Lumawak ang ngiti sa labi ni Gilliane. "Ayoko namang sabihin mo na harsh ako. Or I'm a rude and a most heartless girl you've met so..."
"Nice meeting you, Stranger." Hindi siya magsisinungaling. It had been nice meeting someone like him.
Like a guy like him that make her smile again and forget her nightmare. Tila gumaan kahit paano ang mabigat niyang pakiramdam at nabaling sa iba ang kanyang atensiyon. Hindi rin niya sigurado kung madadama niya iyon sa sinumang lalaki o sadyang espesyal lang ang lalaking ito. Na tanging ito lamang ang nakagawa niyon sa kanya ulit, ang mapangiti siya sa mababaw na dahilan.
Ang muling nakapagpangiti sa kanya at nakapagpalabas ng isang normal na tawa. Tawa na hindi kinunwari.
"Same here. And don't worry. I won't forget meeting charming girl like you. A beautiful girl who rejects going out with me. That's not a first but, it's the most unforgettable experience for me." Nagsasayaw ang mga mata nito sa kaaliwan na napalitan ng mahinang halakhak.
"But as I told you, hindi ka magsisisi. You can always change your mind and ask me to b---"
"No, no, no. Still no, not tonight Mr..." tila napa-isip siya ng putulin ang pagsasalita ng lalaking kaharap na nakangiti pa din.
"Anyway, I'm S---"
"No name!" Napalakas na sabi niya kasabay ng paghalakhak niya. This guy is really amusing. Tila hindi talaga ito susuko hanggat hindi siya napapapayag nito.
Sa halip naman na mainis ay napangiti siya lalo sa kakulitan nito. Gustong-gusto talaga nitong ipakilala ang sarili at sabihin sa kanya kung ano ang pangalan. Talagang hindi yata ito madaling pasukuin.
"Some ladies change their mind time to time. You know. I know a lot of ladies like that."
"Yeah. Some. It's some ladies. But my answer is still no, I'm way too different from ladies you are pertaining to, I don't fvk with strangers."
"Wala namang mawawala kung maghihintay ako, right? Waiting is one of my expertise so... I'll just wait then."
"I'll be waiting." Muli ay sabi nito na tila hindi iniinda ang anumang naging sagot niya dito. Mas lunapad pa ang mga ngiti nito sa labi na tila nagpapa-cute sa kanya.
"You have a lot of determination in you. You're something." Pinipigilan niyang matawa sa pagiging determinado ng lalaki. Halos mapahalakhak pa siya nang makita ang bahagyang paggalaw ng kilay nito.
"Actually, determination and cuteness that's pulling me." Tuluyan na siyang natawa sa estrangherong makulit.
"Changing your mind, already, Miss Jilted? Going out with me or not?"
"Oh, you're hurting me with your words, my heart is bleeding." pabiro niyang turan dito. Kunway hinawakan pa ang tapat ng puso na kunwari'y masakit.
Nakita naman niya ang kakaibang titig nito na tila humihingi ng paumanhin dahil sa pagtawag sa kanya ng 'Jilted' which is the truth. Oo nga naman. Iyon naman talaga ang totoo.
"Hey, I'm kidding," nginitian niya ito.
"But still my answer wouldn't change, I'll tell you again."
"Nah. I'm good." Ikinumpas pa niya ang kanang kamay na ikinailing naman sa huli ng estranghero ng makita ito.
Parehas na silang natawa sa naging palitan nila ng sagot at sabay nang ininom ang wine para maubos na.
Titig na titig si Sebastian sa sinusundang taxi kung saan lulan ang magandang babaeng nakita niya kanina sa bar. Halos sampong minuto lang ata ang layo nito sa pinanggalingan nilang bar kanina.
"Hmmm... Interesting," nakangiting bulong niya sa sarili nang makita kung saan humantong ang taxi na puti na sinasakyan ng "jilted bride" na nakilala niya sa bar ng isang malapit na kaibigan na pinuntahan niya kanina. Sinundan niya ang sinakyan nitong taxi hindi upang malaman kung saan ito nakatira o i-stalk ang babae, kung hindi ay upang siguraduhin na makakauwi ang babae ng matiwasay.
He didn't actually care, ang makailang beses niyang sabi sa sarili. Ayaw lang niyang abalahin ang sarili sa pag-iisip kung maayos bang nakauwi ang babae o hindi.
He suddenly felt concerned about this lady kahit alam naman niyang wala itong pakialam sa kanya. Kahit alam niyang tila wala siyang epekto dito na di man lang nagawang ibigay ang pangalan nito sa kanya. Sa ibang babae, kung hindi naka-pulupot agad sa kanya ay baka nadala na niya sa hotel at ipinagduldulan na sa kanya ang cell phone number, pangalan at buong address nito.
But this 'Jilted Bride' is different, different in so many ways. At 'yon siguro ang dahilan kaya tumatak ito sa kanya. Kaya pati mga ngiti nito ay hindi maalis sa isip niya sa di malamang dahilan.
Naubos pa nito kanina ang isang bote ng wine. Iginiit ng babae sa kanya na kaya nitong umuwi ng mag-isa dahil hindi naman daw siya lasing. Na hindi daw nito kailangan ang tulong niya dahil sanay naman daw siyang mag-isa. Hindi na rin naman siya nagpumilit pa na ihatid ito dahil alam naman niyang hindi siya nito ganap na pinagkakatiwalaan lalo na at kanina lamang siya nito nakilala.
Alam din niyang wala sa plano ng babae na palawigin ang kanilang pagkakakilala kaya hindi na siya nag-aksaya pa ng panahong kunin ang numero nito. Natutukso na siya kaninang kulitin ito para lamang ibigay sa kanya ang pangalan nito pero may kung anong pumigil sa kanya kaya naman hinayaan niya lamang ang babae.
Ipinilig na lamang niya ang ulo dahil sa paulit-ulit na nagreplay sa utak niyang mukha nito habang dini-decline ang mga offer niya kanina, ang nakaka-hipnotismong mga ngiti nito.
'Damn Sebastian!' Sigaw niya sa sarili.
Ipapasok na sana niya ang kanyang sasakyan sa parking area ng building ng bahagya siyang natigilan. Napag-isip-isip niya kung tama ba ang ginagawa niya.
Matamang pinagmasdan nito ang kalsada papasok ng parking area bago tuluyang ini-atras ang sasakyan niya. Bumalik siya sa bungad ng gusali at iginilid na lamang niya ang sasakyan dito.
Napailing si Sebastian habang isinasandal ang sarili sa upuan ng kanyang nakaparadang sasakyan. Iniisip niya kung saan siya matutulog sa gabing iyon. He had three residences in the city. Isang bungalow house sa isang gated community at dalawang condo units. May kalakihang unit siya sa gusaling pinasukan ng babaeng nakasama niya sa bar kanina. Pero hindi siya madalas umuuwi roon kahit na mas malapit iyon sa ospital.
"Seriously, Sebastian? What is this girl to you, huh? She even ignored you. She's not even interested in you." natatawang tanong niya sa sarili na parang baliw. Talaga bang iniisip niyang doon matulog ngayong gabi at baka sakaling magsalubong ulit ang mga landas nila ng babae? He was that interested for that jilted wife? It was first for him in a very long time at sa kagaya pa nito. Sa kagaya nito na nagpakitang hindi talaga siya interesado sa kanya.
Totoong nagkaroon siya ng hindi maipaliwanag na interes sa babae pagpasok pa lamang nito sa bar. Hindi niya maikakaila 'yon. Totoo ring nagtungo lamang siya sa bar upang sana'y kumain ng dinner at tahimik na uminom ng mag-isa. He wanted some fresh air to breath and peaceful time to think or not to think at all. The place was not his usual "hunting ground", but it's perfect for him to think and blurted out his frustrations, things that jamming his system.
Hindi niya talaga planong pumick-up ng kahit sinong babaeng matipuhan niya. Kahit pa nga siguro maganda o seksi ay wala siyang pakialam doon. Wala siyang plano na makipag-flirt ng mga oras na iyon at tanging makahinga lamang ng maayos ang nasa utak niya.
Nagbago lang talaga ang lahat para kay Sebastian nang pumasok ang babae sa loob ng bar. Hindi niya maalis-alis ang kanyang mga mata rito kahit na ano ang kanyang gawin. Pinagmasdan niya muna ito ng matagal sa malayo bago naglakas loob na lapitan ito. There was something familiar about this girl that drew him near, tila may mga magnet sa babaeng ito kaya hindi na siya nakapag protesta at tuluyang lapitan ito. Halos hindi nga niya namalayan na naglalakad at nakatayo na siya mula sa stool sa bar at palapit na sa babae na abala naman ang mata habang nakatitig sa kawalan.
There was something in her eyes. Melancholy. Something was pulling his eyes to look at her sexy lips. Parang gusto niya iyong tikman.
Hindi pa man nito sinasabi sa kanya na nasa vulnerable state ito, alam na iyon ni Sabastian. It feels like he really knew her, like they met before, like he already talked to her. That they are somehow close while they even don't know each others name and met for a first time, he think.
Nakita na niya sa mga mata, sa ekspresyon ng mukha nito. Halata ring hindi sanay ang babae sa katulad niya, she's not the type of girl na madaling mabobola at maikakama ng isang lalaki. And it amuses him.
This was not a woman he could fool around with. Alam niya sa sariling hindi ito madadala sa pambobola niya. The lady is pretty yet challenging.
Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit tila may mainit at malambot na bagay na humahaplos sa kanyang puso tuwing napapangiti at napapatawa niya ang babae sa simpleng salitang binibitawan niya. Kapag kumikislap ang mga mata nito sa kaaliwan, mas lalo itong gumaganda sa kanyang paningin, mas lalo siyang naaakit dito. The single dimple on her right cheek was so adorable and sexy, parang inaakit siyang halikan iyon. If she was just another woman, he might have pulled the lady out and kissed her right away. But no, she is different. She is weird, different, beautiful and also dangerous for him.
But there's something about that woman, Sebastian knows he doesn't see in the average woman he's flirting or going out with.
Hindi gaanong mapaniwalaan ni Sebastian ang weird feeling na kanina pa niya nararamdaman. Palagi siyang nagagandahan sa napakaraming babae, wala nga yatang pangit sa paningin niya. Parang lahat ay maganda, lahat ay hindi siya kayang tanggihan, ngunit waring iba ang babaeng iyon. Kahit na may bahagi sa kanya ang tila nataranta at nais kumaripas ng takbo palayo pero hindi niya ganap na magawa dahil sa tila magnet na humihila sa kanya palapit dito. Ayaw sumunod sa utos ang kanyang katawan. He had been contented in just watching her beautiful face. Hindi niya alintana kahit na hindi sila nag-uusap at tahimik lang na umiinom, kahit hindi nito tuluyang ibinigay sa kanya ang numero o pangalan nito.
Natatawa siya sa katotohanang wala na siyang pakialam kahit na hindi niya alam ang pangalan nito at alam niyang walang mangyayari sa kanila sa gabing iyon basta nasa tabi lamang niya ito. He was contented, and he doesn't want to leave her alone. At nang nagpaalam naman ito ay tila may kung anong pumitik sa puso niya dahilan para sundan niya ito ng palihim. Parang may humila sa mga paa niyang sundaan ito, which is very unusual. He never did did this kind of thing. He never stalk or follow ladies who isn't interest in him. But this time, he doesn't care. Ang tanging gusto lamang niya ay masundan ito para matahimik ang loob niya kapag nakauwi ito ng ligtas at walang aberya. Tila ayaw niya sa isiping baka may makipagkilala ditong ibang lalaki maliban sa kanya.
Natatawang ipinilig niya ang ulo. "God, what is wrong with me? Ano ba ang meron sa babaeng 'yon? I should leave her alone like what she wants me to do." aniya habang napapailing pa rin.
"Maraming babae diyan sa tabi Sebastian, maraming nagkakandarapa sa'yo. You can easily replace her in your mind." Panlalaban ng sarili niyang utak.
Parang hindi niya makilala ang sarili sa kasalukuyan. Parang may ibang espirito na sumanib sa katawan niya. Kung anu-ano na ang kanyang naiisip at nararamdaman. Maybe there was something in the steak he ate for dinner, or maybe dahil nalipasan siya ng gutom kanina dahil sa dami ng kanyang ginawa.
"Maybe that's the reason." Bulong niya bago kapain ang susi ng sasakyan niya.
Pinaandar na niya ang kotse. Hindi siya papasok sa gusaling iyon kung saan may unit siya para lamang mapalapit sa interesanteng babae na halata namang walang interes sa kanya, he can easily find a new girl to play with.
Siguro ay may rason kung bakit hindi na nila inalam ang pangalan ng isa't-isa. Hindi na marahil magtatapo ang kanilang mga landas. He needs to get her out of his sytem and clear his mind. She's just like some girls he met normally when he is going out for a drink.
At saka marami pa namang babae diyan na nagkakandarapa sa kanya para lang magpapansin, kaunting ngiti at bola ay walang atubili na sasama na agad sa kanya para mag liwaliw at ibigay ang sarili sa kanya ng walang kahirap hirap.
Sebastian told himself that he was okay.
They were wrong for each other. She was the type who believe in romance, fairytales, true love and whatever. He was the type of guy who didn't do serious relationships.
She's not for him, maybe.
She was a jilted bride. He was once jilted.
He painfully experienced everything. At ayaw na niyang maulit lahat ng iyon, lahat ng sakit na nagwasak sa buong pagkatao niya noon.
He's okay now. Hindi niya hahayaang mabago ng babaeng iyon kung ano siya ngayon dahil lamang nahipnostismo siya sa mga ngiti nito. Maybe there is something in that girl that he never see in any girls he asked out before. But it doesn't make any sense kung magpapaapekto siay dito.
All the girls are the same.
No. She can't affect his system. Madali niya ring makakalimutan ang babae kapag may nakasalamuha pa siyang iba. Iyong tipong hindi hard to get at ilang pahapyaw lang ng bola ay kusang aangkla na agad sa bisig niya.
He can easily remove her to his system. Maybe he just needs another lady to bed, at pihadong makakalimutan na niya ang 'jilted girl' na 'yon.
That jilted girl.
It's a long night. He better be out of this place.