--------
"Huy Chloe tayo na diyan malapit na yung extro natin" gulat akong napatingin kay Sedrict ng bigla niya akong tapikin, langya aatakihin ako neto ih.
Umayos ako ng tayo at binigay na nila saakin ang isang mic. Buti nalang tinapik ako ni Sed, pero sana hindi nalang noh? para natuloy ko sana, kaso...
"This is Glaiza Ramirez, news on the line" pag-papaalam ni Glaiza na may boses na pang radio.
"you've just heard today's top stories, I am Sedrict Lee" pang radiong boses na sabi ni Sedrict, ang ganda ng boses parang professional.
"and I am Chloe Garcia" pagpapakilala ko, syempre in a radio voice naman baka pagalitan ako ni Ma'am kapag nilaro ko yung boses ko.
"Tune in again tomorrow in another edition of" (/*medyo pabebe na may halong boses na pang radio na sabi ni Chloe)
"News on the line" sabay na sabi namin ni Sedrict at agad naming inoff ang mic para hindi mag echo.
"5 minutes" nag-ngitian kaming lahat at mahinang nag congrats sa isa't isa ng ma achieve namin ang minutes na yan! mahabagin, ilang beses na naming inulit ulit to para lang ma achieve namin yang 5 minutes na yan.
"English Broadcasting Team, labas na daw po kayo sabi ni Coach Louise" dali-dali kaming lumabas ng broadcast room at lumapit kay Ma'am Louise na ngayon ay nakangiting nag-aabang sa labas ng room.
"Congratulations mga anak" naka ngiting sabi ni Ma'am Louise ng nasa harapan na niya kaming lahat na nakangiti rin dahil sa saya.
"Road to NSPC na ba?" nagagalak na tanong niya samin.
"Wag mo ng tanungin Ma'am, baka hindi matuloy" sarcastic na sabi ni Sedrict kay Ma'am kaya napatawa kami ng kaunti, well may point naman siya.
"Oh basta, tomorrow is a big day for all of us, yung boses niyo ha? ingatan niyo na yan, yung dalawang anchor, Chloe at Sedrict yung boses ha? ingatan, wag iinom ng malamig yung mga reporter din alam niyo na gagawin niyo.... tsaka-" natigilan si Ma'am ng biglang may humawak sa balikat niya, napangiti nalang kami ng makita yung tao sa likod niya.
"C-calvin?" gulat na sabi niya ng tumingin siya sa likod, napa "yieeee" at pasimpleng umubo ang iba ng bigla siyang lumapit sa mukha ni Ma'am at....at may binulong.
"Ma'am...excuse me po, mauuna na kami" pagpapaalam ni Glaiza kaya napangiti nalang kami.
"Sige na mauna na kayo, anong oras na mag-gagabi na ingat, aayusin ko lang yung studio (broadcast room)" pagpapaalam ni Ma'am kaya tumango na kami at kinuha ang mga gamit namin sa upuan.
"Chloe, hindi ka ba sasabay saamin, ako na maghahatid sainyo" pag-alok ni Sedrict habang inaayos ko ang mga gamit ko.
umayos muna ako ng tayo at tumingin sakaniya "Ay hindi na mauna na kayo" pag tanggi ko, jusme! pagod na pagod na ako tsaka nanghihina na rin ako pero wala akong magagawa, kailangan kong umuwi.
"Sigurado ka? pagod na pagod ka ata? may masasakyan ka ba?" nag-aalalang tanong niya saakin.
"O-oo n-nadyan na siguro" pagpapalusot ko, actually hindi ko alam kung meron talaga, basta ayaw kong makisakay masyado na silang marami, mahal ang gas.
"Sige mauna na kami" pagpapaalam ni Sedrict kaya nginitian ko nalang siya.
"Ate Chloe mauna na kami" pagpapaalam sakin ni Glaiza habang kumakaway, kinawayan na din ako ng iba para magpaalam kaya kinawayan ko narin sila.
Bumalik ako sa pag-aayos ng gamit ko, malapit na akong matapos ng may maramdaman akong presensya sa likod ko, hindi ko nalang ito pinansin at ng saktong haharap na ako para umalis ay biglang...
"Bulaga" pang gugulat sakin ni Kuya Calvin.
"Ay anak ng tokwa" napatalon nalang ako sa gulat at muntik ng mahulog yung hawak hawak kong folder, pinaningkitan ko siya ng mata ng tumingin ako sakaniya na ikinatawa niya.
"Kuya naman ih! susumbong kita kay Ate Louise sige ka! may alam ka pang pa bulong bulong kanina kala mo naman" pang-aasar ko sakaniya pero nginitian niya lang ako.
"Tol dami mong alam! jowa mo naghihintay sayo sa labas" sarcastic na sabi ni Kuya Calvin.
"Jowa? asan?" pag-sakay ko sa trip niya. Duh as if naman may jowa ako ano.
"Andun nga sa labas! ang kulit ah?! puntahan mo na baka may lumalandi nang iba" pagbibiro niya, inirapan ko nalang siya at nagpaalam narin sakaniya.
Mahabagin, pwede bang humiram ng magic carpet? ansakit na ng paa ko pramis, ang layo layo pa naman ng gate sa pinag practisan namin, mabuti nalang at binilisan ko na ang paglalakad at natatanaw ko narin ang gate.
Pagod na pagod na ako ng malapit na ako sa gate, habang naglalakad may natanaw akong lalake malapit doon, nakasandal siya sa pader habang nakatutok sa phone mukhang may hinihintay ata.
Sobrang bigat na ng katawan ko dahil sa pagod ko, feeling ko maya maya bibigay na yung katawan ko, bumibigat narin ang paghinga ko.
Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko si Dave na nakatayo na ng maayos at hinihintay akong makalapit sakaniya.
Akala ko naman kung sino, si Dabid lang naman pala.
"Come here" malambing na sabi ni Dave ng makalapit na ako sakaniya, pinag hiwalay niya ang dalawa niyang kamay para bigyan ako ng yakap kaya tinanggap ko nalang yun at niyakap din siya.
Just so you know, kanina pa po nagsilabasan ang mga estudyante, tapos may meeting pa ang mga teachers kaya may lakas loob siyang yakapin ako ngayon kasi walang nakakakita.
"You're tired huh" napatingin ako sakaniya na ngayon ay nakatingin na saakin, tumango nalang ako at napasimangot sakaniya.
Sobra yung pagod ko, to the point na babagsak na katawan ko any minute.
Ikaw ba naman ma stress sa pag gawa ng script tapos kailangan niyo pang i-ulit ulit para makuha yung pakening 5 minutes na yan. Then pag katapos, gagawa ulit kayo ng panibagong script tapos ganun nanaman.
Sinong hindi mapapagod doon? nakakaubos ng lakas, laman ng utak kahit wala namang laman ang utak ko.
For sure, pagod na pagod nadin yung mga kasama ko, good thing may teamwork kami.
Napangiti siya kaya napairap nalang ako "gutom ka ba? Kumain ka na ba? nag meryenda ka na ba? ha? ha?" tuloy tuloy na tanong niya habang pinipisil ang dalawa kong pisngi, ano yan stress ball?
Napabitaw ako sa pagkakayakap sakaniya at tinanggal ang kamay niya sa pisngi ko "Ginawa mo namang stress ball yung pisngi ko eh" inis na sabi ko sakaniya.
"Hindi naman, slight light, halika na at papakainin kita" parang tatay na sabi niya at ginulo pa talaga ako buhok ko hayup. Ngumiti nalang ako at pumunta narin kami sa kotse niya.
"San mo ba gusto?" nagtatakang tanong niya habang nagdridrive.
"Sa mundo niya" kinikilig na sabi ko.
"Tsk! asa may iba na yun" pang-aasar niya kaya napatingin ako sakaniya at tinapunan siya ng matalim na tingin.
"Oh! niwala ka naman?" sarcastic na sabi niya, inirapan ko nalang siya at tumingin na sa phone ko ng mag vibrate.
"Libre mo?" tanong ko sakaniya habang binubuksan ang phone ko.
"Panget mo" pambabara niya.
"Same to you" balik na sagot ko.
Tumawa siya ng kaonti kaya napangiti ako, binuksan ko na ang message ni Daddy.
From: Daddy
: where are you? anong oras na?
Napangiti nalang ako sa tinext ni Daddy.
To: Daddy
Dad chill, I'm with Dave naman, medyo na late:
kami kanina kasi nag last round lang kami
From: Daddy
: Ok, anong oras kayo uuwi?
Napatingin tuloy ako kay Dave ng mabasa ang tinext sakin ni Daddy, anong oras nga ba?
"Baks anong oras daw ba tayo uuwi?" takang tanong ko sakaniya.
"Sino nagtatanong?" seryosong sabi niya habang nag dri-drive.
"Si Dad-"
"Pauwi na kamo, papakainin lang kita" seryosong sabi niya sabay tingin sakin at kindat.
Napairap nalang ako sa hangin habang umiiling at humarap na sa phone at nag type ng pwedeng sabihin kay Daddy.
To: Daddy
Pauwi na raw kami Daddy sabi niya, papakainin lang daw niya ako:
Ang tagal mag reply ni Daddy, uminom na tuloy ako ng tubig na nasa bag ko, ilang minuto rin at nagtext na siya.
From: Daddy
: Anong klaseng pagkain yan? iba naman ata yan Chloe?
Nasamid ako sa tinext ni Daddy kaya napatingin sakin si Dave, shacks ang dugyot lang!
"Are you ok?" nag-aalangang tanong sakin ni Dave, tumango nalang ako at sinarado muna ang takip ng tumbler ko bago mag text kay Daddy.
To: Daddy
Food!! :
From: Daddy
: Ok ok
magtetext na sana ako kay Daddy ng bigla akong tanungin ni Dave.
"Chloe? what do you want?" tanong niya kaya napatingin ako sakaniya, ay naka drive tru pala.
"Ummm....burger nalang" sabi ko sakaniya at dali-dali siyang humarap sa crew.
"Tsaka limang burger at dalawang fries, do you have warm water?" napatingin ako kay Dave ng marinig ang inorder niya, 5? 5 talaga?!
"Yes sir, ilan po ba?" takang tanong nung babae.
"Isa lang miss, thank you" sabi niya.
"Ba't andami?" takang tanong ko sakaniya ng may kinakalikot siya sa phone niya.
"That's for Tito and Tita and Tristan and for you" pagpapaliwanag niya habang may kinakalikot parin sa phone, ano bang meron diyan?
"Kanino yung isa?" takang tanong ko sakaniya
"That's for Ate Cristel if ever na uuwi siya" pagpapaliwanag niya, isa pa talaga hahablutin ko na yang selpon na yan!
"Pano kapag hindi?" inis na tanong ko dahil sa kinakalikot niya.
"Then you'll eat it" seryosong sabi niya.
"Paano kapag-"
"Your order sir, please come again" sabi ng babae habang inaabot kay Dave ang inorder niya, ay teh? sapaw ka ih.
Bumalik nalang ako sa pagseselpon at nag scroll ng nag scroll hanggang sa may nag pop up na notification.
Mark Dave Galutera tag you in a post
Mark Dave Galutera mentioned you in a post
Kunot noo kong binasa ulit ang notification, ano nanamang kabulastugan to?
_____________________________________________
To this very Special Girl, Good luck and God bless
Win or Lose its ok at least you did your best!
Fighting Baks Chloe!
Advance Congratulations nadin!
Our Best Co-anchor Chloe Garcia
PS: I know you're tired but you can do it!
It was a picture of me holding a mic while reading my script and a picture of me walking towards him, ay kaya naman pala may kinakalikot kanina jusko naman!
"Here eat first" abot niya sakin ng inorder namin, tinanggap ko naman yun habang nakatingin parin sa phone ko, napangiti nalang ako ng mabasa ulit yung pinost niya.
"Huy! Kain ka mu-" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng bigla ko nalang siyang yakapin sa leeg ng patagilid.
"Thank you Baks!" halos mangiyak na sabi ko habang nakayakap parin sakaniya, habang siya busy parin sa pag dri-drive.
"Do your best ha? Win or lose, your still the best for us" malambing na sabi niya habang sumusulyap saakin, napatango nalang ako dahil baka umiyak pa ako kapag nagsalita pa.
Napangiti siya at ginulo ang buhok ko kaya inalis ko ang pagkakayakap ko sakaniya at inayos ang buhok ko, magulo na nga guguluhin pa.
Kahit papano, nabawasan ang pagod ko.
"Kain ka na" nakangiting sabi niya kaya kumain nalang ako, duh libre to aangal pa ba ako?
"Ikaw? kumain ka na?" takang tanong ko habang nginunguya yung burger na binili niya.
"Kumain na ako, tagal mo kasi ih" napangiti nalang ako sa sinabi niya, so kanina pa pala siya dun? eh halos mag a-alas sais na nung natapos kami.
"Punta ka ba bukas?" takang tanong ko.
"Bukaaaasss" sabi niya habang nag-iisip, bukas ay Saturday wala namang pasok kaya pwede silang manood, ewan ko lang kung may gagawin pa silang iba.
"I'm home!" anunsiyo ko ng makapasok na ako ng bahay.
"Ateeee!" bungad sakin ni Tristan, bunso namin habang tumatakbo palapit saakin, niyakap ko narin siya ng yakapin niya ako pagkalapit niya.
"Where's Ate Cristel?" takang tanong ko kay Tristan.
"I'm here!" sabi ni Ate habang nakasandal sa pader na papasok sa kusina, naka office attire pa talaga siya, tumingin ako sakaniya at sinenyasan niya akong pumasok na sa kusina kaya binaba ko muna ang mga gamit ko sa sofa at pumunta na sa kusina hawak hawak ang paper bag na pinaglagyan ng inorder namin ni Dave.
"Oh what's that?" nang-iinis na tanong ni Daddy ng makaupo ako sa dining table sa harapan niya.
"Libre ni Dave" paglilinaw ko kaya tumango tango si Daddy habang nakangiti, anyare sayu?
"Kain na" sabi ni Mommy habang hinahain ang niluto niya sa dining table.
"Oh mukhang may pasalubong ata" malokong sabi ni Mommy ng inabot sakanya ni Daddy ang pasalubong ni Dave.
Napakamot nalang ako sa kilay ng binigyan niya ako ng malokong ngiti, "Mommy, pasalubong ni Dave yan ok? wag na kayong ano, naiistress ako sainyo ih" pag-aarte ko.
Ngumiti nalang sila at nag-umpisa na kaming kumain ng dinner.
"Tomorrow is a big day isn't?" seryosong sabi ni Ate habang sinasamahan ako sa pag huhugas ng mga pinagkainan, naka palit narin ng pangtulog, well nagpalit narin naman ako kanina pagkatapos kumain.
"W-well y-yes" kinakabahan na talaga ako para bukas, kailangan ko pang kumain ng luya mamaya para hindi masira yung boses ko.
"Well, do me a favor and I'll make you win" nang-aakit na sabi ni Ate sakin, win? favor? Luh totoo ba yung narinig ko?
"A-ano? W-win? naka drugs ka ba?" gulat na sabi ko sakaniya.
--------