--------
"Anong uunahin natin?" takang tanong ni Shaun ng nakabili na sila ng token.
"Ganito nalang, hati hati muna tayo kasama ko na si Shaun tapos si Sky at Kate tsaka si Dave at Chloe, maghiwa hiwalay muna tayo sa ngayon tapos later magkita kita tayo sa pinag-usapan namin nila Kate" pagpapaliwanag ni Arianne, kahit na naguguluhan yung mga lalake, pumayag nalang sila.
"Paramihan tayo ng makukuhang ticket dito" paghahamon ko kay Dave habang tinuturo ang isang machine.
"Sige ba, matalo manlilibre ng Float diyan sa Jollibee, deal?"
"Deal" agad kaming pumwesto sa machine na tinuro ko, galit galit muna kaming dalawa sa ngayon, dapat naka concentrate mahirap na.
Hinayaan lang naming bumaba sa floor ang mga ticket namin, marami rami narin ang naipon kong ticket at gayundin siya, halos hindi ko na mabilang ang mga ticket na meron ako dahil sa rami nito at gayun din siya.
"Last Three Tokens my lady" sabi niya habang pinapakita ang token na meron siya.
"Same with me" sabi ko habang pinapakita sakaniya ang 3 token na hawak ko.
Ilang minuto narin at natapos na kami sa paglalaro, potek ang dami ko palang nakuha na ticket, halos hindi na namin mahawakan ni Dave sa sobrang dami.
"Hoy ayun na sila dali-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla nalang niya akong hinila.
"Careful, muntik ka ng makabangga" sabi niya bago niya ako bitawan, akala ko maglalakad na siya palayo kaso bigla akong naistatuwa ng bigla nalang niya akong akbayan.
"Just to make you safe, let's go" automatic naman na gumalaw ang mga paa ko na sumunod sakaniya, napalunok nalang ako ng bigla nalang mag init ang pisngi ko at bumilis ang t***k ng puso ko.
"Hoy Ghurl! Oks ka lang?" takang tanong ni Arianne kaya napabalik ako sa diwa ko.
"O-oo naman" potek ba't ako nauutal?
"Sigurado ka? namumula ka na teh!" sabi ni Kate habang hawak hawak ang baba ko at sinusuri ang mukha ko.
Pinaningkitan ko naman siya ng magtama ang tingin namin at tinanggal ang kamay niya sa mukha ko.
"Keleg ka ghurl? Anyare?" excited na tanong ni Kate habang umiinom ng lemon juice, aluh umalis lang may lemon na agad?
"W-wala ano-"
"Hoy! andami niyan ah!" tinignan ko naman yung tinitignan niya at, oo nga pala yung mga ticket namin, sobrang dami kasi talaga.
"Chloe, give it to me, ako ng bahala diyan" sabi ni Dave kaya binigay ko na sakaniya, tumingin naman ako sa iba at may kaniya kaniya din silang hawak na tickets, mukhang kami ata ang nakaubos ng mga ticket nila dito.
"Wag kang madaya" pananakot ko kay Dave bago siya umalis, nginitian lang naman ako ang hayup! ng makaalis na sila, saka lang ulit namin pinag usapan ang plano namin.
"So ano na?" excited na tanong ni Arianne.
"Sayaw muna ba o kanta?" takang tanong ni Kate.
"Sayaw muna!" opinion ni Arianne kaya tumango nalang rin kami, syete hindi pa ako nakaka get over.
"Ayan na si- ay ba't may malaking Teddy Bear si Dave?" takang tanong ni Arianne kaya napatingin kaming dalawa ni Kate sakanila.
"Tol oh!" sabi ni Shaun ng makalapit siya kay Arianne, ay ang cute naman nung maliit na Teddy Bear.
"San mo nakuha to pre?" takang tanong ni Arianne sakaniya habang pinangigigilan yung teddy bear na binigay sakaniya ni Shaun.
"Yung mga ticket natin kanina, yan lang mabibili niya kaya binili ko na kesa naman iipon pa natin, hassle" sabi niya kaya napangiti nalang si Arianne.
"Your Food" sabi ni Sky habang binibigay kay Kate ang isang malaking Cheese Ring at Tempura, luh pagkain?
Luh ba't ganon
Luh Sana ol
Luh
Luh
di wow
"Ba't pagkain?" takang tanong ni Arianne kaya napangiti naman tong mga lalake.
"She said a while ago, ayaw daw niya ng Things mas gusto daw niya ng Food" pagpapaliwanag ni Shaun kaya napatawa kami ng kaonti.
"At least dito mabubusog ako" pagpapalusot naman ni Kate.
"Here" nagulat ako ng inabot sakin ni Dave ang isang malaking OMG Stitch? actually kanina ko pa talaga gustong hablutin sakaniya si Stitch duh mah peyborit.
"S-sakin?" gulat na tanong ko, Shems! seryoso akin talaga?
"Silly, of course it's yours" pagkasabi niyang yun ay agad ko ng kinuha sakaniya ang dambuhalang Stitch at niyakap yakap.
"Thank You" halos maluha luha na sabi ko habang pinanggigigilan si Stitch.
"Anything for you" sabi niya at ginulo ang buhok ko, niyakap ko naman siya sandali.
"Tangina niyo, sana all" rinig kong sabi ni Arianne.
Luh
Luh
Luh
Ehe
"So saan na tayo?" excited na tanong ko habang yakap yakap si Stitch.
"Ay ghurl uuwi na tayo may nanalo na" sarcastic na sabi ni Kate kaya napatawa nalang kami, kumindat naman samin Arianne kaya na gets ko na kung saan.
"Ayun dun tayo!" Yaya ko sa kanila kaya pumunta na kami doon, nakita ko naman ang nakakalokong ngiti ni Kate .
"No way" pabulong na sabi ni Sky ng makita kung saan kami papunta, ganun din ang naging reaksyon ni Dave at Shaun.
Since alam na namin yung mangyayare, bago pa man makaalis sila Dave sa tabi namin agad na namin silang hinablot sa palapulsuhan at buong pwersang hinila papunta sa Just Dance na tinatawag.
"Kate, bitaw" rinig kong sabi ni Sky sa harap.
"Please" pagmamakaawa ni Kate, sus edi kayo na.
"Tol naman! maglalaro nalang ako Dave diba? laro nalang-" hindi na natuloy ni Shaun ang sasabihin niya ng takpan ni Arianne ang bunganga niya at pinagbantaan siya, gagi! HAHAHA nakasimangot na tuloy yung isa.
"Chloe, what's going on?" tanong niya habang naglalakad kami, actually kami talaga yung nasa pinaka likod dahil si Kate na ang nag lead ng way.
"Shh, relax ka lang" excited na sabi ko habang hinihila parin siya, napatigil ako ng pwersahan niyang hilain ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko sakaniya kaya medyo napalikod ako at pumantay sakaniya, agad naman siyang humarap saakin kaya hindi ko na makita sila Kate, sa tangkad ba naman niya.
"Gusto mo talagang ituloy?" takang tanong ni Dave.
"Oo naman yes para namang tanga to-" napatingin nalang ako sakaniya ng may maramdaman akong humawak ng kamay ko.
"Ginusto mo, panindigan mo" nanghahamong sabi niya.
Kinabahan naman ako ng slight.
Pwede pa namang mag back-out diba?
Pero hindi naman ako yung gagawa nung plano, I mean hindi naman ako yung plinagplaplanuhan diba? kasama lang naman ako sa mga nag agree sa plano.
Ha?
Is wag na nga!
Wala ng atrasan to.
Naglakad na kaming dalawa hanggang sa makarating na kami sa pwesto nila Kate, napangiti nalang ako ng makita ang itsura nila Shaun at Sky, luging lugi?
Binitawan narin ni Dave ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Boys isa lang! Sige na isang round lang" pagpupumilit ni Kate sakanila.
"Wag kayong KJ! Alam kong Dancerist kayo pwera lang tong katabe ko" sabi niya habang nakatingin kay Shaun.
"Grabe ka naman Lodicakes! marunong naman ako hindi nga lang kasing galing nila" sabi ni Shaun sabay turo kay Dave at Sky.
"Hay nako! Uwi nalang tayo sasayawan nalang kita pagkarating natin sa Bahay" pagpupumilit ni Sky habang hinihila si Kate.
Ehe, sana all sinasayawan.
Sana all may bahay.
Edi, wow.
"Ayaw ko, bakit ba ayaw mong ishare yang talent mo? kagaleng mo kayang sumayaw may pa gewang gewang pa" pang-iinis ni Kate kay Sky habang gumigiling giling HAHAHA parang tanga!
Agad naman siyang pinatigil ni Sky "You look stupid when you do that" seryosong sabi sakaniya ni Sky.
"You look idiot when you keep denying your not good at dancing when in fact it's not true" palaban na sabi ni Kate kaya walang nagawa si Sky kundi pumayag nalang.
"Ano? G?" pang-aakit ko kay Dave.
"Tsk! ano pa nga ba?" napangiti nalang ako sa sinagot niya.
"Oy G na daw payag na si Alexander" masayang balita ko kila Kate kaya pinapunta na namin sila sa Dance Floor at si Kate na pumili ng sasayawin nila.
"Hanep yan mga Pre! Ney ney" sabi ni Kate with matching demonstration pa habang papunta siya sa pwesto naming dalawa ni Arianne.
"Ay hayup ka talaga Kate! ibahin mo!" pagrereklamo ni Shaun.
"Hindi na pwede" pang-iinis sakaniya ni Kate.
"Nahihiya ako lods" pagmamakaawa naman ni Shaun.
"Sus hiya hiya ka pa! mamaya itotodo mo din naman!" pang-aasar sakaniya ni Arianne.
"Hay nako Kate ikaw talaga!" inis na sabi ni Sky.
"Oh bakit may angal ka?" paghahamon ni Kate sakaniya.
"Humanda ka sakin pagkatapos nito" ma otoridad na sabi niya kay Kate na ikinatawa lang naman ng bruha.
"G lang! Mag oorder na ba ako ng lechon?" pang-iinis ni Kate sakaniya.
"Ginagago mo ba ako babae?" inis na sabi ni Sky.
Ay weyt parang nabasa ko na yan? hakhak.
Credits nalang po sa may ari ng linyang yan.
Baka po fan din kayo ni Sky hehe.
"Tinatanga mo ba ako lalake?" balik tanong naman nitong isa.
"Wait till I get back there" pagbabanta ni Sky kay Kate.
"Yah yah sure" sabi naman ni Kate habang tinitignan ang mga kuko sa kaliwang kamay.
Bwisit kayong dalawa yawa HAHAHAHAHA.
Hindi pa kayo niyan ah, pano pa kaya kapag naging kayo na.
Habang abala naman si Arianne sa pag-aayos ng stand ng paglalagyan niya ng phone para hindi na niya hawakan ang phone niya habang nagvivideo kila Shaun dahil malapit na mag start. Binaba ko muna si Stitch at napatingin ako kay Dave, mukhang masarap din asarin to eh.
Seryoso lang siyang nakatingin sakin kaya nginitian ko siya ng nakakaloko, tinuro naman niya ang mga mata niya bago saakin para takutin ako pero binigyan ko lang siya ng flying kiss para asarin pa siya lalo.
"So guys eto na mag-uumpisa na po ang ney ney dance ng mga kupal naming kaibigan" pag-iintro ni Arianne habang nagvivideo.
"Now watch me whip, watch me ney ney" pagkanta ni Kate para maasar sila.
"WAAAHAHAHAH danCERIST aMPUTEK!" pag cheer naman ni Arianne sakanila.
Bigla namang tumigil sa kakatawa si Kate ng hilain siya ni Sky dahilan para maisali siya sa Dance Floor, syempre hindi papaawat yung isa, sinakyan nalang niya.
Bigla nalang akong napausog ng senyasan ni Sky sila Dave.
Sinasabi ko na nga ba eh.
Aalis na sana ako pero sa sobrang bilis ng pangyayare nahila na agad ako ni Dave papunta sa Dance floor pagtingin ko kay Arianne, nandun na siya sa tabi ni Shaun nakikisayaw.
Potek! kala ko ba sila lang? ba't damay ako?
Dapat pala nag back-out nalang ako kanina.
Lesson learned, hindi masamang mag back-out at traydor ang kaibigan kung ganito din naman ang kahihinatnan.
"Gulat ka no?" sarcastic na sabi ni Dave habang sumasayaw kami.
"Ulol! dapat nga kayo lang eh" pagtataray ko.
"As if naman papayag kami na kami lang diba?" pang-iinis niya, umiling-iling nalang ako habang nakangiti kaya napatawa siya ng konti.
Para kaming tanga habang sumasayaw, pano ba naman kasi, kung ano-anong ginagawa ni Shaun, may alam pa siyang chicken dance, bulate dance, mcdonald dance, jollibee dance at kung ano ano pang dance kaya hindi namin magawang hindi tumawa dahil sa itsura niya.
Marami narin ang nakatingin sa amin.
"Potek legit yun ah!" sabi ni Shaun habang hingal na hingal. Pinatay na rin ni Arianne ang video habang hingal na hingal parin kami.
"Tado ka Shaun! Andami mong alam kupal ka!" natatawang sabi ni Sky habang hingal na hingal parin.
"Syempre*hinga* ako pa!" pagmamayabang naman ni Shaun.
Sa wakas at bumalik na ulit sa dati ang paghinga namin kaya nakaluwag luwag din, kaso napagod parin kami dahil sa kakatawa namin kanina.
"Saan naman tayo niyan?" tanong ni Arianne habang naka pamewang.
"Mag videoke muna tayo" yaya naman ni Kate, kahit pagod na, pumayag parin kaming dalawa ni Arianne habang yung tatlo wala ring nagawa kundi pumayag.
Pinulot na namin lahat ng gamit namin sa sahig at nagsimula ng maglakad.
"Ako na maghawak sakaniya" pagboboluntaryo ni Dave kaya binigay ko na muna si Stitch sakaniya, napagod rin ako eh.
"Hoy teka! dun muna tayo dali!" napatingin naman kaming dalawa ni Dave sa tinuro ni Kate, shems langya G!
--------