Wala na akong nagawa nung sinabi nyang sa kwarto daw nya kami mag stay.
"Mauna ka nang pumasok sa kwarto na yun. Magpapakuha muna ako ng merienda kay Manang." utos nya sakin kaya naman pumasok na lang ako sa kwarto na tinuro nya. Sana naman hindi kami makita ng asawa nya.
Sa totoo lang. First time lahat ng nangyayari ngayon sakin. First time ko magpa tutor, ipakilala sa magulang I mean noong kami pa dati nitong si Kurt ni minsan hindi ako pinakilala sa parents nya, at higit sa lahat first time kong papasok sa kwarto ng lalaki and worst sa kwarto pa ng ex ko. Pag bukas ko ng pinto hindi maipagkakaila na kwarto nya nga 'to amoy palang kasi, malaki ang room nya at masyadong malinis para sa isang lalaki. Color white and black ang design, isang king size bed meron ding isang mini sala sa room nya at isang study table may isa pang door, siguro CR yun. Uupo na lang muna ako dito sa isang sofa nya, nagdadalawang isip pa ako ngayon kung ioopen ko ba ang flatscreen tv nya para manuod ng balita.
"Hey" napalingon ako sa may pintuan, naka balik na pala sya. Naka tayo sya dun at nakangiti sakin. Nakakalusaw yung titig nya sakin. Ang gwapo pa din talaga nya. Kaya ngayon ang puso ko ay parang nagwawala na gustong lumabasa yata sa rib cage ko. Yung nangungusap nyang mga mata na kulay brown, iyon ang paborito kong part ng napaka gwapong muka nya.
"Hmm. Can we start now? Para naman maaga akong makauwi?" kumunot naman ang noo nya. Hindi ko kasi kayang magtagal pa dito sa loob ng room nya. Baka bigla akong bumigay nalang. Kailangan maging matatag ako.
"Nagmamadali ka yata?" Balik tanong nya sakin. Hndi ko na sya nasagot kasi naman nag vibrate ang phone ko. Pasaway talaga tong si Gab..
GAB: Girl subukan lang nyang ex mo na hawakan kahit dulo ng kuko mo may paglalagyan talaga yan.
Natawa naman ako sa text nya. Kung hindi lang talaga sya gay baka mainlove na ako sakanya over protective naman kasi talaga kaya naman napangiti ako habang nagrereply
AKO: Baliw. Never!! Subukan nya lang, kasi ako na mismo ang bubugbog sakanya.
Narinig ko ang pag tikhim nya kaya naman napalingon ako sakanya.
"Yes?" Nagtatakang tanong ko sakanya. Hawak ko pa din ang cellphone ko. Baka kasi mag reply pa tong si Gab.
"Saan ka mas komportable? Dyan na lang ba tayo or gusto mo sa may study table?" Napatingin ako sa may study table medyo pang single lang dun medyo masikip naman. Okay sana yun kung couple ang magrereview.
"Maliit masyado ang study table mo kaya wag na tayo dun" tas bigla syang ngumisi. Lumapit sya sa akin at tumabi sya sa sofa.
"I see. But we can use my bed naman para maluwag" kinilabutan ako sa pag ngisi nya. Baliw din ang isang to. Pero I trust him, dahil noong kami pa dati hindi naman sya gumawa ng kahit anong hindi ko gusto. He respects me, and I give him credit to that.
"You!! You're an idiot and p*****t" medyo kinakabahan kong sabi. Napatayo tuloy ako sa kinakaupuan ko. Aba grabe tong isang to. Lord naman sabi ko sainyo ilayo nyo ako sa mga temptations eh.
"What?" pa inosente nyang sagot. Akala mo wala syang nasabing kakaiba sakin. Kaya ayaw ko talaga dito sa kwarto nila eh. Sana kasi sa garden nalang or sa sala nila sa baba.
"Dapat talaga hindi ikaw ang kinuha kong tutor, ano pa nga pala ang mapapala ko sa isang idiot na p*****t?" tumawa lang sya ng malakas. Sumakit sana ang tyan mo kakatawa. Pero napatitig ako sa muka nya. Parang na hypnotize na naman ako. Ang ganda ng tunog ng tawa nya. Ngayon ko nalang ulit sya nakitang gantong kasaya. Nagiging singkit yung mga mata nya ang cute lang.
"Seriously Zoey? Sino kayang p*****t sating dalawa. Sabi mo masikip ang study table ko, kaya naman I'm suggesting na we can use my bed kung ano ano kasi ang iniisip mo. And can you stop calling me idiot." Sabi nya pero hindi pa rin nawawala sa labi nya ang mga nakakalokong ngiti. Kaya kahit anong pag pipigil ko sa ngiti ko ay unti-unti na rin itong sumisilay sa aking mga labi. Nakaka inis kasi tong isang to. Huling huling nya talaga ang sistema ko.
"Ewan ko sayo. Let's start na Mr. Idiot s***h pervert." Sinabi ko nalang para hindi nya mapansin yung ngiting kanina ko pa pinipigilan. Binuksan ko ang bag ko at naglabas ng isang notebook at isang pen.
"Okay. Dito na lang sa bed para mas maluwag diba?" then he wink. Yung lahat yata ng dugo ko napunta na sa muka ko. Nag lakad na sya papunta sa king size bed nya kaya naman wala na akong nagawa at sumunod na din dala dala ang notebook and pen ko. Naupo na sya sa bed nya at inirapan ko na lang din sya habang paupo.
"Dapat siguro ituro ko muna sayo ang tamang manners Zoey?" Siguro ay naiinis na sya sa kakairap ko sakanya. At sa pag sagot sagot ko sakanya ng pabalang. Sya naman kasi ang nagsimula eh.
"Eh di ituro mo muna sa sarili mo." bulong ko sa sarili ko.
"Zoey" tawag nya sakin. Kaya napalingon naman ako
"Baby, I miss you.." halos mapatalon ako sa sinabi nya. Kinikilabutan ako, hindi ako lumingon pa ulit sakanya ni hindi na nga ako makagalaw pa.
"Baby I'm so sorry" pinag patuloy nya pa. Pero nag mamatigas pa din ako. NO NO NO!! natatakot ako na baka pag tiningnan ko sya hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Ayokong makagawa ng mali. Andito pa naman kami sa kwarto nila ng asawa nya. Hindi ako pwedeng bumigay.
"Zoey.. Baby look at me" halos mabali na ang ballpen na hawak ko sa sobrang higpit ng hawak ko. At sya naman ay halos mag makaawa na sa akin.
"I know I've been a jerk for breaking you up over the phone. I'm so sorry baby" sabi nya. You should know that. You stupid p*****t idiot. Ewan ko ba, bakit gusto kong pakinggan yung mga sasabihin nya sakin. Ayaw ko lang muna makita yung muka nya.
"Idiot." Yun lang ang nasabi ko at napangiti ng mapait. Ilang gabi ako nagigising dahil sa nakaraan ko. Masyadong masakit ang mga nangyari dati pero bakit ganun kahit ilang beses ko nang sinabi sa sarili kong naka move on na ako heto na naman ako konting kalabit lang sakin at parang tatakbo na ako pabalik kay Kurt.
"I think I deserved to be called idiot but baby I'm not a p*****t you know that. I'm a playboy before, but when you become part of my life I really tried hard to be the man you deserve. I'm so sorry for hurting you baby. And I'm so sorry for being selfish because I still love you baby" Nangingilid na ang luha ko. Do I still love him? But I'm still afraid na masaktan nya ulit. Pero sabi nga nila hindi ka nagmamahal kung hindi ka masasaktan. Pag nagmahal ka hindi lang puro ligaya paano masusubok ang pagmamahal nyo kung hindi kayo masasaktan, hindi kayo matututo kung hindi ka nasaktan. Lumingon ako sakanya. Kitang kita ko sa mga mata nya kung paano sya nagsisisi sa nagawa nya dati.
"Idiot" nakatitig lang ako sa mga mata nya. Bigla na lang syang napangiti. Bakit ba kasi hindi ako makawala sa pag hi-hypnotize nya sakin. Bakit ganon? Bakit parang mahal ko pa din sya kahit na sinaktan na nya ako. Akala ko ba version 2.0 na ako pero mukang ako pa din yung old Zoey nya.
"You really love calling me idiot, baby." napailing iling lang sya.
"You're an idiot. You made me wait on your graduation day. You broke up with me on the same day. You make me cry, you make me hate all those guys." This time hindi ko na napigilan ang pag iyak ko. After those years ngayon ko lang kasi sya naka usap ng ganito. Lumapit sya sakin bago pinunasan ang mga luha ko gamit ang kamay nya. Niyakap nya ako, kusa ko namang isiniksik ang muka ko sa matigas nyang dibdib. Bakit ang bango bango nya pa din.
"I miss your smile. Your eyes. Your lips. Your hair. Your voice. Your laugh. Your hands. Your smirks. Your way of teasing me. Your humour. Your weird faces. The way you walk. The way you say my name. The way you look at me. The way you talk. Your singing voice. Your dance. Your body. I miss everything about you, baby" This time hindi na iyak, hagulgol na nga yata to nahihirapan na din ako sa pag iyak ko parang kakapusin na ako ng hininga sa mga pinagsasabi nya. I know, because I miss him too. Kung kanina ay sya lang ang nakayakap sakin. Kusang gumalawa ang dalawang braso ko at niyakap na din sya. Yung luha kong nag uunahan, basang basa na ang suot nyang t-shirt dahil sa pag iyak ko sa dibdib nya.
"Hush! Stop it baby! Okay. Im so sorry baby. Give me a chance, let me be the one again, baby." Hindi ko alam kung ilang minuto na ba kami sa posisyon na yun. Hindi nya rin naman kasi ako binibitawan hanggang hindi pa ako tumitigil sa pag iyak. Masyado yatang na overwhelm ang sarili ko. Parang nung isang araw lang sinabing sya ang substitute prof namin, tapos naka received pa ako ng notice tapos ngayon sya pa ang tutor ko at higit sa lahat after hearing those words from him.
Nasa ganung posisyon pa rin kami ng biglang may kumatok sa pintuan agad naman kaming naghiwalay at napatingin sa direksyon na yun.
"Hijo, andito na ang merienda nyo" si Manang yata yung kumatok. Agad na tumingin sakin si Kurt at lumapit sa pintuan. Inayos ko naman ang sarili ko pilit kong pinunasan ang mga luha sa aking muka. Narinig ko naman syang nagpasalamat dala dala nya yung tray na puno ng pagkain. Agad agad nya naman yun binaba sa side table at kinuha ang isang basong tubig at binigay sakin.
"Here drink this first baka ma dehydrate ka na dyan kakaiyak mo sige ka" Nakuha nya pa talagang magbiro sa sitwasyon namin ngayon. Kaya ko sya nagustuhan kasi napapangiti nya ako sa mga simpleng bagay lang. Kahit yung mga seryosong bagay ay ginagawa nyang simple lang. Kinuha ko ang tubig at ininom nakakapagod din kasing umiyak.
Ewan ko sayo, nakuha mo pang magbiro." Hindi na ako mag iinarte pa katulad ng ibang babaeng nababasa ko sa w*****d bakit ko pa papatagalin ang lahat, hindi pa ba sapat ang ilang taong pangungulila ko. Kasi kahit ilang beses ko pang itanggi sa sarili ko or kahit sa mga kaibigan ko na hindi ko na gusto si Kurt alam na alam naman ng puso't isipan ko ang sagot. Ang akala ko tama ang desisyon na kalimutan sya para lang maitama yung pagkaka mali dati. Pero tama man or mali ang desisyon ko ngayon ayokong pigilan ang nararamdaman ko kasi kahit ano namang piliin ko masasaktan at masasaktan pa din naman ako.
"I know baby. You know what type of boyfriend I am" Sabi nya at ngumisi pa.
"Because you're the kind of guy who'd laugh at me when I fall, but help me up and whisper it's okay I still love you" I know him better kahit ganyan sya he still cares for me. He loves me. Okay naman na sigurong masaktan ulit sa huli kasi naranasan mo naman ulit sumaya.
"I'm so sorry baby for all the things that I have done. Will you give me another chance to prove it to you?" Ngayon alam ko sa sarili kong hindi pa ako nakaka move on talaga sakanya. Masama ba kung bibigyan ko pa sya ng pagkakataon pagkatapos nya akong saktan? Sa bawat chance na ibibigay natin sa pagmamahal binibigyan din natin sila ng karapatan na saktan nila tayo. Handa naman na ulit akong masaktan. Pero gusto ko din munang maging masaya.
"Do you have a girlfriend or a wife right now?" kahit naguguluhan sya sa tanong ko sinagot nya pa din.
"Wala. Like what i've been telling to the class, I'm single but my heart belongs to someone else and that someone else is you" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya sigurado ako na pulang pula ang muka ko ngayon. Ayan, dyan sya magaling sa pagpapa kilig. Mukang na perfect nya na yung field na yun.
"Idiot" Bulong ko ulit.
"Baby. You really love calling me "idiot" why don't you say that you still want me and love me." idiot talaga tong lalaking to. Nakakainis, kinikilig pa nga ako eh. Tapos may pa pout pout pa syang nalalaman nagiging mas cute tuloy sya.
"I'm inlove with an idiot. But he's my idiot" mas lalong lumawak ang mga ngiti nya ngayon.
"Yes baby. I'm your idiot. And I love you more baby." Pag kasabi nya nun ay agad nya akong hinatak kaya sabay kaming napahiga sa kama nya. Niyakap nya ako ng sobrang higpit. I miss this. I don't want to ruin the moment kaya I will not ask muna kung ano ang mga reasons nya bakit nya ako iniwan at bakit may kasama syang babae.
I still love him. Kaya kahit ano pa ang maging reasons nya tatanggapin ko yun, ganun naman pag nagmahal kahit mali sa mata ng iba magiging tama pa din sa mga mata ng nagmamahalan. Hindi naman kasi nasusukat sa kung sino ang mas nasaktan at kung sino ang nanakit. Bakit ako tutulad sa ibang babae na hindi binigyan ng chance ang mga mahal nila, atleast ako kung masaktan man ulit wala na akong pag sisisihan dahil wala na ang mga "what ifs" what if mahal nya ako, what if kung binigyan ko ng second chance, what if hindi lang ako ang nasaktan, what if may maganda pala syang reasons, what if..
Who knows itong second chance namin ito na pala ang happily ever after namin. Sigurado akong mas marami pa kaming haharapin na dalawa, ang mga kaibigan ko, my parents, and ofcourse the whole wide world ikaw ba naman ang maki pag relasyon sa isang professor. Pero ganun talaga. As long as na mag kasama kaming haharapin sila hindi na ako matatakot pa. Hindi kami perfect, nagkakamali kami at sino ba naman ako para hindi mag patawad diba. I'm not perfect. Never have been. Never will be.
"If you have a chance to take the moment that you know will be memorable, grab it. Always think that the word NEXT TIME is always too far and maybe there's no next time because sometimes few things in this world are ONCE IN A LIFETIME."