"Sigurado ka ba na kaya mong maalis lahat?" Tinanguan ni Sebastian si Dylan habang hindi inaalis ang tingin sa ilang scans na nasa kanilang harap. Hindi siya na-offend sa pag-aalinlangan sa tinig ng kanyang kapatid. Alam niyang ganap ang tiwala nito sa kanyang kakayahan. Hindi lang mapigilan ni Dylan ang sarili dahil na rin sa sobrang pag-aalala nito sa scan ng pasyente. Sa opinyon ni Sebastian, masyadong emotionally involved ang kanyang kapatid pagdating sa mga pasyente nito. Dylan formed a special bond with his pediatric patients. Hindi ito kagaya ng ibang doctor na kapag pasyente ay nananatiling hanggang pasyente lang at walang emotional attachment. Dylan is differen. He treats his every pediatric patients as his own child. He's too attached to her patients. Noon pa man kasi talaga ay

