TANIKALA NG PANAGINIP
GALAXIA_LUNA
--------------------------------
Dreams is one of the most mysterious and exciting experiences in our lives, so it is only natural, that we want to know as much as we can about the psychology of dreams.
In this story, you will learn how to accept, forgive, and forget. Minsan sa buhay natin hindi natin namamalayan na meron sa mga panaginip natin ang nagiging totoo pero what if may dahilan kung bakit mo napapanaginipan lahat ng ito?
DISCLAIMER: This book is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.
I hope you like this story, sorry for typo errors and wrong grammars lovelots!
--------
You are at the start of the story.....
_______
"Hay ang ganda naman talaga ng mundo" napabuga nalang ako sa hangin ng may dumapong malamig na hangin sa mukha ko, bat ba ang lamig lamig ngayon? may bagyo ba?
Napairap nalang ako ng biglang hinangin ang buhok ko, tsk dapat pala nagpagupit na ako bago pa ako naki contest, aba malay ko ba na sa 2nd floor pala kami dinestino ng mga facilitators.
Habang nakatingin sa buwan, napangiti nalang ako ng may dumapong paru-paro sa kamay ko na nakasandal sa railings. Hahawakan ko na sana ng bigla siyang lumipad kaya sinundan ko siya ng tingin.
Nakatingin lang ako sa pupuntahan niya ng bigla nalang siyang mawala ng makarating siya sa isang puno na halatang alagang-alaga dahil sa lusog at tibay nito. Sinuri ko ng maayos ang pinuntahan niya ng may mapansin akong lalaking nakaupo sa gilid ng puno.
Tila naka tingin ito sa kawalan at kinuha ko naman yung pagkakataon para pagmasdan siya. Matipuno siyang tignan at matangkad ngunit hindi ko makita ang mukha niya. Badtrip kainis!
Dahil nga sa hindi ko malaman na dahilan kung bat ko siya tinititigan ay hindi ko rin alam kung bat parang bumibilis ang t***k ng puso ko... hindi pala siya parang dahil bumibilis nga!
"Shet! ang gwapo mo siguro kuya" pabulong na sabi ko at nagpahalumbaba habang nangingislap ang matang nakatitig sakaniya.
Tinititigan ko lang siya habang nagkakarera ang pagtibok ng puso ko ng hindi ko namalayan na may tumulo na palang luha sa mga mata ko....pero hindi ko na ito pinansin at nakatutok parin ang mga mata ko sa kaniya.
Luha? Anong meron sa luha?
Sandali akong napapikit dahil sa hangin na dumapo sa mata ko. Dali-dali ko namang binuksan ang mata ko at pagdilat ko bigla nalang siyang nawala! grabe siya 5 seconds lang naman akong napapikit ih! bilis naman mawala! may lakad ka? may lakad?!
Habang tinitignan ko kung saan siya pwedeng dumaan. Isang malamig na hangin ang yumakap sakin mula sa likuran kasabay ng pag-galaw ng kwintas na suot ko. Haharap na sana ako ng biglang......
_______________