shaun kaya napa smirk nalang ako, saktong sakto.
Ang galing talaga tumayming noh? ^_^
Pumindot naman na ako ng number at umayos ng upo, tumingin naman ako sa katabi ko at halatang may-iniisip, napatingin siya sakin kaya nginitian ko nalang.
Tumingin na ako sa TV at bumuntong hininga.
Matatapos din lahat ng to.
"Humuhugot si Dave" malokong sabi ni Shaun ng malaman niya ang kakantahin ko.
"Pakisabi nalang daw kasi!" sabi naman ni Kate.
"Nais kong malaman niya, nag mamahal ako. 'Yan lang ang nag-iisang pangarap ko. Gusto ko mang sabihin, di ko kayang simulan. Pag nagkita kayo, paki sabi na lang. Paki sabi na lang na mahal ko siya, di na baleng may mahal siyang iba. Paki sabing 'wag siyang mag-alala, di ako umaasa. Alam kong ito'y malabo, di ko na mababago. Ganun pa man paki sabi na lang" naramdaman kong nakatingin siya sakit pero hindi ko na siya tinignan, baka bumigay lang ako at masabi sakaniya yung totoong nararamdaman ko.
Marami silang alam sakin.
Marami rin silang hindi alam.
Oo kaibigan ko sila, pero sa tingin ko hindi lahat ng bagay kailangan malaman nila.
Lalo na yung pinakamahirap na desisyon na ginawa ko.
Sa oras na malaman nila...niya lahat.
Sana mapatawad pa niya ako.
Sana maibalik ko pa yung dati.
Sana malaman niya kung gaano ko sinubukang hindi pumili, pero wala akong magawa.
Sana...masaya siya...
"Sana ay malaman niya, masaya na rin ako. Kahit na nasasaktan ang puso ko, wala na 'kong maisip na mas madali pang paraan. Pag nagkita kayo, paki sabi na lang. Paki sabi na lang na mahal ko siya, di na baleng may mahal siyang iba. Paki sabing 'wag siyang mag-alala, di ako umaasa. Alam kong ito'y malabo, di ko na mababago. Ganun pa man paki sabi na lang, umiibig ako. Paki sabi na lang" napalunok nalang ako ng maramdaman ang pag-titig niya.
Why do I feel this?
Ba't ang sakit?
Yung feeling na ikaw yung kasama niya pero iba yung nasa puso't isip niya na alam mo na kahit kailan ay hindi magiging ikaw!
Sobrang sakit.
Yung feeling na ginawa mo naman lahat pero parang hindi pa rin sapat.
Binaba ko muna ang kamay ko para mailayo sa bunganga ko ang mic at napayuko, trying to stop my tears from falling.
"Ok na yun! Who's next?" kinuha na sakin ni Shaun ang mic at bago ibigay kay Arianne tinapik muna niya ang balikat ko at may ibinulong.
"It's ok bro, at least you tried" napa-buntong hininga nalang ako at lakas loob na itinaas ang ulo, nakipag-usap at humarap ako sa kanila ng masaya na parang walang pinagdadaanan para hindi na sila mahawa at mag-alala.
"Dave-"
"Chloe ikaw naman kumanta!" bigla nalang sumulpot si Kate at Arianne, ibinigay ni Kate ang mic kay Chloe at sinenyasan niya ako na umusog kaya kahit labag sa loob ko umusog nalang ako, napatabi tuloy ako kay Sky.
"I'm so proud of you men" sabi niya kaya napatingin ako sakaniya, nakangiti siyang nakatingin saakin gayundin si Shaun ng mapatingin ako sakaniya. Tinaas naman niya ang hinlalaki niya para I cheer ako kaya napangiti nalang ako.
Napatingin ako kay Chloe na busy naghahanap ng kakantahin niya. Naalala ko tuloy yung sinabi ko sa isip ko, sobrang sakit pala yung feeling na ikaw yung kasama pero iba yung nasa-isip niya? yung ikaw yung laging nanjan kapag kailangan ka niya pero para sakaniya, hinihiling niya na sana yung isa yung kasama niya.
Mahirap magdesisyon.
Mahirap din pumili.
Kahit hindi ko gusto, kailangan kong gawin.
Sana pagdating ng araw maintindihan niya.
Na kaya ko yun ginawa.
Para sa ikabubuti ng lahat.
--------