CHAPTER 3

2157 Words
-------- "Ate sino yun?" takang tanong ko ng bigla siyang pumasok sa kotse at umupo sa driver's seat. "Nothing" tipid na sabi niya at inabot saakin ang isang supot. "Ano to teh?" takang tanong ko sakaniya ng kunin ko ang inabot niya. "Dalawang Mogu-magu tapos isang classic mammon. Strawberry flavor yung mogu-mogu" sabi niya kaya napangiti ako habang nagdri-drive siya. "Para sakin to?" nagagalak na tanong ko sakaniya. "Hindi, pinahawak ko lang sayo" pambabara niya, napasimangot nalang ako at itinabi muna sa upuan ko. "Ilagay mo na yan sa bag mo at baka maiwan mo pa" sabi niya kaya napangiti nalang ako habang inilalagay ang supot sa bag ko. "Tinchue muah muah" sabi ko ng matapos kong ilagay sa bag. "Oh basta do your best nalang ha?" sabi niya kaya tumango nalang ako at itinuon sa daan ang tingin, medyo nawala din ang kaba ko. Napansin ko na parang may sumusunod saamin ni Ate pero winala ko nalang dahil iniisip ko pa kung anong pwedeng mangyare mamaya. Ng makarating kami sa venue ng contest, iniwan muna ako ni Ate sa harap dahil kailangan pa niyang mag-park. Papasok na sana ako ng may maramdaman akong grupo ng mga tao na papunta sa kinaroroonan ko. Ganun nalang ang gulat at saya ko ng lumingon ako at nakita ang mga grupo ng taong papalapit saakin. "Surprise" masayang sabi ni Kate at Arianne habang palapit saakin, sa likod naman nila ay yung mga lalake na kala mo naman gwapo dahil sa porma nila at nakangiti pa pero hindi sa mga nasa paligid kundi saakin. Mga kupal! HAHAHA pero napangiti rin ako ng makita sila dito, shacks gusto kong maiyak syete! akala ko di sila pupunta! akala ko lang pala. "Akala ko hindi kayo darating?" nagtatampong sabi ko ng matapos akong yakapin ni Arianne at Kate, tinignan ko sila isa-isa na ngayon ay nakaharap saakin. Ang saya saya, ang saya nilang tignan na magkakasama, ang saya saya ko kasi meron sila dito na susuporta saakin. Pero ang lungkot lang kasi hindi kami kumpleto. "Pwede ba yun?" takang tanong ni Sky kaya napangiti kaming lahat, dito palang panalo na ako bonus nalang kung makaka NSPC pa. Mag-uumpisa narin ang contest kaya pinapasok na kami sa loob, umalis muna sila Dave para mamasyal dahil bawal ang mga visitors kapag gagawa ng script saka lang pwede kapag airing na kaya babalik sila later. Kasama ko na ngayon sila Sedrict na nakaupong nakapalibot sa table namin habang sila Sheena, Team Radio Broad Filipino ay nandoon sa kabilang gilid. Nakahiwalay kasi ang Filipino at English Team. Nagsimula na silang magpakilala ng mga judges para sa competition kaya pumapalakpak nalang kami habang umaakyat sila sa stage. "And the famous TV and Radio Broadcaster across the globe" narinig na namin ang bulung bulungan ng mga tao sa likod namin na excited makita ang bruha kong ate. "The gorgeous newscaster delivering nothing but the truth, Miss Cristel Garcia" shock na napatitig ang iba sa kaniya habang pumapalkpak, habang ang iba naman todo kuha ng pic kay ate habang ako, eto walang emosyong pumapalakpak. "Huy ba't ganyan itsura mo?" takang tanong sakin ni Shem, isa sa mga reporter namin. "Wala, nakakita lang ng demonyong anghel" barumbadong sabi ko kaya umiling-iling nalang si Shem habang nakangiti. Nag announce pa sila ng mga do's and don'ts while doing the scriptwriting contest, nag bilin din sila ng kung ano ano hanggang sa naisipan na nilang mag-umpisa. "Contestants, both Filipino and English, you only have 2 hours to do your script we gave already the types of news that you will do and also the template, timer starts now!" tinanggal na namin yung pagkaka sealed ng laptop at nag-umpisa ng gumawa ng script. Good thing it went good, natapos namin on time at pang lima kaming magbrobroadcast sa English and 2nd naman ang Filipino Team namin. "Sheena goodluck" sabi ko sakaniya ng kuhanin nila ang pagkain nila sa table namin, facilitators lang ang pwedeng pumasok sa area namin kanina habang gumagawa kami ng script kaya hindi namin pwedeng kausapin si Ma'am Louise. "Thank you kayo din!" nginitian ko siya bago sila umalis. "Ate Chloe Goodluck din sayo" pahabol ni Charles saakin ng matapos niyang batiin yung iba kong member, nginitian ko nalang siya, may kumalabit saakin sa likod kaya napatingin ako. Derederesto kami kaya kami na bahala sa time namin sa pagkain namin ng lunch, habang nag bro broadcast na ang iba, ang iba naman ay kumakain na. Lumapit siya saakin kaya napaatras ng kaunti ang ulo ko "Bili tayo sa labas" pabulong na sabi ni Sedrict habang tumuturo sa labas. "Pwede na ba?" pabulong na tanong ko, tumango naman siya kaya pumayag na ako, nagpabili rin ang iba kaya for sure marami kaming bitbit. "Excuse me Miss" tawag ni Sedrict sa isang facilitator. "Yes? how can I help you?" tanong ng facilitator ng makita niya kami ni Sedrict. "Amm, Ma'am pwede na po ba kaming lumabas para bumili ng pagkain?" may halong pagmamakaawa yung tanong ko, duh kanina ko pa gustong bumili sa labas, masasarap yung benta nila ih. "Ay oo naman! pwede na kayong lumabas tapos naman na ang script writing niyo pero kailangan niyo ring bumalik agad" pagpapaalala niya kaya tumango nalang kami at nagpasalamat sakaniya, nagpaalam narin kami at diretsong lumabas. Nagpabili din ang iba kaya naman... Nauna na kaming pumunta sa isang food court na may bentang burger para mabilis, yun ang pinaka maraming order. "Ate tatlo nga pong buy 1 take 1 na cheeseburger" sabi ni Sedrict sa tindera. "Huy tara na dun! dali!" pamimilit ko sakaniya. "Teka! pakalmahin mo muna yang mga bulate sa tiyan mo! unahin muna natin to" sabi niya kaya hinimas himas ko muna yung tiyan ko para mapatahan ang mga bulate. Ng maibigay at mabayaran na ni Sedrict yung mga burger siya na ang nagbitbit at hinila ko na siya papunta sa food court na gusto ko. "Ano ka pagong? antagal mo maglakad!" pagrereklamo ko ng pilit ko siyang hinihila pero kinokontra niya. "Ulol! Ikaw nga tong parang cheetah kung manghila! Bakit may artista? May lakad teh? may lakad?" sarcastic na sabi niya, inirapan ko nalang siya at pilit hinatak hanggang sa makapunta kami sa food court. "Potek! kanina ko pa gustong kumain neto" ginanahan ako bigla ng makita lahat ng pagkain sa harapan ko mula sa isang food court na pinuntahan namin, shacks angsarap! "Dahan dahan lang Chloe, wag masyado hindi pa tayo nakaka broadcast" pagpapaalala sakin ni Sedrict kaya napangiti nalang ako at tumango sakaniya, babalik ako dito mamaya sinisigurado ko yan! "Ate isa nga pong 25 at-" "ako din po isa" masiglang sabi ko sa tindera, napangiti nalang si Sedrict dahil sa inasta ko, Bakit ba?! inggit ka? Naglagay na yung tindera sa isang malaking baso ng gulaman at sa tuktok niya inilagay ang pag lagyan ng fries, talino nila! eto palagi kinakain namin nila Kate kapag Presscon. "Oyy dahan dahan naman! antakaw mo!" pambabara sakin ni Sedrict habang kumakain ako papunta sa venue namin. "Bakit ba?! Subuan kita g-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla nalang niyang hablutin ang braso ko papunta sa side niya. Gulat ko siyang tinignan habang seryoso siyang nakatingin sakin. Binitawan niya ang pagkakahawak niya sakin habang seryoso parin ang tingin. "Yan! lamon pa! Mamamatay ka sa ginagawa mo ih!" panenermon niya, nginitian ko siya kaya takang tingin ang binigay niya sakin. "At least mamamatay ako ng busog!" pang-aasar ko kaya inirapan niya lang ako at pumunta na kaming dalawa sa venue, nasa tabi na niya ako habang naglalakad kami papunta sa venue mahirap na kulang pa naman tong kinakain ko, hindi pa ako mabubusog neto. Napansin ko na binibilisan niya ang paglalakad niya at tsaka medyo hindi maganda ang mood niya, galit kaya toh? Sabagay, baka nainis din siya or wala lang sa mood? "Hoy sorry na uwu ampanget mo pa naman kapag ganyan ka" paglalambing ko sakaniya ng makarating na kami sa loob ng venue, huminto siya kaya huminto rin ako. Tinitigan niya ako kaya tinitigan ko rin siya, Duh hindi ako magpapatalo noh! "Ikaw ba humihingi ng tawad o nang-aasar?" seryosong tanong niya. Tumingin pa ako sa taas at hinawakan ang baba na kunwari nag-iisip kahit wala naman akong isip para lang mainis ko siya. "Pwede both?" pang-iinis ko sakaniya, umirap siya at akmang aalis na sa harapan ko ng hawakan ko ang braso niya kaya napatigil siya at tumingin sakin. Inalis ko rin ang pagkakahawak ko sa braso niya ng mapagtanto ang itsura namin. "U-uhmmm S-sorry na kasi" nahihiyang sabi habang nagkamot kaunti sa ulo ko dahil sa hiya. "Tsk! Lamon pa ha? Galing mo sa part na yan" panenermon niya kaya napasimangot ako, ngumiti naman na siya at inakbayan na ako papunta sa upuan. "Kapag etong inumin ni Glaiza natapon ko kasalanan mo" pagbabanta ko sakaniya ng hilain niya ako na parang nanghihila ng baka(Cow)! aba kagandang baka ng hinihila mo brad! "Hindi yan, basta ingatan mo" sabi niya habang nakangiting naglalakad. Sabi mo yan ah! tutuktukan kita kapag natapon to! "Aray naman! Ikaw ba nanghihila ng tao o baka kasi-" "Ang daldal grabe!" reklamo niya ng alisin niya ang pagkakaakbay niya sakin, aba ikaw kaya! gawin ko kaya yang ginagawa mo tignan natin kung sinong hindi magrereklamo. "Anong-" "Akin na nga! oh palit tayo! reklamo mo ih" pagrereklamo niya at iniabot sakin ang mga burger na nasa isang plastic, binigay ko narin naman sakaniya ang juice ni Glaiza na binili narin namin kanina diyan sa paligid ligid. "Mga order niyo" sabi ko at inilapag na namin ni Sedrict ang mga binili namin sakanila, kaniya kaniyang kuha narin sila at sabay sabay na naming inubos, nagpasalamat sila pero ngumiti nalang kami ni Sedrict at itinuon nalang ang sarili sa pakikinig. "End of Filipino Broadcasting Team, First Group for English Broadcasting, please proceed to the Broadcasting Area" pag-aanunsiyo ng judge kaya pumunta narin kami sa mga upuan na para saamin. Mabilis ring natapos ang mga sumunod na contestants. Habang paunti ng paunti ang mga bilang namin, pabilis na pabilis naman ang t***k ng puso ko dahil sa kaba, sari-sarili muna kaming practice tapos buo nanaman tapos sarili. Napatingin nalang ako sa may bandang gilid kung saan may mga upu upuan ng may mapansin akong pamilyar na mga tao. "Go Chloe" pabulong na sabi nila Kate at Arianne habang sumesenyas senyas pa. Tumingin ako sa likod nila at napataas ako ng isang kilay ng makita sila Sky na seryoso lang silang nakatingin saakin, ano nanaman bang ginawa ko sa mga lalaking toh?! Gulat nalang akong napatingin kay Dave ng bigla nalang niya akong titigan with his serious dark aura. Tinuro niya ang mga mata niya sabay turo saakin, sabay ngisi, Luh, tinopak ka ghorl? inirapan ko nalang siya at niyugyug ng kaonti ang mga kamay para mawala ng nerbiyos. Time went fast, sa sobrang bilis hindi ko na namalayan na kami na ang susunod. The next thing I knew nagdadasal na kaming English Team and we are doing things to get us ready. "Next contestants please go to the broadcasting area, prepare for broadcast" anunsyo ng facilitator kaya nag-ayos na kami at pumasok na sa broadcasting area. Nag-umpisa narin ang 5 minute broadcast, good thing the delivery went smoothly and also we delivered it clear and understandable, the reporters and commercials are delivered clearly kaya nabawasan ang kaba ko. " you've just heard today's top stories, I am Sedrict Lee" pang radiong sabi ni Sedrict. "and I am Chloe Garcia" pagpapakilala ko, in a radio voice. "Tune in again tomorrow in another edition of" "The Frontline" sabay na sabi namin ni Sedrict at agad naming inoff ang mic para hindi mag echo. "5 minutes" we are so happy ng lumabas kami ng room, pagkarating namin sa table namin, nag congratulate kami sa isa't isa not because we won already but because we did our best and delivered it clearly. We did some group hugs and dramas when we decided to go to Ma'am Louise and get our phones. Pagkalabas namin, nahanap na namin siya sa mga upuan sa labas at halatang hinihintay talaga kami. "Congrats mga anak!" nagagalak na bati niya ng matapos kaming mag-group hug. "Yiee Ma'am keleg ako" pambobola ni Yan-yan (Jilliane)  kay Ma'am kaya napatawa kami ng konti. "Ma'am pwede mamasyal?" excited na tanong ni Lucas kay Ma'am Louise, tumango naman siya na naging dahilan ng saya namin. "Actually you can go na nga ih pero may kaunting announcements mamaya kaya hindi pa, don't worry malapit naman ng matapos" pagpapaliwanag niya kaya tumango nalang kami. Bumalik rin kami agad sa loob dahil nag-ayos pa kami ng mga ginamit namin, pagkatapos naming mag-ayos, umupo muna kami sa mga plastic chair. Muntik na akong mahulog sa upuan ng biglang tumunog yung phone ko habang paupo na ako. Ulol! kagandang timing! mabuti nalang at busy yung iba kaya hindi nila ako nakita. Umayos kaagad ako ng upo at binuksan ang phone para makita kung sinong pisti ang nagtext saakin. --------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD