Dance With Me

2526 Words
Ilang sandali pa ay unti-unti ring nawala ang pagkaka-ilang na nararamdaman ni Gilliane sa paligid. Naging kumportable din siya sa mga taong naroon at maingay na musika na nagsusumiksik sa tainga niya.  Nasanay na rin ang kanyang mga tainga sa maingay at maharot na musika na papalit. Mas naaliw na rin siya sa paligid. Kahit na paminsan ay nababangga siya ng kung sino ay balewala na sa kanya iyon. She saw some of the guys and ladies flirt with each other. Nangingiti na lamang siya habang nakatingin sa mga ito habang hindi namamalayan kung ilang shot ng margarita na ang kanyang nainom. Hindi pa man nauubos ang kanyang inumin na hindi niya maalala kung pang-ilang order na ay may ilang lalaki na rin ang lumapit sa kanya upang makipagkilala.  May ilan pa na nag-offer ng libreng inumin, o niyayaya siyang sumayaw pero tinanggihan naman niya. Nakailang lapit din sa kanya ang waiter para mag-abot ng piraso ng papel na may mga nakasulat na numero pero hinayaan lamang niya iyon sa mesa. She even ignore the hot dyed man who asks for her cell phone number. Hindi niya nagustuhan ang paraan ng mga pagtingin ng mga ito kaya hindi niya pinansin ang alinman sa mga lalaking ito. She can see lust and s3x in their eyes. Medyo nalaswaan at nabastusan siya sa paraan ng paghagod ng mga mata ng ilan sa kanyang kabuuan. Tila hinuhubaran siya sa paraan ng pagtitig ng mga ito. Hindi rin siya natuwa sa palipad-hangin at hirit ng ilan. Naaliw siya kahit na papaano sa ilang gasgas na linya na inakala ng ilan na naideliver sa suwabeng paraan.  She had a little fun rating every man who came to talk to her to start a flirty conversation. Sinubukan niya ring kumalma kahit ang isang lalaki ay humawak pa sa kamay niya ng walang paalam. But she handled it. Hindi naman nagpumilit pa ang lalaki at nilubayan siya. Naaliw si Gilliane sa panonood sa mga tao sa kanyang paligid. Habang umo-order ng panibagong margarita ay naitanong ni Gilliane sa sarili kung tumingin ba siya sa ibang lalaki at totoong humanga habang nasa labas sila ni Stefan noon. Or was she focused solely on him. Dahil nakatanim sa isipan niya na wala ng ibang lalaki para sa kanya? Stefan was the one.  Only him. "Yeah. Only him. " But I need to erase him from my life.  I need to start again.  I need to learn from everything.  I want to forget him.  I wanted to hate him for the rest of my life for leaving me.  He's a waste.  He waste my love, my time and my loyalty to him.  I hate him!" Gusto niya iyong isigaw pero sa halip ay idinaan na lamang sa pag-inom ng alak na kapit niya. Pilit na iwinaksi ang lalaki sa isipan niya. Tila kumukulo ang dugo niya dahil sa bumalik na alaala. Mabilis niyang naubos ang kanyang inumin.  Akmang bibigyan ulit siya ng bartender ng panibagong round ng margarita ngunit maagap siyang tumanggi. Bahagya na rin kasing nanginginig na rin ang tuhod niya dahil sa di mabilang na inorder niya. Pero sa halip na itigil na ang pag-inom ay humingi siya ng isang shot ng tequila dito. Nakakadalawang shot na siya nang maramdaman niyang may nakaupo sa kabilang stool. Ramdam niya na tila tumitingin ito sa gawi niya.  It looks like whoever it is, he or she is confirming something. Kung ano man iyon ay wala na siyang pakialam. At malas lamang kung isa ito sa mga bastos na lalaking lumapit sa kanya kanina dahil baka patulan na niya iyon at lumabas ang pagka demonyita niya. Tuluyan na siyang nainis. Hindi na sana niya pag-aaksayahan ng panahong lingunin ang kung sino mang nasa tabi niyang upuan pero pakiramdam niya ay may humihila sa mata niyang tingnan ito.  Bago pa dumapo ang mga mata niya sa katabi ay nakatingin at nakangiti na sa kanya ang lalaki. Ikinurap-kurap niya ang mga mata upang siguraduhing totoo ang kanyang nakikita at hindi lang dulot ng alak na nainom niya. Na hindi siya lasing lamang kaya nakikita niya ito. "Hey, Jilted Bride. It's nice seeing you again. Looks like we really are somehow destined to meet." Napangiti siya. "Gorg!" masaya niyang bulalas. Sa kanyang palagay ay naapektuhan na siya ng kanina pa niyang iniinom ng mga alak. Hindi na rin niya inintindi pa ang mga sinabi ng lalaki. Nagsalubong ang mga kilay ng lalaking nakilala niya sa bar noong isang gabi. Hindi pa rin pala ito nagshe-shave, ang lalaki, ngunit hindi nabawasan ang kakisigan nito bagkus ay lalo pa iyong tumingkad at nadagdagan. He looked better than the last time she saw him. "Gorg? I think you've confused me with someone else. Sa pagkakaalala ko, hindi ko binanggit sa iyo ang pangalan ko, dahil nga tinanggihan mo. And my name is far to 'Gorg'. So, I think you are mistaken." ang sabi ng lalaki. "Oh, no. Gorg as in gorgeous, man, good to hear, right?" nakangiting pagpapaliwanang ni Gilliane sa lalaki. May epekto na talaga ang alak sa kanyang sistema.  Mas madulas na ang kanyang dila at kung anu-ano na ang lumalabas doon. "Because you really look gorgeous and handsome to my eyes." Wala na siyang pakialam kung naging redundant na ang pagkakasabi niya o kung ano pa man. She's happy to see him again. The guy who make her smile again naturally. "Ahhh! Not bad. Not bad at all. Very apt, sweetheart." Humingi ng maiinom ang lalaki sa bartender bago itinuon sa kanya ang buong pansin nito. Makikita sa mga mata nito ang pagsamba at paghanga.  "May I ask what are you doing here? Like, in this kind of place? I never seen it in you, that you will also go to noisy crouded places like this?" Maging siya ay nahihiwagaan na sa sarili. Aware naman siya na maingay ang paligid at halos hindi dapat sila magkakaintindihan o magkakarinigan. Pero tila ang boses lamang ni 'Gorg' ang naririnig niya. Nabalewala ang ingay ng paligid at nakakabasag tengang tugtog ng dj. "Stalking you?" pagbibiro niya. "What are the odds?" Ang huling binitawan niyang salita ay para sa kanyang sarili. Halos hindi napagkit ang mukha ng lalaking ito sa kanyang isipan pagkatapos nilang magkakilala. Napapangiti siya sa tuwing sumasagi sa kanyang isip ang maganda nitong ngiti.  Ngunit kaagad din niyang sinupil ang kakaibang nadarama. Sinabi niya sa sarili na hindi na muli pang magsasalubong kanilang mga landas. Ayaw na muna niyang magkaroon ng kaugnayan sa isang lalaki na nasisigurong hindi niya magiging kaibigan. Hindi pa siya handang isipin man lang ang posibilidad ng romantikong relasyon na pwedeng maganap sa kanila sa ngayon. She is stil not ready. Her heart is still healing from a fresh heartbreak. "Yeah, what are the odds?" anito habang hindi siya nilulubayan ng tingin. May kung ano sa mga titig na iyon na hindi niya masabi. There's a hidden fire in those gorgeous and manly eyes.  Ilang sandali na pinagmasdan ni Gilliane ang maamong mukha ng lalaki. Tinitigan niya ang bawat sulok ng mukha nito, pinag-aralang mabuti ang kada detalye. She wanted to remember this handsome man's face. His nose is perfect for a guy like him, his lips is like a magnet that pulling her to grab and kiss him. At tila kahit sino mang babae ang mapapatitig sa mala-Diyos ang kapogian na cleft chin nito ay mahuhulog sa matipunong lalaki na ito. This man is a perfect creation of God. Bahagyang gumalaw ang kanyang labi sa mga tumatakbo sa isipan.  But how on earth is he also in this place? How do they end up meeting again? Why she can't help herself but stare him? What are the odds? Fate. Destiny. She believe in those.  Kung siya pa rin marahil ang dating Gilliane at hindi ang Gilliane na iniwan sa altar, at ipinagpalit, baka iisipin niyang tadhana nga ang naglalapit sa kanilang dalawa para magtagpo ulit.  The truth is, hindi niya pinuntahan ang dance club na nakita niya sa Internet. Nagbago ang kanyang isipan pagsakay niya sa taxi. Bumaba siya sa unang dance club na nadaanan ng kanyang taxi dahil nakina niya habang nakamasid sa bintana ang mailaw na pangalan ng bar sa tuktok ng isang building.  Kung hindi niya iniba ang kanyang plano, magkikita pa rin ba sila ng lalaking ito? Nandoon rin kaya ang lalaki sa bar na 'yon kung saan dapat ay pupuntahan niya? Would destiny make a way for her to see him again?  O baka naman hindi sila nagkita ngayon. Na uuwi siyang lasing at umiiyak dahil naalala na naman niya si Stefan at hindi na naman ito maalis sa utak niya. That's impossible. Baka pinaglalaruan lamang siya ng tadhana. Baka trip lamang siyang biruin ng tadhana at iniisip na bibigay siya agad o magpapadala. But she won't. Hindi puwede. Not for this man. Ayaw niyang pakaisipin na baka committed ito o baka naman ay kasal na at may mga anak. Or even this man is getting married at siya ang sisira ng lahat ng planado na. She's not a home wrecker or a b***h to start with. No. No. No. It can't be happening. Napailing si Gilliane Isang malaking coincidence lang ang lahat. Walang kinalaman ang fate o destiny dito. Those were just for romatics. For fools. Nawala na ang romantikong Gilliane nang matanggap niya ang katotohanan na hindi na magbabalik sa kanya si Stefan. "This is crazy." she muttered. "This is not happening... No, this can't be... "True, this is really crazy... I can't believe it too." pagsang-ayon ng lalaki sa kanyang sinabi habang iniinom ang hawak nitong beer. "But, it's happening so... I guess we just need to ride in this roller coaster weird set of meet up." Hindi niya maintindihan kung paano iyon umabot sa pandinig nito. Lung paano nito narinig ang sinabi niya gayon mang hininaan naman niya iyon para sadyang di marinig ng lalaki. Hinagod naman ng mga mata ng lalaki ang kanyang kabuuan. Kaagad kumislap ang paghanga ng mga mata nito habang titig na titig sa kanya. She saw hunger and longing in those eyes. He wanted her. It's crazy but he can see in his eyes that he wants to kiss her. Mas lumawak at mas tumamis ang ngiti sa mga labi ni Gilliane. Pinagpingki nila ang mga baso ng ilapag ng bartender ang ikatlong order niyang tequila habang beer naman ang hawak nito. "Wala ka na namang kasama?" tanong niya sa lalaki matapos ilapag ng pataob ang walang laman na shot glass. Nagkibit ng balikat ang lalaki saka bahagyang ngumiti. "Ikaw ang kasama ko. 'wanna dance with me?" Sa halip na sumagot ay bumaba sa stool si Gilliane at nagpatinuna na patungo sa dance floor. Namangha pa siya na hindi man lamang siya gumiwang. Tuwid ang kanyang lakad kahit ramdam niya na medyo nangangatog na ang kanyang tuhod dahil sa ininom na tequila. Tuwid din ang kanyang pag-iisip ngunit waring wala siyang gaanong kontrol sa kanyang katawan. Ramdam ni Gilliane ang pagsunod sa kanya ng lalaki. Nararamdaman din niya ang init ng mga mata nito habang nakamasid sa kanya. Pero sa halip na mailang ay mas nilagyan niya ng imbay ang bawat galaw ng kanyang balakang, ikinokondisyon na rin niya ang katawan sa gagawing pagsayaw. Pumihit siya pagdating sa crowded na dance floor. Nakangiti sa kanya ang lalaki. The music had an upbeat tempo. Itinaas ni Gilliane ang mga kamay at sinimulan ang pag-indak. Her friends told her she could really dance. Natural ang kalambutan ng kanyang katawan. If Stefan wanted to ran if he was still or sore because he spent so much time in the OR, Gilliane danced. Ilang sandali na hindi gumalaw ang lalaki sa kinatatayuan. Pinagmasdan lamang nito ang kanyang bawat galaw habang aliw na aliw na sumasayaw sa saliw ng tugtog. She liked how the hunger in those eyes intensified. Kapagkuwan ay mas nilapitan siya nito at nagsimula na ring sumayaw. Lumapad ang pagkakangiti sa mga labi ng lalaki ng makita ang bahagyang pamimilog ng kanyang mga mata. Hindi lamang siya namangha, humanga na rin siya habang sumasayaw din ito sa harapan niya. She felt like her heart even skipped a beat. The man could really dance. Natural din ang kalambutan ng katawan nito. Hindi trying hard o awkward kagaya ng karamihan sa mga lalaking naroroon. Nakahuma rin si Gilliane pagkalipas ng ilang sandali. Ibinalik niya ang masiglang ngiti sa mga labi at hindi nagpadaig sa dance floor. Her body knows how to move in a sexy way. In a hot way that any man can't stop but look how she dance. Their bodies didn't touch but she could still feel his warm. She can't believe that the guy can handle his emotion and still manage to dance while they only inch apart. Hindi sigurado ni Gilliane kung paano nito napapagtagumpayan ang bagay na iyon sa siksikang dance floor ngunit nagawa nito. She teased him with her sexy moves. He teased her back with his sexier dance moves. Gilliane was having so much fun. Hindi niya gaanong maipaliwanag ang nararamdaman pero alam niyang masaya at nag-eenjoy siyang kasama ito. Kahit na ba ang pakiramdam niya habang nakatingin sa mga mata ng lalaki. Wala na nga siyang pakialam kung nasaan sila. Wala na rin siyang pakialam kung ano ang mga maaaring mangyari mamaya. They danced until they had enough. Nagbalik sila sa bar at kumuha ng maiinom. Bottled water na lang ang hiningi ni Gilliane dahil talagang nauuhaw siya. "Ohh... That was really fun," nakangiting sabi niya pagkatapos niya inumin ang hawak na bote ng mineral water. Medyo hiningal pa siya ng kaunti. "Yeah. 'You ready now to tell me your name?" Hindi niya nahimigan ang pamimilit sa boses ng lalaki. Kaswal lang ang pagkakasabi nito, walang pressure. Tila hindi nito alintana kahit na hindi nila malaman ang pangalan ng isa't-isa. Ilang sandali munang nag-isip si Gilliane bago sumagot. "Importante ba ang pangalan ko sa 'yo, Gorg?" Umiling ang lalaki. "Hmmm... I guess not. 'Gorg' will do. I actually like it. Lalo na at ikaw pa lang ang tumatawag sa akin ng pangalang 'yan." Nagtama ang mga mata nila habang kapwa natatawa sa mga sarili nila. Nauna nang bumawi ng tingin si Gilliane dahil hindi niya kayang salubungin ng init ng pagtitig sa kanya ni 'Gorg'. Baka kapag sinalubong niya iyon ay hindi niya kayanin. Baka tuluyan siyang bumigay ay tuluyang maibigay niya dito ang pangalan niya pati lugar kung saan siya nakatira. She's afraid what would happen if she allows 'Gorg' to know more about her.  To let him in. Nang makapagpahinga ay muli silang nagbalik sa dance floor. Lahat ng enerhiya ni Gilliane sa katawan ay inilaan niya sa pagsasayaw. Gorg didn't touch her, ngunit sapat na ang mainit na hagod ng mga mata nito sa kanya upang pag-initin ang kanyang katawan. She felt like he was already making love to her. Gilliane laughed heartily. She let herself be free. She could do all she wanted to do. She was free. She's starting to forget him, she's starting to forget Stefan because of 'Gorg's' presence. This 'Gorg' handsome man helped her to enjoy and forget the pain that her ex gave her. She's starting to like 'Gorg.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD