"Gi, makinig ka sa akin. Stay away from Dr. Sebastian. He's not good for you. Alam mo naman ang mga sinasabi ng mga nurses dito tungkol sa kanya,'di ba?" Hindi nabura ang ngiti ni Gilliane sa sinabi ng best friend na si Phoebe. Bakas ang pag-aalala sa ekspresyon ng mukha ng kaibigan ngunit sa kanyang opinyon ay wala namang dapat ipag-alala. Masyado lang nag-iisip ang matalik na kaibigan. Alam niyang nag-aalala lamang ito sa kanya pero wala naman siyang naiisip na dahilan para katakutan o layuan si Sebastian. Nasa grocery store na malapit sa condominium building sila nang araw na iyon. Dahil madalas na makikain si Sebastian sa unit niya, mabilis ding maubos ang kanyang stock. Hindi na muna sana maggo-grocery si Phoebe ngunit natiyempuhan niya ang kaibigan nang pa-alis na ito patungo sa g

