CHAPTER 2

1733 Words
-------- CRISTEL'S P.OV (CHLOE'S SISTER) I was busy wearing my clothes for today when my phone rang....sino nanaman kaya yan at ang aga aga kung maka tawag wagas! Hindi ko na pinunggos ang buhok ko. At nag make up nalang ako kanina ng light lang. I looked at the clock in my room and it's already 4:30 am....tulog pa kaya yung kapatid ko. The phone rang so many times and I just ignored it, sino ba naman kasing tatawag ng ganun ka aga? Duh! I have an event to go today. For sure hindi office ang tumatawag sakin, they know how I hate calls when it's not yet 8:00 am. After kong magpalit kinuha ko na ang phone ko at lumabas na ng kwarto. My phone kept ringing so I decided to answer it. Saktong sasagutin ko na ang tawag ng bigla nalang itong namatay. Baka napagod na... Naglakad na ako papunta sa kwarto ni Chloe ng maisip ko na I-open ang phone ko...just thinking how many missed calls do I got from whoever that person is, I stopped at Chloe's door and check first my phone before entering her room. Unknown Number 20 Missed Calls 5 Messages Unknown Number? Who the hell is this? I opened one of the messages and I was shocked when I read it... From: 09********* : Hey it's me, Rovic wants to see your sister...and I miss you.... I can't wait to see you soon..Mosh Is this Nathan?! Shit! It's Nathan! Simula nung umalis na sila hindi ko na siya nakakausap. While reading his messages my heart kept beating so fast with mix emotion, natigilan ako ng mabasa ang last message niya... : But please, don't tell Chloe na babalik na si Rovic...si Rovic nalang daw bahala. Hindi sasabihin? but how? palagi siyang tinatanong sakin ni Chloe? What would I say? Bahala na! Binalik ko sa pocket ko ang phone ko at dahan dahan na pumasok sa kwarto ni Chloe. Her room was in deem light. "Chloe?" tawag ko sakaniya ng hindi ko siya makita sa higaan niya, san galing yun? Gulat akong napatingin sa pinto ng Cr sa kwarto niya ng lumabas siya doon. "Gulat ka noh?" pang-aasar niya habang pinapatuyo niya ang buhok niya gamit ang tuwalya, I surveyed her outfit, wow complete uniform. "Wow, you're early" pabirong pagpuri ko sakaniya habang naka pameywang na nakatingin sakaniya. "Syempre big day nga ih" sabi niya habang sinusuot ang kwentas at inaayos ang kaniyang buhok, her necklace looks familiar. "So ano? deal na ba?" pang-aakit ko sakaniya, tsk ayaw mo pa! Napatigil siya sa ginagawa niya at gulat na tumingin saakin, wow gulat na gulat? "Oh my gosh ate, N-no way! That's cheating duh!" Tuloy tuloy na sagot niya. "Oh Sister! don't you want my deal? isa ako sa mga judge niyo later.." I walk towards her and played with her hair. Bagsak ang buhok ni Chloe at Black ang kulay ng buhok niya, as in black while my hair is a bit curly sa dulo, pero hindi naman yung kulot talaga, wavy siya actually, at hindi ring ganon ka black yung akin. While in our body, yah we're both sexy (if that's what you called it) hindi naman kami ganon kataba, hindi rin ganon kapayat...pero si Chloe kasi, mataba yung pingping (pisngi/cheeks) niya kaya minsan natatawag siyang Chubby. and off course, I'm a bit taller than her, we're both morena yan lang ang bagay na magkaparehas sa amin.  "I can make you win...just buy me some-" "No way!" pagtanggi niya. "Why not?" curious na tanong ko sakaniya. "Because I know you can't! Duh, your my sister remember?" nabitawan ko ang buhok niya at napakurap sa sinabi niya, sumilaw naman ang malokong ngiti sa labi niya sa salamin. "You know me well" sabi ko at sinabihan na siyang bumaba, tumango naman siya at sumabay na sakin pababa. Pagbaba namin, pumasok na kami agad sa kusina at naabutan si Mommy na nag hahain na ng breakfast habang si Daddy nagkakape sa dining table, nakapalit na si Daddy ng pang office attire niya, he's early to? "Saan ka pupunta ngayon Cristel? diba day off mo?" takang tanong ni Daddy habang umiinom ng kape. "Yah, but someone invited me to be one of the judges in the Regional Schools Press Conference so I said yes and besides, dun din naman ako nag umpisa Dad" I said casually then looked at Chloe looking shock of what I've said. Duh! of course I started there! When I was Elementary I started competing to those Press Conferences and luckily, I won 3 times in NSPC when I was in Elementary and 5 times when I was in High School. "Shock?" sarcastic na sabi ko kay Chloe habang kumukuha ako ng pagkain. "Slight" sabi niya habang kumakain, wow hindi naman halatang gutom siya dahil sa kinuha niyang pagkain ano? Too much carbs. "Chloe hintayin mo ako dito, kukunin ko lang yung bag ko" pagpapaalam ko sakaniya at umakyat na sa taas. I was ready to go outside holding my bag when my phone rang. Napatigil tuloy ako sa pagbukas ng pinto ng kwarto at sinagot ko muna ang tawag. Demon calling.... [ Hello, Cristel] sabi ng nasa kabilang linya. I miss his voice...pero hindi ko pwedeng ipahalata. "Early in the morning? What's the issue? Spill it" ma otoridad na sabi ko. [Look, first I wanna say that I miss you a lot, Second, My brother wants to see your sister badly, Third, Please don't tell it to your sister na pabalik na kami diyan sa Pinas. Fourth, You can tell your parents but not Chloe...and Fourth-] bigla siyang tumigil. [I know you don't have boyfriend so...] "So what?" inis na sabi ko. [So be ready mosh, when I come back...I will continue my plan] "THE HELL!!" galit na sabi ko sa kaniya habang pinapatay na siya sa isip ko. Hanggang ngayon parin ba?! buti nalang hindi narinig nila Mommy yung sigaw ko. [Bibigyan na kita ng mga bagay na pwedeng mangyari pag dating ko.....isa na don ang ma dis-virgin ang labi mo] pagbabanta niya sakin. "and as if naman magagawa mo yon? you asshole!" sabi ko at agad na pinatay ang tawag. Lumabas na ako sa kwarto sa sobrang inis ko, hindi pa ako nakakaalis sa harapan ng pinto ng bigla nalang may nag text saakin, binuksan ko yun at biglang uminit ang pisngi ko. Dahil sa inis at galit! From: Demon Mosh : I told you...when I get back...prepare your lips. To: Demon Mosh Fuck you! : From: Demon Mosh : Sabi ko labi mo lang hindi lahat sayo. When I get back muahhh! Inis akong bumaba ng hagdan at pumunta kila Mommy, nararapat lang sakaniya yung name niya Demon Mosh pero ano ba yung Mosh? CHLOE'S P.O.V "Mami! Dadi! una na us" pagpapaalam ko kila Mommy na busy nanonood sa sala kasama si Tristan na kaka gising lang habang si Daddy nasa gilid may kausap. "Bye Ate Goodluck!" sabi ni Tristan habang inaayos ni Mommy yung damit niya. "Chloe, galingan mo ha? no pressure just do your best" sabi ni Daddy pagkatapos niyang kausapin yung kausap niya sa telepono niya at nagpaalam kila Mommy. "Thank you" sabi ko sakaniya pagkatapos niya akong halikan sa noo at nauna ng lumabas, asan na ba si Ate? katagal tagal! Speaking of, nakita ko na siyang pababa ng hagdan at...ay galit? anyare sa taas? sabi niya kukunin niya lang gamit niya pero pagbaba galit na agad? "Oh? ba't ganyan itsura mo?" takang tanong ni Mommy sakaniya ng makababa na siya ng hagdan at palapit na kila Mommy, Ulol! para naman kasi siyang inaway sa itsura niya. "May nakausap kasi akong demonyo sa taas ma" inis na sabi niya ng mahalikan na niya si Mommy at Tristan. "Mami may mumu doon sa taas?" gulat na tanong sakaniya ni Tristan, ang cute ng pagkakasabi niya kaya medyo napangiti ako. "Si Criste-" "Hello! I'm here! Gora na!" sarcastic na sabi ko sakaniya, duh kanina pa ako sa gilid ng pinto hinihintay siya, eh naunahan na siya ni Daddy sa katagalan niyang bumaba, kukunin lang naman kasi yung bag kala mo naman ganun kabigat para magtagal. "Mommy! una na kami" sabi niya at binuksan na ang pinto para makalabas kaming dalawa. "Ingat! Chloe goodluck!" sabi ni Mommy kaya nginitian ko nalang siya. Habang nasa kotse ni Ate, hindi ko maiwasang hindi kabahan. Jusko, kahit naman sino kakabahan sa presscon ano! RSPC na heler! gusto ko ulit maka NSPC kasi sa Dumaguete gaganapin, eroplano sasakyan pards HAHAHA. "Kinakabahan ka?" seryosong tanong ni Ate habang nakatingin sa daan, napatingin tuloy ako sa kaniya. "Slight" sabi ko at tumingin sa harap para mawala ang kaba kahit ilang minuto lang. "Huh, give me your hand" sabi niya kaya inilahad ko sa gilid niya yung kamay ko. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at inilagay niya ang palad ko sa puso ko, takang tingin naman ang ibinigay ko sakaniya, inalis niya ang pagkakahawak niya sa palapulsuhan ko. "Bago ka kabahan, isipin mo kung bakit ka sumali sa contest na yan" sabi niya at ngumiti habang nakatutok parin ang tingin sa daan. "That's your passion right?" sabi niya kaya napatango nalang ako habang nakatingin parin sakaniya. "Alam mo yung iniisip ko noon kapag sumasali ako sa mga ganyan?" tanong ni ate sakin pero hindi nalang ako nagsalita kasi hindi ko alam. "Always remember that Passion is the genesis of genius, chase down your passion like it's the last book in the bookstore. You can do anything as long as you have the passion, the drive, the focus and the support. We are willing to give you the support as long as you are willing to reach your passion" sabi ni Ate kaya napangiti ako, Journalist ka nga talaga! "Teka lang, wait mo ako rito" sabi niya pagkatapos niyang mag park sa gilid at bumaba sa kotse, tumango nalang ako, biglang tumunog ang phone ko kaya tinignan ko muna, napangiti nalang ako dahil sa mga nabasa ko The Solar System KATE : Hoy Takaw! Goodluck!! SKY: : Goodluck LOds! SHAUN : eYY! Goodluck Kabsat! HAHAHHA ARIANNE : Goodluck sish! DAVE : Baks, Goodluck!!! CHLOE tINCHUE! Di kayo pupunta?: Matagal kong hinintay ang chat nila pero wala na akong natanggap, I guess hindi, baka busy din sila siguro. Nagulat ako bigla ng may magbusina sa likod ng kotse ni Ate at biglang bumukas yung pinto ng driver's seat. --------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD