"I have to go to this government hospital, Gilliane." panimula nito. "Gusto mo bang sumama o mas gusto mong manood ng sine muna kahit na mag-isa ka lang? Is that okay with you?" "Ano muna ang nangyari? Who's this 'Kier' who called you?" "Pinsan ko. Nakababatang kapatid ni Celine. He's been shot and bleeding." Kaagad napatayo si Gilliane. "Then why are you still sitting there? Halika na." Bakit hindi nagkukumahog ang binata sa pagpunta sa pinsan nito? Hindi na rin nakapagsalita pa si Sebastian. Mabilis itong naglagay ng pera sa table bilang bayad sa kinain nila at hinila na rin siya paalis. "Nasa ospital ang pinsan mo? Is he okay?'' wika ni Gilliane, matamang nag-iisip. Hindi alam kung tana ba ang tanong niya dahil halatang hindi mapalagay si Sebastian simula ng matanggap ang tawag ga

