This is it. Nangungulit si Sab kung ano ba daw talaga ang isusuot ko. Kahapon pa ako hindi nag papakita sakanilang dalawa. I decided na wag na lang sabihin sakanila kasi baka mahalata nila pag kasama ko na si Kurt sa party. Kaya surprise na lang later. For the last time I look in front of the mirror and smiled as i feel contenment.
I'm wearing a long black gown covering in beautiful white lining across the top part of the gown. My Mama is exaggerating in describing my long gown, she told me that the bewitching white ribbon lining will intoxicate everyone in my gown's beauty. The radiant silk ran down to the bottom of my feet. The delicate ribbon introduced attention to the lacing lining up against my chest. Ang parents ko ang maghahatid saakin sa University dun kasi ang venue. Ang sabi ko na lang sakanila na i'll text them if uuwi na ako or if hahatid na lang ako ni Sab.
"You're so beautiful anak" Bati ni Papa nung nakakababa na ako. Nasa may garage na kami.
"Nagmana lang kasi sa beautiful Mama nya" Then my Mama winked. Medyo proud na proud nga naman si Mama sa genes nya. Nakaramdam tuloy ako ng hiya. Di bale naka mask naman ako mamaya at sana lang hindi nila ako mapansin. Pumasok na kaming lahat sa car. Ako ang nasa back seat. Kinakabahan ako na excited na ding makita si Kurt. Nakarating kami ng school hindi na pwedeng pumasok sina Mama kasi may invitation ka dapat kaya nag paalam na ako sakanila. Pag dating ko sa harap ng A-Center kung saan gaganapin ang party pinakita ko na agad ang invitation ko binigyan nila ako ng number na ilagay ko daw sa gown maliit lang naman yun para daw sa mapipiling best evening gown at agad naman ako pinapasok. Panay panay ang pagkislap ng mga camera nung pagpasok ko, maglalakad ka kasi sa red carpet. Luminga linga na ako para hanapin ang dalawang kaibigan ko pero hindi ko sila makita. 6:30pm palang naman pala kaya baka wala pa sila, sunod na hinanap ko si Kurt, ang sabi nya ay naka black tuxedo sya at may red neck tie. Sana naman ay konti lang ang may suot na red neck tie ngayon.
Madami na rin ang mga tao sa venue. Kanina pa sila tumitingin sakin, hindi ko alam kung dahil ba nagtataka sila kung sino ako at bakit nag iisa lang ako sa napili kong table. May mga nagtatangkang tumabi sakin pero lagi kong sinasabi na taken na ang mga seats na yun.
May narinig ako sa side ko na dalawang guy na nagbubulungan. Nasan na kaya ang dalawang kaibigan ko. Madilim ang place kaya mahirap talaga magkakitaan lalo na at naka suot pa kami ng mask.
"She looks like an angel coming down with her black dress--if angels wear black. I'd never realized she had ... well... girl curves. I never realized how sexy bare shoulders could look." Feeling ko umakyat lahat ng dugo sa muka ko. Buti na lang at madilim ang place at may mask hindi na masyado makikita ang pisngi ko. Nakilala nga kaya nila ako? Sana naman ay hindi kasi kahit sila ay hindi ko kilala. Pwedeng tanggalin ang mask pero mas pinili kong huwag tanggalin.
Nagsimula ang event. Maraming kung anu-anong opening rituals ang nangyari kaya halos tumagal ng isang oras dahil may mga guess speakers na dumating. Tumayo na lang muna ako sa isang side para kumuha ng drinks. Habang palalim ng palalim ang gabi ay mas dumami ang tao at ang mga nagsasayawan.
Nagsimula mag patugtog ng mga malilikot na musika, parang nasa bar lang. Mga ilang sandali lang ay napalitan ito ng slow. Nakakainis naman wala pa akong company ngayon, naglibot libot muna ako sa loob para tingnan ang mga tao. Sandaling may isang lalaki ang tumigil sa harapan ko at inilahad ang kamay nya saakin. Sinuri kong maigi ang suot nya. Okay naka black tuxedo - check, may red necktie - check, ang build ng katawan check. Sya nga ito.
"May I have this dance, baby?" Nag init na naman ang pisngi ko. Tama ang idiot na nga ito ang tagal nya dumating pinakaba pa talaga ako. Tinanggap ko naman ang naka lahad na kamay nya. Dinala nya ako sa dance floor.
"Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinahanap dito" Medyo malungkot ang boses ko. Inilagay nya ang dalawang kamay ko sa leeg nya at sya naman ay inilagay ang mga braso sa bewang ko. Nag simula kaming maki sabay sa pagsasayaw ng ibang nasa dance floor.
"Kanina pa ako dito, binabantayan kita sa lahat ng mga lalaking gustong maki pag sayaw sayo. Wag kana mag tampo baby. Lahat ng atensyon nila ay nasaiyo. You're so beautiful baby. And this is our first dance." Pinagdikit nya ang mga noo namin, bago sya ngumiti saakin mabilis na nag init ang pisngi ko. Buong gabi ay sya lamang ang kasama ko hindi nya na ako iniwan at hindi nga nya binigyan ng pagkakataon ang ibang mga lalaki na makipag sayaw sakin pero sa totoo lang ayaw ko din naman sila kasayaw kayo ayos lang naman yun.
Malapit na palang mag midnight nang may emcee na umakyat sa stage para i-anounce ang mga nanalo, pero wala doon ang atensyon ko kundi na kay Kurt na nakatayo sa tabi ko at nakapulupot ang isang braso sa bewang ko at ang isang kamay ay may hawak ng wine glass na iniinom nya. Natigil lang ang pagkakatitig ko sakanya noong may spotlight na tumapat saakin at nakatingin na pala ang mga tao saakin na pumapalakpak, narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kurt at may binulong sya saakin bago binaba ang basong hawak hawak nya.
"Congrats baby, I told you na sayo lahat ng attention nila. Punta ka na sa stage. I love you baby." Sabi nya bago iminuwestra ang papunta sa stage. Naglakad na lang ako papunta kahit hindi ko alam kung ano ang meron at may isang lalaki din na paakyat ng stage, sabay kaming pumunta sa gitna ng stage katabi ng emcee. Wala man lang ako kamalay malay sa mga nangyayari.
"Let's give a hand of applause to our Mr. and Ms. CEE for this year. And may I call on Mr. Steven Parker for giving the award" Halos lumuwa ang mata ko at malaglag ang panga ko sa sinabi ng emcee. Ako talaga ang nanalo? Umakyat si Mr. Parker yung anak ng may-ari ng University na ito. Una nyang binigay ang sash at trophy dun sa lalaki at nung saakin na.
"Congratulation Ms. CEE Zoey Trisha Ramos" Naka ngiti nyang sabi bago binigyan din ako ng sash, trophy at flowers pero paano nya ako nakilala hindi kaya kilala din ako ng iba? Naka suot pa naman ang mask ko. Nagpalakpakan na ulit sila at nakita ko si Kurt sa crowd na naka ngiti saakin at nag thumbs up pa kaya napangiti na din ako. What a proud posessive idiot boyfriend.
"Now it's time to remove your mask. May I request to our Mr. and Ms CEE to remove the mask please!" Sabi ng emcee at wala na rin naman akong magagawa, inalis ko na lang ito. Nakita ko ang mga reaction nila, ang iba ay nabigla, napasinghap, napangiti, napairap pero ang attention ko ay nanatiling na kay Kurt na nakangiti pa rin pero biglang tumalikod at umalis. Aalis na din sana ako sa stage ng nagsimulang magsigawan ang mga tao at nilingon ko ang katabi ko, walang iba kundi si Gab kaya naman pala ang iba ay kinikilig dahil alam nilang sya ang boyfriend ko. Hindi na ako naka alis dahil sa daming camera na kumikislap sa harap namin at nag co-congratulate, si Sab ang nangunguna sakanila. Tapos na ang program pero we can stay here pa and mag party. Pero nililipad na ang isip ko kay Kurt.
"Grabe Trish ikaw pala yun. Nahihiya pa kaming lumapit sayo kanina" Excited na sigaw ni Sab sakin. Hindi pala talaga nila ako nakilala kanina.
"Oo nga girl. Kaya pala hindi ka namin makita" Bulong ni Gab malapit sa tenga ko kaya lalong lumakas ang sigawan nila saamin, akala nila hinalikan ako ni Gab. Napabuntong hininga na lang ako. Dapat bang sabihin ko na din sa dalawa kong kaibigan na nagkabalikan na kami ni Kurt? Masyado kasing nakaka ilang.
"Hey Trish bakit parang hindi ka masaya na ikaw ang Ms. CEE? At teka nga kanina may nakita kaming lalaki na kasama mo ah. Sino ba yun? Classmate natin or date mo?" Napunta ulit sakin ang attention ng mga taong malapit sa lugar namin dahil sa lakas ng boses ni Sab. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil hindi ko naman sya classmate, date pwede pa pero hindi ko alam ang isasagot ko pag tinanong nila kung sino yun. Mas lalong hindi ko pwedeng sabihin na si Kurt yun.
"Ahh. Si ano. Sya yung" Hindi ko talaga masabi kaya nanliit ang mga matang nakakatitig sakin ngayon. Buti na lang biglang nag vibrate ang phone ko.
"Guys wait lang baka ang Papa ko at susunduin na ako" Palusot ko at umalis muna sa tabi nila. Si Kurt ang nagtext. Na save nya ako doon sa mga taong nag hihintay ng sagot ko.
MY IDIOT: I'm here in my car. If you want I can drive you home baby :)
Buti na lang talaga nag text ka idiot. Uuwi na nga lang ako baka mapahamak pa ako ngayon. Magdadahilan na lang ako next week or kaya baka makalimutan na nila yun. Bumalik ako sa mga taong nakapalibot kanina sakin na ngayon ay si Gab naman ang kinukulit kung bakit hindi sya ang date ko, or kung LQ ba daw kami. Napabuntong hininga na lang ako.
"Guys, una na pala ako dumating kasi ang Papa ko. Sige bye" Bago umalis na ako ng hindi hinihintay ang sagot nila. Nag mamadali akong pumunta sa parking lot. Agad kong nakita ang Ferrari ni Kurt at nilapitan sya. Agad naman syang lumabas ng driver seat. Naka ngiti nyang sinalubong ako at kinuha ang award na tinanggap ko kanina.
"I'm so proud of my baby" Nakangiti nyang sabi this time kitang kita ko na ang napaka gwapong muka nya dahil wala na syang mask na suot. Hindi ko alam yung nararamdaman ko. Sobrang saya ko. Feeling ko napakaraming butterfly sa stomach ko.
"I know Kurt. Cuz you're my proud posessive idiot boyfriend" Tumingkayad ako bago hinalikan sya ng mabilis sa labi nya. Nagulat sya sa ginawa ko ngunit mabilis naman syang nakabawi at ngumiti sa akin. Inilagay nya pa ang dalawang braso nya sa bewang ko.
"Tr-Trish-a" May boses babaeng tumawag sakin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Nagulat na lang ako nang may humablot sa braso ko palayo kay Kurt. Si Gab yun at ang babae ay si Sab. Naiiyak ako kasi kitang kita ko ang galit nilang dalawa kay Kurt.
"Trisha what is the meaning of this?" May diin na sabi ni Gab sakin at masamang tiningnan si Kurt. Kung titingnan ay paraang nag seselos na boyfriend si Gab. Ito na nga ba ang sinasabi ko dapat sinabi ko na agad sa dalawang ito ang tungkol samin ni Kurt.
"Gab, Let me explain. Pero pwede bukas na lang pagod na kasi tayo uwi na lang muna tayo ah" Mahinahon kong pakiusap sa dalawa kasi ramdam ko na ang tensyon sa aming apat. Ayaw ko namang maabutan kami ng ibang students dito. Baka lalong magka problema. Ayoko din namang sabayan ang galit nila, kaya bukas nalang ako mag e-explain sakanila.
"Come here Zoey, I'll drive you home" Tawag sakin ni Kurt, palapit na sana ako sakanya pero pinigilan ako ni Gab. Tiningnan ko yung kamay nya na nakahawak ng mahigpit sa braso ko.
"Trisha we will drive you home. Tara na!" Si Sab naman ang nagsalita sa wakas. Kanina pa kasi masama ang tingin nya kay Kurt. Gusto kong sumama sa boyfriend ko. Ayokong sirain ang gabing ito.
"You don't need to drive my girlfriend. And I want you to know that I'm her boyfriend, Sir Edrick" May mga diin ang bawat salita ni Gab at masamang naka tingin kay Kurt. Hindi nya kasi alam na nasabi ko na talaga ang totoo kay Kurt.
"No need to do that Mr. Torres, walang ibang tao dito tayo lang don't pretend na ikaw ang boyfriend because you're not. And I want to inform you that I'm her only man. And she's mine. Come here Zoey." Tawag ulit sakin ni Kurt but this time hindi na ako napigilan ni Gab kasi parang nanghina sya. Kusang bumitaw ang mga kamay nya sa braso ko. Ayokong saktan ang mga kaibigan ko na laging nandyan para sakin noong mga panahong kailangan ko sila.
"You told him Trish" Hindi tanong yung sinabi ni Gab. It's a statement na parang ang laki ng kasalan ko sakanya. Nasaktan ko silang dalawa, but I love Kurt. Nahihirapan na ako. Ayoko sa situation namin ngayon pero I need to face the consequences.
"Trish it's against in our University Rules. Hindi kayo pwede. Professor natin sya. Anong nangyari sa 'hindi ko na sya babalikan' huh Trish? Yan ba ang nakukuha mo sa tutoring session nyo?" May inis sa boses ni Sab kaya napayuko na lang ako kasi guilty-ng guilty na ako. Oo nga't bawal talaga ang relasyon namin pero malapit na naman kaming maka graduate, konting time nalang naman ang kailangan namin.
"Trish ilang beses kitang sinabihan. Ilang araw palang kayo nagkikita nyang ex mo binalikan mo na agad. Ano konting salita nya lang at sorry ay open arms mo syang tinanggap huh?" Alam ko kung bakit sila galit kasi alam nila ang ginawa ni Kurt sakin. Mag papaliwanag naman ako pero puro sumbat nila agad ang natanggap ko. Nag paliwanag na naman sakin si Kurt, mas kilala ko sya. Kahit alam kong mali ang ginagawa ko pero ang sinasabi kasi ng puso't isipan ko ay piliin at bigyan ng chance si Kurt. Hindi nila ako maiintindihan.
"I'm sorry guys." Napapaiyak na ako sa nangyayaring ito. Bakit pakiramdam ko kailangan kong pumili sakanila. Ayoko ng ganoon. Mahal ko ang mga kaibigan ko at mahal ko din naman si Kurt. Sya lang ang tanging lalaking minahal at mamahalin ko.
"Trisha nahihibang ka ba talaga? Bumitaw ka na dyan habang maaga pa kesa kung kelan sobrang kapit na kapit ka na sakanya doon ka na naman nya iiwan." Umiling iling lang ako sakanya. Hindi ko iiwan si Kurt. Kahit iyak ako ng iyak dito. Hawak hawak na ni Kurt ang isang kamay ko, pinisil nya yon. Alam ko ang ibig sabihin non. Alam kong hindi ako papabayaan ni Kurt.
"I'm sorry, Hindi ito ang inaasahan kong situation na makakausap ko kayo. Alam ko malaki ang kasalanan ko kay Zoey pero naka pag usap na kami at napatawad nya na ako kaya naman sana bigyan nyo din ako ng chance." Si Kurt naman ngayon ang nakikipag usap sakanila. Pero parang hindi nila narinig ang sinabi nya. Hindi nila ito pinansin. Galit sila kay Kurt. Sarado na ang isip nila. Kaso mahal ko sya, gusto kong pagbigyan ang puso ko.
"Nabilog mo na naman ang isip ni Trish. At pagkatapos ay sasaktan mo na naman sya." Galit na galit pa din si Gab, ngayon ko lang syang nakitang ganyan. Natatakot ako baka kasi may maglabasang mga students at makita kami dito. Mas malaking gulo yon.
"Kahit wag na natin isama ang past nyo but iba na ngayon. Kahit anong gawin nyo hindi pa din kayo pwede dahil isang kasiraan to sa University pag nalaman nila ang Professor ay may karelasyon na student" Si Sab naman ang nag explain pero umiling ako. Pwede naman namin itong itago sa lahat, konting panahon lang naman ang hinihingi ko sakanila. Hanggang graduation lang naman.
"Pwede naman natin itong itago. Please wag naman ngayon kung kelan nagsisimula palang kami ni Kurt." Paki usap ko sakanila na para bang wala silang naririnig. Siguro nabigla lang sila sa nalaman nila ngayon. Pero sana naman pagbigyan nila kami ni Kurt.
"You choose Trisha. Sya na ex mong iniwan ka at sinaktan na ngayon ay Professor natin o kaming mga kaibigan mo na lagi kang sinasamahan at nanatili sa tabi mo." Sabi ni Gab. Ngayon ay talagang pinapapili nya na ako. Hindi ko kayang gawin yun. Mahal ko silang mga kaibigan ko at mahal ko din si Kurt. Tumingin ako sa gilid ko, malungkot ang muka ni Kurt. Alam kong nasasaktan din syang makitang ganito ang sitwasyon ko. Alam nyang mahal ko ang mga kaibigan ko.
"No. Wala akong pipiliin sainyo. Tama na. Bukas na lang tayo mag usap." Sabi ko sakanilang dalawa. Ayokong dumating sa point na mag away-away kami. Kailangan lang siguro naming magpahinga ngayon. Mag cool down. Nagulat lang siguro sila, at nasaktan sa naging desisyon ko.
"You choose now Trisha. Bakit pa ipagpapabukas? Sasama ka sakanya at magkakalimutan na tayo or sasama ka sa amin na mga kaibigan mo?" Tanong ni Sab. Tuluyan na akong umiyak at niyakap ni Kurt. Nakita kong umiiling na lang ang dalawa kasi right now alam na nila kung sino ang pinili ko. Nakita ko silang nag lalakad palayo saamin ni Kurt. I'm so sorry Sabrina, Gabriel. Panay panay ang pag aalo sakin ni Kurt.
"K-Kurt they le-left me." Humihikbi ko pang sabi. Hindi ko gusto na pumili sakanila pero ayaw kong mawala si Kurt sakin at kahit sya pa ang nasa kalagayan ko ay alam kong ako pa din ang pipiliin nya. Noon pa man ay mahal na mahal ko talaga sya.
"Hush baby, don't cry. I'm still here. And I will never leave you again. Always remember that baby." Sabi nya at hinaplos haplos ang buhok ko at paulit ulit akong hinahalikan sa ulo para patahanin. Alam ko sa mga susunod na araw ay matatanggap din kami ng mga kaibigan ko dapat ko lang patunayan sakanila yun. Malapit na ang graduation magiging legal na din kami ni Kurt sa lahat ng taong huhusga samin. At ipapaliwanag ko din sakanila kung ano ang naging dahilan kung bakit ako iniwan dati. Mabait ang parents sakin ni Kurt kaya alam kong nag sasabi sya sakin ng totoo. Naniniwala ako sa sinasabi nya.
"Being deeply loved by someone gives you strength, while loving someone deeply gives you courage."