Dressed To Party

2345 Words
"Hey, Gi. Are you going out or something? You look... Gorgeous." Nilingon ni Gilliane si Phoebe na kunot ang noo at nagmamasid sa kanyang bawat galaw sa loob ng silid. Parang kanina pa ata ito nakasunod sa kanya dahil tuwing nililingon niya ito ay nakatingin ang kaibigan niya sa mga kilos niya, tila nagtataka kung ano ang ginagawa niya. "Ahm... Yep. I saw this place when I was browsing last night. I think this place is amazing. I want to check it out." Pinagmasdan niyang muli ang kanyang mukha sa salamin at dahan-dahang nagspray ng kanyang cologne bago inabot ang makinang na purse niya na nasa ibabaw ng kama. "What place? What kind of place at saan 'yan? I can go with you. Wala naman na akong gagawin, natapos ko na 'yong pinapaayos sa akin ni Doctor Samaniego. I'll join you, mag-aayos lang din muna ako." Akma na itong tatalikod ng itinaas ni Gilliane ang kaliwang kamay. Inilingan ni Gilliane ang kaibigan. "I know you're tired, Phoebe. Halos sampung oras kang nakatayo sa araw na ito. Kailangan mong magpahinga." Nilingon niya ang kaibigan.  "Come on, I'll be fine, Phoebe. Hindi mo kailangang mag-alala. I'm a big girl remember?" Pabiro pang sabi niya sa matalik na kaibigan. Si Phoebe naman ay nakakunot ang noo habang tinitingnan siya upang suriin. Pinagmasdan ni Phoebe ang kanyang kabuuan, tila nag-iisip kung pababayaan bang umalis ang kaibigan o maniniwala sa sinasabi niya na 'kaya na niya ang sarili.' Hindi mabura ang pag-aalala sa ekspresyon ng mukha nito. "Hindi ko maiwasang mag-alala, Gilliane. Saan ka ba talaga pupunta? Anong klasing place ba 'yang sinasabi mo? Bakit ganyan ang suot mo? Saka anong oras na oh?" Tumingin pa ito sa relong pambisig. "I saw this dance club in the Internet. Maganda ang reviews. I want to check it out." Ayaw na niyang magkulong sa unit ng kaibigan kaya naghanap siya ng maaaring puntahan ngayon gabi. "Hey, that place is safe. Syempre nagbasa basa muna ako ng reviews tungkol sa lugar. Saka marami namang bouncers and nagkalat na security ayon sa nabasa ko. So it's totally safe, you don't have to worry about me." "I don't think this is a good idea, Gilliane. You never do these kinds of things before, a dance club? Hindi lajat ng dance club ay safe, lalo na kung ang dance club na iyan ay dito sa Pilipinas. Phillipines is way different. Magulo."  "You really want to go there? Why?" Kitang-kita niya ang pagtataka nito sa mga mata. "This is not Hamburg anymore Gi, dance clubs in Germany are way far different in some dance clubs here. And it's too dangerous. I don't think I can let you go there alone. Wait for me, okay? I'll go out with you." Banayad siyang natawa sa tinuran ng kaibigan. "Look, I'm not going to pick a guy and sleep with him, Okay? Don't worry too much about me Phoebe, I can handle this. Trust me." Pinasadahan naman siya ulit ng tingin ng kaibigan. "Sa suot mong 'yan? Malamang na putaktihin ka ng mga samo't saring lalaki sa pupuntahan mong club. I don't think it's safe." Muli siyang natawa. Suot niya ang isang silver minidress na sadyang maluwang tingnan ngunit napapalabas niyon ang hubog ng kanyang sexy'ng katawan. She was tall and slim. But not the runway model type of tall and slim. May laman naman siya kahit papaano. Mataas ang neckline ng minidress ngunit masyado namang maluwang sa bandang kilikili, masisilip ang bahagi ng kanyang dibdib. Masasabi ng kahit sino na wala siyang suot na bra. She also had killer legs na mas naging kaakit-akit sa suot niyang high heels. Gilliane was dressed to party. "I'll be okay. Trust me."  "I need to go, don't worry, I'll be home before sunrise." Nilapitan pa niya ang tulalang kaibigan bago hinalikan sa pisngi. "Siguraduhin mong uuwi ka. And please, mag-iingat ka, Gi. You know I trust you, but not those men in that dance club. Huwag mong mamaliitin ang club dito sa Manila kaysa sa Hamburg. People or let's say men here are crazy aggresive." Nginitian niya ito bilang sagot. Hindi naman niya intensiyon na mang-akit ng lalaki. Nabatid niya na nais lang niyang maging kaakit-akit. Nais niyang kahit sa gabing iyon lamang ay maramdaman na maganda pa rin siya at may mapapalingon sa kanya.  Mula nang iwanan siya ni Stefan, bumaba ng husto ang kanyang self-worth at self- confidence. Hindi marahil sa ganitong paraan ang tamang daan upang maibalik sa kanya ang mga nawala, ngunit isang bahagi na rin sa nais niyang mangyari sa gabing 'yon ay ang magsaya. Nais niyang gawin ang mga bagay na hindi niya nagagawa noon habang baliw na baliw siya kay Stefan. "And, Gi, you know that I'm not against clubbing and picking up guys, you know that. Pero masyado kang vulnerable at hindi pa gaanong tuwid ang pag-iisip mo. All I'm saying is, I'm worried about you and what could happen to you when you go there. Ayoko lang naman na makagawa ka ng mga bagay na pagsisisihan mo lang pagdating ng umaga." "Please, stay away from naughty guys, okay?" Bumuntong-hininga ang kanyang kaibigan. Makikita sa mukha nito na tutol talaga ito sa paglabas-labas niya pero wala naman itong magagawa. Alam niyang gusto din siya nitong magliwaliw at makalimot kahit papaano. "Gi, you're not made for one-night stands." Muling paalala nito. "I know. I said don't worry too much okay? I'll be fine. Wala akong gagawin na alam kong pagsisisihan ko sa bandang huli. Saka I can promise you, lalayo ako sa tukso ng mga lalaking s3x lang ang hanap ng katawan." "Gusto ko lang talagang subukan ang ganitong uri ng entertainment. I'm kind of bored. I want to try something new." Totoo rin ang kanyang huling sinabi. Sawa na siyang manatili sa isang tabi at magmukmok ng magdamag. Sawa na siyang mag-isip habang umiiyak. Idagdag pang hindi siya sanay na walang pinagkakaabalahan. Baka kapag nagpatuloy iyon ay baka sa mental hospital na siya dalawin ng kaibigan. Sinanay siya ng lola at mga magulang niya na nagtatrabaho tuwing summer. Kahit naman maituturing na mariwasa ang kanilang pamumuhay sa pamantayan ng isang ordinaryong tao, hindi siya tinuruang maging tamad ng kanyang pamilya. Sanay siya sa iba't-ibang gawain na hindi aakalain ng hindi nakakakilala sa kanya na kaya niya palang gawin.  Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga si Phoebe bago siya ulit nito harapin. "I know you're bored. Tell you what, bukas ay pwede akong mag-halfday at ilalabas kita bukas. Tayong dalawa lang, hindi kasama si Jerome, we'll enjoy our girl's night out." Gusto talaga siyang pigilan nitong lumabas ng mag-isa at magpunta ng bar o dance club na walang kasama. Lalo na at bago pa sa kanya ang Manila. Umiling si Gilliane."Okay, let's do that tomorrow," aniya. Ngumiti. "Pero lalabas pa rin ako ngayong gabi, okay?" Akmang magpo-protesta na si Phoebe ngunit inunahan na niya ang kaibigan.  "Hep!" Nagbigay siya ng napakatamis na ngiti sa kaibigan. "Nakabihis na ako, Phoebe, at nakaayos. Lalabas ako ngayong gabi. Mag-isa. Don't worry, okay? I'm not a teenage girl anymore. I know what I'm doing." Hindi na niya mabilang kung makailang beses na niyang sinabi na huwag itong mag-alala. Nakangiting lumabas na siya sa silid. "Gi... " Tawag nito sa kanya. "Please, don't self-destruct." Natigil bahagya si Gilliane sa pag-abot sana ng knob ng pinto palabas ng unit at nilingon si Phoebe. Nagulat siya sa narinig sa kaibigan.  "I'm not," wika niya kapagkuwan. "I just want to go out and have fun, that's all. Trust me, Phoebe. I'm tougher than you think. Just trust me, okay? Promise, I'll be fine." "And swear, no more guys."  Tumango ang kaibigan. Nakikita niyang pinagsusumikapan nitong palisin ang nadaramang pag-aalala. Bago pa siya humakbang ay nagpahabol pa siya sa kaibigan. "Malay mo, sa bar ko pala mahahanap ang lalaking sinasabi ni Stefan na nakatadhana para sa akin," pagbibiro pa niyang sabi at kinindatan ang kaibigang nakangiwi dahil sa sinabi niya. Napangiti rin naman si Phoebe sa huli. "You can't find true love and Mr. Right in a bar, Gilliane. Only assholes and divkheads who wants to fuvck any girls they bumped into while dancing. Who told you that? It's just happening in a movies or romance novels. Reality is different." "Malay mo nga 'di ba? Ikaw talaga. Saka ang sabi nila, matatagpuan mo ang pag-ibig sa mga lugar at tao na hindi mo inaasahan. 'Gotta go." Pagkasabi niyon ay kumindat pa ito bago tuluyan siyang lumabas ng pintuan.  Syempre ay hindi niya pinaniniwalaan ang kanyang mga sinabi. Hindi niya sigurado kung muli pa siyang iibig. Kung maiinlove pa ba siya sa ibang lalaki. Hindi niya sigurado kung kaya pa ba niyang ibigay sa ibang lalaki ang pagmamahal na ibinigay niya kay Stefan. Lalong hindi niya din alam kung paano mahihigitan lahat ng ginawa niya para dito, lahat ng sakripisyo, efforts at ang pagmamahal na ibinigay niya sa kanyang dating nobyo. Ang dating nobyo niyang sa kabila ng lahat ng ginawa niya para dito ay iiwanan siya sa huli. Hindi lamang iyon. Sa mismong kasal at sa harap pa ng maraming tao ito tumalikod para sabihing, 'Sorry'. Habang lulan ng taxi ay tila maiiyak na naman siya. Tila namamasa na naman ang gilid ng kanyang mga mata. Kung bakit ba sumagi na naman sa isip niya si Stefan. Kung bakit bumalik na naman lahat ng ala-ala nito. Lahat ng sakit at sugat na hinding hindi niya makakalimutan. She hates Stefan so much because of what he did. Hindi niya alam kung kakayanin pa niyang harapin muli ang dating kasintahan o makita uli. Napakalalim ng sugat na idinulot ni Stefan sa pagkatao niya, sa pamilya niya. At hindi pa siya handang harapin ang dating nobyo. Hindi niya pa ito kayang makita.  All she needs for now is a drink. A drink that can ease the pain. Gusto niyang uminom ng alak para mamanhid ang katawan niya. Ang puso niya. Gusto na niyang kalimutan ang lahat ng sakit.  Kasama na doon ang lalaking nagdulot noon. Nang huminto ang taxi sa lugar na pakay niya ay mabilis niyang pinunasan ang luhang di niya namalayang pumatak na pala. Agad na nagbayad at bago bumaba ay inayos ang sarili.  She needs to compose herself.  She needs to be strong and she needs to be happy. Andito siya para magsaya at hindi ang lunurin na naman ang sarili sa luha. Mabilis niyang tinungo ang concierge ng building para itanong ang palapag ng sikat na dance floor na pakay niya. Mas maingay ang bar na pinuntahan ni Gilliane nang gabing iyon. Sa sobrang lakas ng musika ay halos hindi posible ang mag-usap habang nasa loob ka niyon. Marami ring tao kagaya ng nabasa niya sa social media app kung saan niya ito nakita. Marami na rin ang tao pagpasok niya ng dance club ng mga oras na 'yon. Hindi na naman ito nakakapagtaka dahil Biyernes ng gabi at gabi ng mga gustong magliwaliw uminom kasama ang barkada. Paglingon niya sa dance floor ay nagsisiksikan na ang mga taong sumasayaw sa tugtog ng dj. Walang pakialam amg mga tao doon habang kanya-kanya ng paraan ng pagsayaw sa saliw ng rock dance music. Mabuti na lamang at nakahanap pa rin naman siya ng bakanteng upuan sa may sulok ng bar. Nag-iisa na lamang ito kaya agad niya itong tinungo ng mapansin. Kaagad naman siyang um-order ng margarita saka nagmasid sa mga nasa paligid niya na abala sa kanya-kanyang kasama habang sumasayaw at umiinom. "Hi, Are you alone?"  Halos hindi niya narinig ng maayos ang sinabi ng isang matangkad na lalaki na nakatayo sa table niya. Napatingin lamang siya dito dahil humarang ito sa kanyang pagmamasid sa mga taong sumasayaw. "What?" Pasigaw niya ring sagot dito. Bahagya namang lumapit ang lalaki sa may gilid niya para magkarinigan sila. Dito niya napansin ang maraming tattoo sa katawan nito at ang hikaw sa may kanang ilong nito. This guy looks like a member of a band or something. "I said, are you alone, Miss? You can join our table if you want." Itinuro pa nito ang nasa bandang kaliwang table na may mga nakaupong lima pang lalaki at babae. "Uhm, no. Actually I'm waiting for someone. I'm good here, thank you."  Nababasa niya sa mukha ng lalaki ang pagkadismaya. Akala siguro nito ay basta basta na lamang siyang sasama at lilipat sa table ng mga ito. Mas gusto niyang mapag-isa. Wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid. She lied. Wala naman talaga siyang inaantay. Ayaw niya lang talagang may kumakausap o nagbabalak na yayain siya. "Okay, then. If ever you change your mind, you can go in our table for drinks."  "Okay, thanks." Agad din namang umalis ang lalaki at hindi na siya kinulit pa. Naagaw din ng pansin niya na nagsigawan ang table na tinungo nito. Alam niyang baka pinagpupustahan o kaya naman ay naglalaro ang mga ito ng truth or dare. She don't mind. Ibinaling na lamang niya ang atensiyon sa alak at ininom iyon.  Habang pinapanood niya ang mga tao sa paligid ay naaaliw din naman siya kahit papaano. Everyone was happy while having fun with their friends, partners or office workmates. Ilang sandali siyang nailang at pakiramdam niya ay out of place siya dahil na rin sa pakiramdam niya ay siya lamang ang walang grupong kasama o kaibigan.  Hindi niya sigurado kung paano aakto. Of course she had been to a dance club before. Kasama niya nga lang lagi si Stefan at ilang mga kaibigan. They were always in a group. Hindi nga lang madalas mangyari iyon dahil mula ng pumasok si Stefan sa med school ay mas nais guguling ng dati niyang nobyo ang mga libreng oras sa tahimik na environment. He slept most of the time. Ayaw din naman ni Stefan na lumabas siya ng mag-isa lalo na kung bar ang pupuntahan. Lagi nitong sinasabi na wala itong tiwala sa mga banyaga. Ipinilig niya ang ulo para maalis sa isipan si Stefan. Kaya siya lumabas ay para makalimot at malibang. Hindi ang mag emote at umiyak habang iniisip ang gag* niyang dating kasintahan. Inisang inom niya ang hawak na margarita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD