Wala kaming nagawa sa first day ng tutoring session namin, paano naka higa lang kami at naka yakap lang sya. Nag kwentuhan kami about sa past namin pero yung mga happy moments lang namin. Siguro after an hour tinawag naman kami ni Manang dahil ready na daw ang dinner.
"Hija, kamusta naman ang pagututuro nitong si Edrick? Sabi nya kasi tuturuan ka nga daw nya?" tanong sakin ng Mom nya. Naka ngiti sya sa akin at hindi nya din maalis ang tingin nya saming dalawa ni Kurt. Alam kaya ng parents nya na may relasyon kami ng anak nya?
"Ah.. kasi po Tita. Baka po kasi bukas na lang kami mag start ni Kurt" halos lumubog na ako sa inuupuan ko eh. Baka kung ano ang isipin nila kasi dun pa kami sa room ni Kurt nag stay. Pero mabait ang mga magulang nya, feeling ko nga matagal na nila akong kilala kasi kung kausapin nila ako parang kompartable na sila sakin kahit na medyo naiilang pa din ako sakanila.First time ko silang ma meet tapos as student pa ni Kurt. Ano nalang kaya ang sasabihin nila pag nalaman nila ang totoong relasyon namin.
"Mom, Dad. Nag usap lang kami kanina ni Zoey kaya bukas siguro kami mag start and napag usapan namin na M-W-F we will stay here and every T-TH sa house naman po nila kami mag stay." Paliwanag nya. Masaya ang parents nya hindi ko alam kung bakit ang weird kasi naka ngiti sila samin at tumatango tango pa.
"I'm so happy for you son. Finally pinakilala mo na din samin ang bukam-bibig mo na si Zoey. And mukang okay na naman pala kayo" tapos tumingin sakin ang Dad nya. Kaya ngumiti na lang ako. Ibig bang sabihin nun na ikwento nya na din pala ako sa parents nya before?
After naman ng dinner hinatid lang ako ni Kurt sa bahay namin. Kung dati ay patago kaming nagkikita that time na pareho pa kaming student nun paano na lang kaya ngayon mas lalong palihim kami kasi isa na syang professor samantalang ako ay isang student pa din. Kinuha nya na din ang contact ko para mag katext na daw ulit kami. Natatawa nga ako kasi parang bumalik lang kami sa dati.
Napag usapan din namin kanina na wag na muna ipaalam kahit kanino ang tungkol samin kahit sa mga kaibigan ko pa dahil ang balak nya ay kuhanin muna ang loob nung dalawa, pero hindi ko pa din sinabi sakanya yung about samin ni Gab.
"Wag na muna natin ipaalam sa iba ang relationship natin" sabi ko sakanya. Napakunot naman ang noo nya. Kasi pano na yun, baka pag initan kami ng mga students lalo na yung mga head ng University namin. Kung dati ay gusto ko syang matanggal sa pagiging Prof, ngayon naman parang gusto ko sya laging kasama. Nababaliw na naman yata ako.
"Baby. I can resign if you want, if magiging problem natin ang work ko. Ohh oo nga pala you have a boyfriend." Malungkot na sabi nya napaisip nga din ako may boyfriend ba talaga ako? OMG si Gab! Pero hindi ko naman kasi talaga sya boyfriend. He's gay.
"No Kurt, you don't need to resign. Ayaw mo ba noon, lagi na din kita makikita and ikaw pa ang tutor ko. Yung about naman kay Gab ako na ang bahala sakanya pero for now wag muna natin ipaalam kahit kanino." Hinawakan nya ang dalawang kamay ko bago sabay na hinalikan ito. Para namang nanlambot ang mga tuhod ko sa ginawa nya.
"Okay lang baby, kukuhanin ko muna ang loob ng mga kaibigan mo. Okay lang din kung makikihati ako ng oras kay Mr. Torres pero hindi ibig sabihin nun na habang buhay nalang akong makikihati sakanya dahil babawiin na ulit kita sakanya. Pangako yan baby." Napangiti ako dahil ang buong akala nya ay boyfriend ko si Gab, hindi nya alam simula nang iwan nya ako ay naka limutan ko na ang salitang LOVE at ni minsan hindi ako naki pag lapit sa ibang lalaki. Dahil simula ng umalis sya ay isinama nya ang puso ko. May favouritism itong puso ko. Sya lang ang gusto.
"I know! Hindi madali itong pinasok natin Kurt, maraming magagalit at maiinis satin. If yung relationship natin before is okay pa eventhough you're a playboy that time pa but now I think it's forbidden kasi alam mo namang bawal tong student-prof relationship kaya please let's keep this a secret muna." Nakakaunawang tumango naman sya sakin. If para talaga samin to hindi masasayang ang binigay kong second chance sakanya. If kami talaga, ang destiny na mismo ang gagawa ng mga reasons para hindi kami mapag hiwalay.
"I undestand baby, pero it doesn't mean na lagi na lang tayo mag titiis ng ganto. I'm so sorry again baby if ganto na naman ang situation natin na kailangan kitang itago, pero kung ako lang ang masusunod gustong gusto ko na ipagsigawan sa lahat na you're mine. Oh paano baby see you tomorrow?" Bago nag taas baba pa ang kilay nya kaya natawa na lang ako, akala ko ako lang ang excited na pumasok bukas pero sya din naman pala. Tumango na lang ako at nag paalam na sakanya, akala ko nga wala ng kiss eh buti na lang meron sa pisngi. Oo nga pala lagi lang sa pisngi nya ako hinahalikan. Wala pa nga akong first kiss sa lips except sa parents ko siguro dati.
Naka higa na ako sa kama ko nung naisip ko na naman sya. Oo alam ko na to sign na naman ito na inlove ako, gantong ganto ako dati sakanya. He never kissed me sa lips kasi sabi nya, hindi daw ako katulad ng mga naging babae nya dati kaya dapat sa pisngi lang daw muna. Akala ko nga dati hindi nya ako love kasi diba if you love that person mag ki-kiss kayo sa lips ganun kasi ang paniniwala ko pero sabi nya if you really love and respect the girl hindi kailangan ng mga ganun, kaya puro sa pisngi at noo lang ang kiss na ginagawa nya. Ngayon sobrang iniingatan ko ang first kiss ko, syempre alam ko na ang importance nun. Nakaramdam ako bigla ng antok, pero this time may mga ngiti na sa labi ko nung natulog ako.
MY IDIOT: Good morning baby. I miss you. See you later and I love you so much :*
Napangiti ako sa unang message na nabasa ko. Talaga nga namang good na ang morning ko ngayon palang. Kasi naman diba? Okay hindi na ako teenagaer para kiligin ng ganito pero parang nung first time ko lang. Sobra naman kasing magpakilig tong si Kurt eh. Nag reply din agad ako
AKO: Good morning too idiot. Yeah, see you later.
Wala pa ngang ilang seconds ay naka reply na agad sya sakin. Excited lang pero mas excited ako sa reply nya.!
MY IDIOT: Baby naman, I'm trying to be the sweetest boyfriend here. But all I can have in return is you calling me idiot. How about text me how much you love me and how much you missed me. :(
Seriously? Ang isang playboy nag text ng ganto sakin. Mas lalo tuloy akong kinikilig kasi naman eh kagabi lang kami magkasama tapos kung maka arte naman kala mo hindi kami nag kita.
AKO: You don't need to be the sweetest boyfriend, you idiot! Okay baka mamaya pagsagutin mo na naman ako sa unahan at mapahiya ito na po. I love you and I miss you my dear idiot.
PS: don't be offended if I call you idiot, hahaha sometimes kasi para ka talagang idiot but ofcourse you're my only idiot and the best idiot. Love you. :*
Baka lalo akong pag initan nito sa mga sinabi ko. Lagot sya sakin mamaya pag ginawa nya yun, and oo nga pala andyan naman si Gab to save me again sa kahihiyan na ginawa ko. Sana naman good mood ang isang yun.
MY IDIOT: Okay. Just make sure that I'm your only idiot, baby. Because for me, since day one up to now you're my only baby ;) See yah later baby.
Okay. Relax. Inhale! Exhale! Sobra na talaga ito yung parang may mga nakatira sa tyan ko at para silang nagkakagulo. Kinikilig na naman ako ang sarap ng ganitong pakiramdam na miss ko to eh. Hindi na ako naka pag reply kasi nag mamadali akong pumasok sa CR ko para maligo na at maghanda sa school. Pagka kain nga namin kanina ng breakfast nag tataka ang Mama't Papa ko bakit daw sobrang saya ko. Kinamusta lang nila yung tutor ko daw. Sabi ko nga sakanila na every T-TH dito kami sa bahay wala naman daw problema dun.
Maaga akong pumasok sa school, kahit ang driver namin ay nagtataka kung bakit daw good mood ako ngayon. Hindi ko na lang pinansin kasi excited na akong pumasok at makita ang idiot ko. Pag punta ko sa room namin kokonti palang ang mga students pero nakita ko na agad sa pwesto namin si Gab, anong problema nun ang aga nya naman yata ngayon wag nya lang masabi sabi saking excited din sya para makita ang prof namin baka masabunutan ko sya. Joke lang yun, di pwede baka matalo ako eh
"Hey! Ang aga mo naman yata Gab?" bati ko sakanya pero mukang puyat na stress. Oh anong nangyari sakanya hindi yata na kumpleto ang beauty rest nya. Talaga naman to, tas pag ako haggard nagagalit sya agad tapos ang itsura ngayon parang tinubuan ng malaking eyebag ang muka nya.
"Wala man lang Good morning Zoey Trisha? Kaloka ka, napuyat kaya ako sa pag aalala sayo dahil kasama mo lang naman ang magaling mong ex kagabi. Tapos ikaw parang wala lang sayo. Nakaka inis ka girl. Na stress ang beauty ko." Medyo na guilty naman ako sa sinabi nya kasi habang nag aalala sya sakin, ako naman masayang masaya kasama ang ex ko, oh let me correct that BOYFRIEND ko na nga pala ulit. Ahhhh ang gulo na nito patay ako pag nalaman nila.
"Sorry na Gab. Actually wala namang masamang nangyari sakin kasi hindi pa kami talaga nag start ng proper session nag dinner lang ako kasama yung parents nya kasi nakakahiya naman kung bigla bigla na lang kami mag start ng hindi ko nakikilala ang parents nya" Napakagat ako sa labi ko kasi alam ko sa sarili ko na hindi lang yun ang nangyari at hindi ko pwede sabihin sakanila yun.
"Na stress ang beauty ko Trisha. Anong gagawin mo ngayon dito? Ibibili mo ba ako ng CC cream sa Etude? Sobra talaga ang stress ko dahil sayo." May kasama pa talagang pangongonsensya. Nako kung ako nga hindi nagamit nyang mga cream na yan. Sya naman may CC cream pa. Eh ang alam ko nga lang BB cream.
"Ay nako Gab dapat hindi ka ma stress, kasi you know stress is referred to as 'the silent killer' and has been linked to heart disease, high blood pressure, chest pain, and early death." Napatunganga pa sya sakin. Nabasa ko lang naman yan sa magazine na i-share ko lang naman, dahil mabuti akong kaibigan. Ewan ko ba mahilig akong mag basa ng mga health issue na magazines or kahit anong may related sa health.
"Kaya nga Trisha ibili mo ako mamaya ng CC Cream ah. Sa Etude ka bumili baka mamaya kung san ka lang bumili alam mo naman ang skin ko ay sensitive." Natatawa na lang ako sa kaartehan nitong isang to eh. Dinaig pa nya talaga ako. Pero hayaan na nga lang yan. Maya maya lang ay nag datingan na ang mga classmates namin. Natahimik ang lahat noong pumasok si Kurt, aba ang saya saya ng mood nya.
"Good morning class" Sya na ang unang bumati sa buong klase namin, at habang sinasabi nya yun sakin naman sya nakatingin kaya mabilis na nag init ang pisngi ko. Hindi tuloy ako makatingin sakanya kaya yumuko na lang ako. Binati din naman sya ng mga pasikat na mga classmates ko. Bahala kayo dyan hindi na ako makikisali at baka mahalata pa ng dalawa kong kaibigan.
"Alam nyo na siguro na next week na ang Engineering Days ng College natin, so next week we don't have a class kaya sana galingan nyo next week since kayo pa naman ang mga fifth year at malaki ang expectation sainyo ng mga professor." Nagkanya kanya ng bulungan ang mga classmates ko. Oo nga pala next week na yun. Parang foundation day sya kung highschool.
"Kamusta ang tutoring nyo kahapon?" tanong naman ni Sab. Hindi katulad ni Gab, sya naman ay parang na kumpleto pa ang beauty rest nya. Buti naman. Akala ko magpapabili din sya sakin ng CC cream sa Etude.
"Wala naman. Mamaya pa talaga mag start ang tutoring session namin, sa bahay." Nagkibit balikat na lang ako para hindi na humaba pa ang usapan, pero yung mga titig ni Sab sakin parang may pinaparating. Hindi ko na lang pinansin, baka sabihin nya pa na guilty ako kahit totoo naman.
"For the mean time, napag usapan kanina sa faculty na bibigyan daw kayo ng 2 days preparation for the next week event. Kaya starting today pwede nyo ng gawin ang mga naka assign na activity nyo so for now class dismiss" What the! Halos malaglag ang panga ko. Yun na yun? Kung kelan ako excited na makasama sya sa class nun naman mawawalan ng class. Asar talaga. Nagsimula na silang gumawa ng mga kung ano ano kasi may mga dance contest silang sinalihan from first to fifth year kasi ang labanan yung iba naman ay pinag usapan ang mga booth na ihahanda next week.
"Girl, muka kang baliw dyan. Isara mo nga yang bibig mo. Bakit ganyan ang reaction mo parang disappointed ka pa na walang klase ah. Wow bago yan girl" pang aasar pa sakin ni Gab sino ba naman kasing matutuwa sa nangyari umalis na yung boyfriend ko. Inis talaga.
"Yan na talaga reaction mo Trish? Maiba nga ako, san ba kayo sasali na activities kasi feel ko sumali sa volleyball, game ba kayo girls?" tanong ni Sab. Sya lang naman kasi ang sporty samin kaya sya lang din ang excited samantalang ako gusto ko na lang mag class or simulan na kaya namin ang tutoring session namin ngayon na.
"Ikaw na lang Sab. Masisira ang beauty ko pag sumali ako dyan, ayoko sa lahat yung pinagpapawisan ako. Kaya go ikaw na lang, ako na ang bahala sa cheering squad para sayo" Nag biruan pa ang dalawa. Wala na talaga. Tambay mode na lang ako. Biglang nag vibrate ang phone ko, kinuha ko ito at walang ganang tiningnan kung sino ang nag text.
MY IDIOT: Baby, halata ang disappointment sa muka mo. Sobra mo ba talaga akong na miss? Love you baby. :*
Napangiti na lang ako sa text nya. Okay din naman pala kahit walang class pwede naman kami maka pag text or mayaya ko na kaya sya sa bahay para mag aral? Ay wag pala baka sabihin talaga nya na masyado akong excited na makasama sya.
AKO: Me? Hindi kaya. Masaya nga ako kasi sa wakas makaka pag pahinga na din ang mga brain cells ko. Hahaha
MY IDIOT: Can we meet baby? I miss you so much. I want to hug you so bad. :(
Langya naman kinikilig talaga ako. Hindi ko napansin na nakangiti na pala ako kung hindi pa ako pinansin nung dalawa, akmang sisilip sila sa phone ko nung tumakbo na ako at sinabing aalis na muna ako at may pupuntahan akong importante. Kaya hindi na sila nakasunod sakin kasi ang bilis kong tumakbo. Nag punta agad ako ng CR para maka pag reply.
AKO: Yes we can, but saan? Alam mo namang hindi nila tayo pwedeng makita na magkasama, lalong lalo na ang mga kaibigan ko.
MY IDIOT: Nasa rooftop ako ng building natin. Walang tao dito and I think they're too busy para sa event next week. Can you meet me here baby?
AKO: Okay. Papunta na ako, you sure na walang tao dyan? Baka may makakita satin.
Hindi na sya naka pag reply pero malapit na din naman ako sa rooftop kaya pag pasok ko palang nakita ko na sya dun sa dulo naka silip lang sya sa mga tao sa baba. Masyadong mataas ang building namin para makita ng mga tao sa baba yung nasa rooftop. Agad akong lumapit sakanya at nag back hug.
"Hey baby." Sabi nya sakin. Kahit hindi pa man din nya ako nakikita ay alam nya na agad na ako yung yumakap sakanya.
"Paano mo nalaman na ako ito? Pano kung yung mga fans mo pala yung nag punta dito tapos bigla ka lang niyakap at tinawag mo pa syang baby." Nagtatampo daw ako kunyari. Pa cute lang. Umikot sya paharap sakin
"Don't worry baby, yakap mo palang alam na alam ko na! Ang baby ko naman nagselos agad. Halika nga dito payakap naman" Bigla nya ulit akong hinila at niyakap ng mahigpit medyo hindi pa ako sanay na ganto ulit sya ka sweet kasi dati ganto na rin naman sya sakin pero patago lang iyon ngayon patago pa din naman. Kasi nga he's a playboy ayaw nya na saktan ako ng mga ex nya kaya palihim lang tas ngayon he's my prof. Buhay nga naman. Di bale pag naka graduate na ako hindi na kami magtatago pa.
"Apologizing does not always mean you are wrong. It just means that you value your relationships more than your ego."