LOVE 9 - OUR FIRST KISS

3652 Words
Start na nga ngayon ang Engineering week namin. Last week two days kaming hindi naka pag tutoring session dahil hindi pa sya counted kasi since wala pang class and tumulong na lang ako sa pag oorganize ng activity. At another week na wala din kaming session sa tutoring kasi nga busy na din, hindi naman nakakalimutan ni Kurt na mag text, minsan iniinvite nya ako ng lunch sa house nila kasabay namin ang Mom nya. Last Friday nag serious talk kami ni Kurt pero ewan ko ba kung serious nga ba yun. After preperation nung Friday itinakas nya ako nag punta kami sa bahay nila kaya puro kami tawanan kasi feel na feel nya daw ang ginagawa naming pagtatago. Hanggang sa umabot ako sa pagtatanong ng why we broke up? Bago nya sinagot yun nag sorry na naman sya. Hindi nya daw kasi nasabi sakin na biglaan syang pinabalik ng Mom and Dad nya sa US, matagal nya na daw na sinabing ayaw nya kaya naman kinakailangan nya daw maki pag break kahit ayaw nya kasi wala daw kasiguraduhan kung hahayaan pa sya ng mga magulang nya na bumalik pa ulit dito. Pero ginawa nya daw lahat para payagan syang makabalik ulit. Now I know kung bakit ganun maka ngiti ang parents nya sakin at kung bakit pati si Manang ay kilala ako dahil lagi nya daw ako kinukwento sakanila. Bigla pa nga ako naluha sa kwento nya kasi nakakataba ng puso na malaman na hindi nya naman pala gusto na mangyari yung break up namin, sinunod nya lang daw ang magulang nya pero ngayon sigurado na daw syang hindi nya na ako iiwan. Natutuwa akong marinig yon sakanya. Pero syempre hindi sya makakawala sa tanong ko na sino ang babaeng kasama nya sa airport ng umalis sya nung graduation day nya mismo. Nagulat sya nung nalaman nya na sinundan ko sya sa airport ng mga panahon na yun at sinabi ko na isa sa mga varsity na nagsabi na ikakasal nga daw sya. Buti na lang talaga na explain nya ng maayos yun kundi matagal ko na syang nasapak. Ang sabi nya kasama nga daw nya ang family friend nilang si Jam, sa US na daw ito nakatira at ito na daw mismo ang pinapunta ng Mom nya para kaladkarin daw sya madala lang sa US at pag hindi pa din daw sya pumayag since Med student daw iyon sinabi ng Mom nya kung pwede ay turukan na lang sya ng pampatulog. Kaya nag tawanan kami nun kasi ang kulit daw kasi ng Mom nya madala lang sya sa US. Nagtatampo nga ako sakanya kasi pwede naman nya sabihin sakin para hindi ako nag-iisip ng kung anu-ano nung nawala sya pero ang sagot nya lang. "Past is past baby. I promise na hinding hindi na kita iiwan ngayon at kung may hahadlang pa satin ako na mismo ang sasagasa sakanila" Kaya naman puro tawanan lang ang ginawa namin. Serious talk nga sya pero may kasamang mga kalokohan nya. Masyado nga daw syang na bored sa US kasi puro work ang pinagawa ng Dad nya sakanya kasi andun daw ang company nila. Natakot daw syang kausapin ako kaya kung natatandaan ko nga daw nung mga panahon na may tatawag sakin at sasagutin ko tapos walang nagsasalita ay sya daw yun, masaya na daw syang pakinggan lang ang boses ko. Kaya naman pala dati araw-araw may natawag sakin pero nag palit din ako ng simcard kasi akala ko puro prank call lang yun na galing sa ibang bansa kaya after nun wala na yung natawag sakin. "Eh ilan ang naging girlfriend mo nung nasa US ka?" Naningkit ang mga mata ko, akala nya ba hindi ko kayang itanong yan. Sa pagiging playboy ba naman nya hindi ako maniniwala kung wala. "Baby naman sobrang busy ko na nga sa company minsan nga hindi na ako nakakakain dahil sa dami ng ginagawa, hindi ko na talaga kaya isali pa sa schedule ko ang mag karoon ng ibang babae at tsaka ikaw nga lang ang mahal ko." Napakamot sya sa ulo nya kasi hindi talaga ako naniniwala pano kung yung Jam pala naging girlfriend nya ayaw nya lang sabihin. "How about Jam?" bigla syang natawa sa tanong ko. Pero hindi ako nagpapatinag sakanya "Seriously baby? Hindi ko sya naging girlfriend. Family friend namin sila para ko na syang kapatid kaya hindi ko sya pwedeng maging girlfriend. Okay?" Tumango lang ako. Pag nalaman ko lang talaga baka mapag untog ko silang dalawa. "Girl!!! Panuorin natin ang game nina Sab, tara na sa gym" tawag sakin ni Gab. Kanina pa kasi ako dito sa room. Iniisip ko kasi yung mga nangyari nung last week. Pwede naman talagang hindi pumunta ngayon pero dahil may game si Sab pumunta ako para suportahan sya. "Tara na nga. Ang aga naman yata ng laban nila ngayon ah?" nagkibit balikat lang si Gab at lumabas na sinundan ko lang sya. Nakita ko naman si Kurt na naglalakad mag isa sa corridor at nakita nya akong naka sunod kay Gab, nang walang naka tingin samin bigla ba namang nag wink sakin. Sira ulo talaga kaya tumakbo ako para makasabay kay Gab. Halos matanggal ang tonsil ko kakasigaw at kaka cheer kay Sab, ang ingay ingay ko nga lang dun. Pero worth it naman dahil panalo ang team nina Sab. Sya pa ang tumatayong captain ball at spiker ng team. Naging busy nung araw na yun si Kurt nag text na lang sya na may meeting pa daw ang faculty members. Kaya nauna na lang ako umuwi. Pag dating ko sa bahay naligo lang ako at naka tulog na masyado pala talagang nakakapagod ang ginawa kong pag cheer kay Sab baka bukas mapaos ang boses ko. At for sure manakit din ang katawan ko. Ang kulit kasi ni Gab, ako ba naman ang panggigilan pag hindi nakukuha ng team ni Sab ang points. Second day na ngayon pero tinatamad akong pumunta since walang laro sina Sab sa volleyball hindi na ako pupunta at isa pa paos na paos ako, ni hindi na nga ako maka pagsalita ng maayos kaya sabi ko sakanila magpapahinga na lang muna ako. Same with Kurt sinabihan ko na lang sya. Ang dami nyang bilin sakin uminom daw ako ng ganun ng ganyan ng ganto. Pero di ko sinunod kasi tinatamad ako kaya oo na lang ako ng oo sa mga text nya at natulog mag hapon. Third day ngayon medyo naging okay ang pakiramdam ko, pero hapon ako pupuntang school kasi hapon pa ang laro ni Sab tsaka nakakatamad tumambay sa school. Mga 3pm na nung naisipan kong pumunta. Pag pasok ko iilan-ilan lang ang nakikita kong mga tao siguro nasa gym sila or kaya nasa field, balita ko kasabay ngayon ng volleyball ang soccer kaya naman walang masyadong tao. Papunta akong gym ng may mga lalaking lumapit sakin. Marami na rin ang nag aalisan na mga tao sa field baka siguro tapos na or baka naman manunuod din sila sa volleyball game. "Ikaw ba si Zoey Trisha?" tumango na lang ako dun sa tatlong lalaki kasi alam ko na to. Sila yung sa marriage booth ng mga third year. Kaya sumama na lang ako ayaw ko naman maging KJ or worst baka habulin pa ako hanggang dun sa loob ng gym. Kinulong muna nila ako kasi hindi pa daw nahuhuli yung guy na ipapakasal. Ang hihina naman nila. Nag text na ako kay Gab na pumunta sya dito para naman matubos nya na ako ng 300php ayaw kasi pumayag na ako ang magbabayad dapat may tutubos talaga. Pero bago ko pa man masend yung messages nalaglag na ang panga ko sa nakita kong papalapit. Si Gab, sya pala ang sinasabing hindi pa daw nahuhuli kaya natawa na lang ako. Seriously sino kaya ang nag bayad ng 500php para lang ipakasal kami dito. "Hey. Pano yan may 5 mins. lang tayo para may tumubos satin, si Sab naman hindi pa tapos ang game nila" Sabi ni Gab. Ay nako! Ang daming tao na ngayong naka palibot dito sa jailed booth ni isa sakanila walang may gustong magbayad. "Boyfriend mo naman yan Trish. Kaya go na lang kayo sa marriage nyo" Napabuntong hininga na lang ako. Kung alam nyo lang guys pareho lang kami ng hanap nito. "Times up! Tara na sa marriage booth. Here isuot mo muna ito" sabi nung isang girl na nagbabantay dun. Pinapasuot nya sakin ang belo para daw sa kasal kaya ayun pinagkakaguluhan na kami ng mga students. Bakit hindi, sikat din naman tong si Gab sa mga babae sa gwapo ba naman nya tapos ikakasal sakin at nalaman pa nilang ako daw ang girlfriend. Nag start yung kung ano anong sinasabi nung lalaki sa unahan na nakasuot pa nung katulad sa priest at may nag sasaboy pa kanina samin ng mga petals ng rose pero nawala yung ngiti ko nung nakita kong nakamasid si Kurt sa hindi kalayuan samin, masama ang tingin nya kay Gab. Pero hindi ko na namalayan na kiss the bride na pala kaya bigla akong hinarap ni Gab sakanya at hinalikan ng mabilis sa lips. Oh holy cow'!! Nagpalakpakan ang mga taong nanunuod samin pero agad akong lumingon para hanapin si Kurt, nakita ko syang mabilis na naglalakad papuntang parking lot. Nagtuloy tuloy ang mga tao kaka congratulate saming dalawa pero ako lang yata ang hindi masaya samantalang puro pilit na ngiti lang ang pinapakita ni Gab. Napabuntong hininga na lang ako. After maka recover ng mga tao ay nag mamadali akong tumakbo papuntang parking lot baka sakaling maabutan ko pa si Kurt. Patay talaga ako nito ngayon.!! "Trisha" narinig ko si Sab na tumatakbo din kasunod ko ganun din si Gab. Hindi ko alam kung magagalit ba ako na maiinis kasi naman ang first kiss na pinoprotektahan ko eh. Nakuha pa ni Gab at worst nakita ni Kurt. "Zoey Trisha!!!" habol din ni Gab habang sumisigaw. Ngayon ko lang nalaman na mabilis pala ako tumakbo dapat pala sumali ako kung san man yung long run na yun. Nakarating ako ng parking na hindi ko namalayan na hindi ko na kasunod ang dalawa samantalang si Kurt ay naka sandal sa Ferrari nya pero nung nakita nya ako ay pumasok sya sa loob tinted pa naman kaya hindi ko sya makita. "TRISHA" sigaw ni Sab nasa likod ko na pala silang dalawa. Hinarap ko na sila. "Trish.. Yung about sa kiss" panimula ni Gab. Kaya umiling na lang ako, ayaw ko muna pag usapan kasi gusto ko si Kurt muna ang kausapin ko "Trish, nag kiss daw kayo ni Gab. Grabe na ito ah. Abot na abot ang balita sa buong gym. Sulit ang bayad ko" excited na excited pang sabi ni Sab. Sya pala ang nag bayad. Napabuntong hininga na lang ako. Kasi naman sa dami ng pwedeng part na halikan sa lips pa talaga at sakto pang nanunuod si Kurt. "Girl. Bakit ganyan ang reaction mo? Sino ba ang pinuntahan mo sa parking lot? Siguro ako ang first kiss mo no kaya ganyan ka maka react" pang aasar pa ni Gab kaya napa singhap din si Sab after marinig ang sinabi ni Gab "Ohhh my God!! Don't tell me sa lips mo nga sya hinalika. Ohhh I'm sorry Trish. At ikaw naman Gab bat sa lips? Ikaw ang first kiss nyan kaya naman pala ang bilis tumakbo eh" Natatarantang sabi ni Sab. Sinapak nya pa ito sa braso. Bigla na lang may malakas na busina kaming narinig at matulin ang takbo. I know si Kurt yun. Napabuntong hininga na lang ako. Ano ba naman tong napasok ko dapat pala sinabi ko na lang na gay si Gab at hindi ko sya boyfriend. At itong si Kurt umaariba na naman ang pagka idiot hindi man lang ako hinintay na maka pag paliwanag. MY IDIOT: meet me sa rooftop now! Sungit naman! Ngayon paano ko mapapaalis tong dalawa. "Guys uuwi na ba kayo? May kukunin pa kasi ako sa library mauna na lang kayo." Sana effective. Please maniwala kayo. Kailangan pa namin mag kita ngayon ni Kurt, mukang mahabang paliwanagan ito. "Wow library. Wala pa namang class anong gagawin mo dun? Samahan ka na namin Trish" Ayy naku pahamak tong si Sab eh. Hindi makaramdam ah. Need ko na pumunta sa rooftop. "Wag na Sab. Mauna na lang kayo, baka kasi si Papa na lang ang sumundo sakin" Nagsinungaling pa talaga ako. Sorry friends. Gusto ko lang talaga makita at maka usap yung idiot. "Sige na nga! Tara Sab. Samahan mo ako sa Etude kailangan ko na ng new hand cream" Ano ba tong isang to mas inisip pa yun. Umalis na sila at agad akong tumakbo pabalik ng building namin at pumasok ng elevator buti na lang walang masyadong tao kasi nasa gym na ulit at may laban ang basketball team. Nakarating ako sa rooftop pero wala pa din si Kurt kaya naupo ako dun sa gilid na may bench. Hapon na at malapit na din lumubog ang araw. Siguro ay pagka alis nya kanina ay may pinuntahan pa sya para hindi obvious na bumalik sya agad. Mga ilang minuto na ang lumipas pero wala pa din sya ay nag text na ulit ako sakanya. AKO: where are you? Nasa rooftop na ako. Hindi sya nag reply pero after 5mins ay dumating sya galing syang SB nakita ko ang dala nyang greentea frappe na favorite ko tumabi sya sakin at kinuha ang panyo nya at binasa ng konting tubig na galing dun sa mineral bottle na dala nya. Nagulat ako ng bigla nyang pinunasan ang labi ko nung una hindi ko pa magets kung bakit nya ginagawa yun. Oo nga pala hinalikan ako ni Gab kanina pinapahid nya yun na para bang mabubura nya talaga. "Kurt. Tama na" sabi ko at inalis nya yung panyo at tumayo sya sabay gulo sa buhok nya. "Zoey. He kissed you. Sa labi Zoey. Bakit pang ilang beses na ba nya ginawa yun hah?" Alam kong naiinis sya kaya sya nagagalit ngayon. Ayaw ko din naman sabayan ang galit nya kaya hindi ako magagalit iintindihin ko sya at magpapaliwanag na lang ako. "Kurt. Hindi ko ginusto yun nabigla ako sa ginawa nya kanina at yun ang ano ko. Yung ano. Yun ang first kiss ko." Naka yuko na lang ako at naramdaman kong papalapit na ulit sya sakin. "What? That was your first kiss?" Tapos umiling iling sya at bumuntong hininga. Para na syang baliw ngayon. "Wala nga pala akong karapatan na magalit ng ganto kasi sa harap nilang lahat ay sya naman kasi talaga ang may karapatan kasi sya ang boyfriend mo" Malungkot na sabi nya at tumabi saakin sa may bench. Iniaabot nya ang greentea frappe, alam nya pa din talaga ang favorite ko. Hinarap ko sya. "Kurt hindi naman sya counted kasi hindi ko naman ginusto diba? Tsaka binura mo na." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kasi kahit ako na pu-frustrate din kasi ako dahil sa kiss na yun. Hindi ko naman pwedeng ipakita sa harap ng madaming tao na naiinis ako sa kiss na yun kasi ang alam nga nila ay boyfriend ko si Gab. Lalo namang hindi ako pwede magalit sa mga kaibigan ko kasi malalaman nilang okay na kami ni Kurt. "Nakaka inis sya. Ako dapat ang first mo sa lahat but he stole your first kiss. Dapat ako yun eh. Dapat hindi ko na hinayaan yung marriage marriage na yun eh." Lalo nya pang ginulo ang buhok nya. Ibinababa ko yung frappe na hawak ko sa gilid at hinuli ko ang mga mata nya para tumingin sakin, hawak hawak nya pa din yung medyo basang panyo kinuha ko yung sa kamay nya at ako na mismo ang nag pahid ulit sa labi ko. Napamaang sya sa ginawa ko at iniligay ko ang dalawang kamay ko sa magkabilang pisngi nya. "Listen to me Kurt, sya man ang first kiss ko pero hindi ko yun ginusto. I promise you, that you will be my second kiss, third, fourth, fifth and so on and so forth." At bigla ko syang hinalikan ng mabilis sa labi nya nanlaki ang mga mata nya kasi first time kong ako ang nag kiss sakanya at sa lips pa yun. Bigla syang napangiti. "Our first kiss" yun lang yung nasabi nya. Sya naman ang humawak sa mga kamay ko. Sobrang higpit yung tipong ayaw nya na ako pakawalan pa. "Konting time na lang baby graduation mo na, pwede na din nating sabihin sakanila. Pero paano si Gab? Baka saktan ka nya kung malaman nya yun at baka halikan ka nya ulit sa lips" Nag pout pa sya, para tuloy akong na addict sa labi nya na gusto ko ulit sya ikiss. Bakit ba ang hot nya pa din kahit nag papa-cute na sya. "Naniwala ka talaga dun kay Gab? You idiot, hindi mo man lang napansin na hindi ko sya boyfriend at mas lalong bawal yun" Bago ako tumawa sa reaksyon nya. Yung gulat na gulat to the point na naka open pa yung bibig nya. Paniwalang paniwala syang boyfriend ko talaga si Gab. He's really an idiot. But I love him so much. "Paanong? Wag mo na akong lokohin baby, if it's about the kiss you don't need to deny him. Hanggang hindi ka pa nakaka graduate dito I will wait for you na lang" Ano ba yan kung kelan ako nag sabi ng totoo hindi naman sya naniwala. He's really an idiot. I love him pero minsan talaga ang sarap nyang i-kiss sa lips. I mean ang sarap nyang sapakin. "Idiot ka nga talaga" Inirapan ko sya bago kinuha ko na lang yung greentea ko at ininom. Hindi pa nga masyado magaling ang tonsil ko umiinom na agad ako nito. "Are you serious Zoey?" Tinaasan nya ako ng kilay nya. Muka ba kasi akong nagbibiro. Tumango ako sakanya. Ang slow din naman kasi ng boyfriend kong ito. "Promise me na hindi mo ipag sasabi kahit kanino na he's gay kaya hindi kami pwedeng dalawa." Sinusuri nya ako na baka mamaya ay nagbibiro lamang ako pero nung napansin nyang walang pagbabago sa facial expression ko ay agad syang napa ngiti. "Pero he announced it diba sa buong class nyo pa" Hindi pa rin sya makapaniwala. Medyo slow talaga. Hindi nya pala nahalata yung mga ginagawa ni Gab. "Oo nga. Ano ba idiot!! Bakit hindi mo mahalata na he just announced it kasi alam nila ni Sab yung ginawa mong break up natin kaya naisip nya na gawin yun para daw magselos ka tsaka alam nya na babalikan mo nga daw ako eh." Nakikinig syang mabuti sa mga sinasabi ko. "Ginawa nya talaga yun? Kasi lalaki pa din sya baby, pwede ka pa din nya magustuhan sa ganda mo lahat na nga yata ng lalaki dito kaagaw ko eh. Kaya babantayan ko pa din sya. Hindi kasi ako matatahimik, if he's a gay hindi nya maiisip na i-suggest yon at hindi ka nya hahalikan. Hindi ko din maramdaman na gay sya" Parang ako naman ang pinapangaralan nya. Alam kong lalaki si Gab pero sabi nya he's gay naman kaya walang problema yun. "He's gay. Don't doubt it! Hindi pa naman nila alam na nagkabalikan na tayo kaya ayaw ko munang sabihin sakanila baka magwala yung dalawa. And para may front act na din tayo at ng hindi tayo paghinalaan pag alam nilang boyfriend ko si Gab" Napatango sya sa naisip kong plano namin. Maganda naman talaga yung naisip ko. Hindi mahahalata na may isang couple na student-professor sa campus na to. "Pero since ako talaga ang boyfriend mo. You are not allowed to be kiss sa lips, bawal din ang masyadong pagdikit nya sayo at hanggang 3 seconds lang ang hug, pwede ang holding hands if necessary, bawal na mag date na kayong dalawa lang. For now yan lang muna ang rules ko" Naka gawa na sya agad ng rules. Grabe talaga. Posessive much ang boyfriend ko. Pero dahil mahal ko sya, susundin ko nalang para wala kaming pag aawayan. "Yes po! Agree na ako sa mga rules mo. Front act lang naman natin. Nga pala pupunta ka ba sa E-Night sa friday?" Yun ang engineering night namin, masquerade ang theme this year. Pupunta kasi ako, syempre last na sya ngayong year sakin kasi graduating na din naman ako. Mas magiging special siguro kung pupunta din sya. "Nag paalam na ako sa faculty na hindi makaka punta" Bigla akong nalungkot sa sinabi nya. Sayang naman kasi nag effort pa ako na mag pagawa ng gown tas yung gusto kong makasama hindi pala pupunta. "Ah ganun ba. Sayang naman" Malungkot na sagot ko, at uminom na lang ulit ng frappe. Bahala na talaga kung magka tonsillitis ako. Hindi ko mapigilang hindi inumin to eh. "Ang sabi ko nag paalam ako sa faculty na hindi ako makaka punta baka kasi mahuli nila tayong magkasama pag sinabi ko sakanila na pupunta ako" At nag wink pa sya sakin. So ang ibig sabihin ay. "You mean?" Napangiti ako. Kasi I know na pupunta sya para makasama ako. Kinikilig naman ako. Pupunta sya para sakin. Pero secret pa din naman. "Oo pupunta ako pero dahil naka mask naman hindi nila mapapansin na ako ang kasama mo. At walang maghihinala na ako yun. At dapat lang pumunta ako dahil ayokong si Gab ang sasayaw sayo." Ayun naman pala. Naka selos mode na naman sya. Ayaw kasi maniwala na gay nga lang si Gab. Pero gusto ko na din na medyo possessive sya sakin. Atleast alam kong mahal nya talaga ako. "He's a gay" "But still a man" Pa ulit-ulit na lang kami. Suko na nga lang ako. Kasi hindi naman sya papatalo but for me Gab is Gay malabong magka gusto sakin yun baka mandiri pa nga yun eh. "Not all reasons are always acceptable but sometimes you must always consider the situation to accept and understand the reason."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD